"Hey gurlz! Kasama po natin ngayon si Darlene. What can you say about those pictures of Spencer and his chaka girl? Cause that's so unacceptable! Go lang sana kung ikaw Queen Darlene ang ka-date niya sa Pampanga kaso hindi. So, what is your opinion? Haven't you talked to Papa Peng?" tanong ni Ailyn. Nandito ngayon ang Power Fan Girls sa football field ng CSA, nag-iinterview at gumagawa na naman ng content about sa issue nila kina Sierra at Spencer.
"Hi, girls." Napatingin ang mga babae sa paparating na si Spencer. Nagtilian ang Power Fan Girls dahil binusog na naman ni Spencer ang kanilang mga mata.
"Sorry, abalahin ko muna ang vlog n'yo saglit, ah?" sabi ni Spencer at nilapitan si Darlene na siyang pakay niya.
"Pretty sure!" Maarteng sambit ng Power Fan Girls na hindi magawang magalit kay Spencer kundi kay Sierra lang.
"Ah, Lene, pumasok ba si Sierra?" tanong ni Spencer kay Darlene.
"'Wag mo nga akong tanungin about sa linta na 'yon! Duh!" Inirapan ni Darlene si Spencer.
"Girls? Pumasok ba si Sierra?" Ang tatlo na lang ang tinanong ni Spencer dahil ayaw sumagot ni Darlene ng maayos. Nag-iinarte, paano nga?
"Nope!" Nakangisngis na sambit ng Power Fan Girls. Super energetic ng mga boses to the point na masakit na sa ears.
"Wait, where you going?" Pinigilan ni Darlene si Spencer na aalis na dahil nakuha niya na ang sagot na gusto niyang marinig.
"Home, acads." Humarap si Spencer kay Darlene.
"Sabay na tayo?" tanong ni Darlene na nagpapanggap na ayos lang siya at hindi naiinis.
"Hindi. 'Wag na, mauuna na 'ko." Tinalikuran niya si Darlene at naglakad nang mabilis. Naiwang nakanganga si Darlene, napahiya siya.
"OMG!" hiyaw ng Power Fan Girls kaya naman kaagad lumingon si Darlene sa kanila at sinamaan sila ng tingin.
"Girls, i-delete n'yo 'yon." Inutusan niya ang tatlo. "It's such a shame for a Queen like me."
"Pero... naka-live tayo sa IG!" sabi ni Kamyl at napatingin kay Dana na siyang may hawak ng cellphone.
"What?" eksaheradang tugon ni Darlene na akala mo'y katapusan na ng mundo niya.
"OMG! Ang daming comments!" sabi ni Dana na nakatitig mabuti sa hawak na cellphone.
"Delete it! Bwisit!" Utos ni Darlene at tumitili na sa sobrang inis.
Isa-isang binasa nina Ailyn na may hawak ng microphone at Kamyl na nakiki-share ng microphone kay Ailyn ang comments sa cellphone na hawak ni Darlene.
[ Wahahaha! Malandi! Buti nga sa 'yo! ]
[ Work out on your flirting skills, bitch! ]
[ So desperate! 'Di naman sila bagay! You deserved it! ]
[ You did a right move Spencer! Stay single! ]
[ Evil ! ]
"But girl, it's trending, ang daming views and mean comments!" sabi pa ni Dana pero biglang inagaw ni Darlene ang cellphone na hawak niya.
"Oh no..." Power Fan Girls nang biglang in-end ni Darlene ang live stream. Nalungkot sila kasi sayang ang views at comments.
"Ayusin n'yo 'yan, girls! Ayokong mapahiya sa lahat. Gusto 'ko pagpasok bukas ay may iba silang pinagpipiyestahan and probably not me. Make my image clean. Most of Augustinians naman ay followers and viewers n'yo, so do something. I'll pay for you if you will make everything's clear again, okay?" Nakikinig ang tatlo habang pinagsasabihan sila ni Darlene.
"Sure! Your majesty!" sagot nila.
"Gosh! Darn it!" inis na sambit ni Darlene at nag-walkout.
•••••
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sierra kay Spencer. Paanong nakapunta si Spencer dito? Paano siya nakapasok kung nakasara ang gate? Wala nang pakialam si Sierra kung ano pa man ang sagot, kinabig niya na ang pinto para pagsarhan si Spencer.
"Ba't 'di ka pumasok?" Mabilis na napigilan ni Spencer ang pagsara ng pinto. Hindi siya papayag na hindi malaman ang dahilan. Sayang naman ang pagod niya 'di ba kung wala lang din naman palang sasabihin ang sinadya niya.
"Pina-check up ko si Mama, binabantayan at inaasikaso ko siya buong araw," sagot ni Sierra na namumutla at mukhang hindi maganda ang pakiramdam.
"Uy, uy! Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Spencer nang biglang manghina si Sierra at mapasandal sa hamba ng pintuan. Lalapitan niya sana si Sierra kaya lang kinabig nito ulit ang pinto.
"Aww!" sigaw ni Spencer nang maipit ang kamay niya dahilan para buksan ulit ni Sierra.
"Shh... Natutulog na si Mama," galit niyang ani pero mas lalo siyang lumamay at tumamlay kumpara sa dati niyang itsura.
"Umuwi ka na, maggagabi na." Hawak ni Sierra ang sintido niya at mayamaya ay bigla na lamang itong bumagsak.
"Ay, cheese! Napakainit mo!" gulat na ani Spencer na sinalo si Sierra kaya naman hindi ito bumagsak sa sa sahig. Mabuti na lang at mabilis siyang kumilos.
"..."
Pero bakit hindi na yata siya nagsasalita? Oh, cheese! Masama 'to! Nahimatay ba siya? Ay, cheese! Oo nga! Ginising ni Spencer ang babae at paulit-ulit na tinawag ang pangalan nito sa kabila ng mga tanong sa kanyang isipan.
"Ay, Sie... Sie! Sie!" Nang walang matanggap na sagot ay binuhat niya na ang babae at dinala ito sa kanyang kwarto.
Pero saan nga ba ang kwarto ni Sierra? Iyan din ang tanong ni Spencer sa sarili. Naiakyat niya na sa hagdan si Sierra at ibinaba niya muna ito saglit at isinandal ang katawan. Nalilito kasi siya kung alin dito ang kwarto ni Sierra sa dalawang pinto kaya naman binuksan niya ang isa.
Mali.
Kwarto ng mama ni Sierra 'yon.
Isinara niya ang pinto dahil baka magising pa ang mama ni Sierra na mahimbing na'ng pagkakatulong.
Binuksan niya ang isang pinto.
Tama.
Iyon nga ang kwarto ni Sierra. Madilim at malungkot. Ipinasok niya ro'n ang babae at inihiga sa kama.
"Cheese! Anong gagawin 'ko?" Palakad-lakad ngayon si Spencer, pabalik-balik sa iisang direksyon at hindi mapakali. He need help.
"Hello, Doc Cleto!" sabi niya nang maisipang tawagan ang isang tao na pumasok sa isip niyang alam niyang makakatulong.
Sinunod niya ang mga sinabi ni Doc Cleto. Naghanap siya ng pinggan at nilagyan niya iyon ng malamig na tubig. Ginamit ang bimpo niya at iyon ang inilagay sa tubig. Nilagyan niya pa ng kaunting suka ang tubig tulad ng sabi ni Doc Cleto.
Pinunasan niya si Sierra sa noo, sa leeg at braso. Inulit-ulit niya ang prosesong 'yon hanggang sa gisawan ang dalaga. Makalipas ang ilang minuto ay nagkamalay na si Sierra kaya naman natuwa si Spencer pero hindi niya ito hinayaang bumangon.
"Mahiga ka lang, 'wag ka nang makulit kung gusto mong gumaling agad."
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...