Samantala, habang naghahabulan ang dalawa ay sina Spencer at Doc Cleto ay magkasama pa rin, nagkakasarapan na sila sa kwentuhan.
“Natuloy pala kayong lumipat dito sa Makati?” tanong ni Doc Cleto kay Spencer, nandito pa rin sila sa hallway. Nag-uusap habang naglalakad.
“Opo, kayo nga rin po pala taga-rito. Ba't po pala kayo nagpunta dito sa CSA-Makati?” tanong naman ni Spencer. Hindi niya kasi alam kung bakit nandito ang kaibigan niyang si Doc Cleto.
“Ah, hinatid ko kasi yung kapatid ko.” Napatigil sa paglalakad ang dalawa.
“Sino po?” tanong ni Spencer.
“Si Diannelyn, yung bago n'yong school's principal,” sagot ni Doc Cleto at nagpatuloy na muli sa paglalakad. Napatango naman si Spencer nang malaman na ang bagong principal ay kapatid pala ni Doc Aries Cleto. “How about Guia?”
“SI MAMA PO!?” gulat na ani Spencer. “I mean, si mama... o-okay naman siya Doc.”
Tumango lang si Doc Cleto sa sinabi ng binata. Oo, totoong okay ang Mama niya pero silang dalawa ay hindi okay. Galit siya sa mama niya, e.
“Eh, ikaw kumusta? Boy iyak-tawa?” birong tanong ni Doc Cleto saka tumawa at tinapik ang balikat ni Spencer.
“A 'yun, gano'n pa rin, Doc. May ano pa rin soda... pisu...” Natigil si Spencer sa pagsasalita dahil tila nag-iisip pa ito.
“Pseudobulbar Affect,” sabi ni Doc Cleto sa salitang nasa dulo na ng dila niya pero hindi niya masabi.
“'Yon!” sabi naman ni Spencer nang masabi ni Doc Cleto ang hindi niya masabi. Nakabubulol kasi 'yon para sa kanya.
“Anong strand kinuha mo?” tanong sa kanya ng lalaki.
“Humanities and Social Sciences po, HUMSS.” Napangisi siya at napakamot sa likod ng ulo matapos sumagot.
“Oh, balak mo mag-take ng law gaya ni Guianna?” tanong ni Doc Cleto na nagulat sa sinagot ng kausap.
Mabilis na sinagot ni Spencer ang tanong sa kanya. “Ay, hindi po. Malabo po, 'yon kasi ang pinakuha sa 'kin ni mama kaya sinunod ko na lang po.”
“Supposedly, you want to be in Sports Track, right?” ani Doc Cleto, alam niya kasi iyon ang hilig ng bata.
“Yes, doc. Kaya lang, 'di ko na pinursue basta pagbubutihan ko sa sports para sa pangarap namin ni Papa at pagbubutihan ko rin sa course na 'to para naman sa pangarap ni Mama para sa 'kin,” paliwanag ni Spencer.
Sa kabilang banda...
“Walanghiya ka talaga, Sierra!” sigaw ni Sierra habang hinahabol si Sierra na hindi maabutan. “Kapag naabutan kita, sasabunutan kita hanggang humiwalay ang buhok mo sa anit mo!”
Huminto si Darlene nang hindi makita kung saan pumunta si Sierra. Kung sa kaliwa ba o kanan? Nalilito siya.
“Come out, evil leech!” hiyaw niya at galit na galit pa rin. “Come out and I will crushed your face.”
“I know you're there. Stop hiding, leech!” sigaw niya pa habang nagmamatyag at nakikiramdam sa paligid.
Kaagad siyang napalingon sa kanang direksyon niya nang marinig na mayroong kumaluskos sa likod ng halaman. Marahan niyang hinakbang ang kanyang mga paa at nasasabik na mahuli ang kanina niya pa hinahabol.
“Gotcha!” masayang ani Darlene nang matapos dakmain si Sierra.
“What? Darn it!” Wow mali ka ghorl? Hindi pala si Sierra ang nahuli niya kundi iba. Nagkamali siya. Nakakahiya siya. Mabuti nga sa kanya.
Wala si Sierra sa kanang direksyon dahil sa kaliwa ito tumakbo. Sinilip niya si Darlene mula sa 'di kalayuan habang nakakubli sa haligi at nagpatuloy na siya sa pagtakbo upang hindi siya mahanap ni Darlene. Mamatay siya sa kahahanap.
“Boom!” sabi ng isang babaeng dumating. “Taya ka!”
Nagtitigan pa si Darlene at ang babaeng hawak niya na inakala niyang si Sierra dahil magkamukha ito kapag nakatalikod pero no'ng humarap na ay hindi pala— malayong-malayo ang itsura. Inalis ng babae ang kamay ni Darlene at tumakbo na paalis kasama ang kalaro.
Napatili na naman si Darlene sa hindi mabilang na beses dahil sa labis na pagkainis.
•••••
“Ba't mag-isa ka lang? Wala ka bang friends? O girlfriend?” tanong ni Doc Cleto. Wala kasi 'tong nakita na kasama ni Spencer. Alam niya kasing friendly ito kaya imposible namang hindi ito magkaroon ng kaibigan pero para makasigurado ay tinanong na rin niya.
Samantala ang tumatakbong si Sierra ay napadpad na pala sa kinaroroonan nina Spencer at Doc Cleto.
“Aww!” sambit ni Spencer nang may bumunggo sa kanya.
“...”
“Oh!” Nagulat siya ng makita si Sierra. Nagulat din si Sierra nang makita ang binata at ang kasama nito. Silang tatlo ay nagulat sa biglaang nangyari.
“I'd like you to meet Sierra, girl na friend 'ko,” nakangiti at proud na sabi ni Spencer. Nakaakbay pa siya kay Sierra habang ipinapakilala ito sa kaibigan niyang si Doc Cleto.
Nang ma-realize ni Sierra na nakaakbay sa kanya si Spencer ay mabilis nitong kinuha ang kamay at saka pinalipit. Isang malakas na suntok sa sikmura ang ibinigay niya kay Spencer bago tuluyang umalis at tumakbo muli nang mabilis.
“Is she your friend?” tanong ni Doc Cleto pagkaalis ni Sierra. Tiningnan pa nito kung saan tumakbo ang dalaga at muling ibinalik kay Spencer ang tingin.
“Opo, pagpasensiyahan mo na siya Doc, may pagka-weird lang talaga siya minsan,” sagot ni Spencer at sinumpong na naman siya ng kanyang sakit. “HAHAHAHAHA!” walang kontrol nitong pagtawa.
Pagkatapos nilang mag-usap ay hinanap niya kaagad si Sierra. Naglakad-lakad siya at nilibot ang buong campus. Hindi niya nakita sa library. Wala rin sa computer laboratories. Wala sa science laboratories. Wala sa San Agustin Theater.
“Ayy, 'wag na nga!” sabi ni Spencer matapos mabanas sa kahahanap. Hindi niya pa rin makita. Nagpunta na lang siya sa cafeteria at bumili ng makakain.
Naglalakad siya ngayon habang kinakain ang binili niyang Mozzarella Cheese Balls sa cafeteria at iniinom ang C2 Lemon Green Tea na hawak sa kabilang kamay. Nakarating siya sa field at nandito siya ngayon sa part ng campus kung saan nakalagay ang malalaking bakal na letra— ‘I ♥ CSA’. Sumandal muna siya saglit sa letter 'S' nang maubos niya ang kinakain kaya kinuha niya sa bulsa ang binili niyang cheeseburger.
Sinimulan niya nang buksan at tanggalin ang balot ng burger. Ngumanga siya nang malaki at handang-handa nang kumain pero hindi iyon natuloy nang may tumamang bato sa ulo niya. Sinong bumato sa 'kin? Ibinalik niya uli ang balot ng cheeseburger. Lumingon siya sa direksyon kung saan sa tingin niya nanggaling ang bato at doon nakita niyang may nakakubli sa puno.
Si Sierra 'yon na hindi naikubling maayos ang sarili kaya naman nakita siya ni Spencer pero hindi pa alam ng binata na siya iyon. Marahan niya itong nilapitan. Dahan-dahan ang hakbang niyang malalaki. Walang kaalam-alam ang dalaga na papalapit na sa kanya ang lalaki. Akala niya nakatago siyang mabuti at naisip niyang tiradorin pa ulit si Spencer. Naka-ready na ang bato na bala, lumabas siya sa pagkakakubli at nang akmang bibinatin ang tali ng tirador ay nagulat siya dahil nasa harapan niya na si Spencer.
“HULI KA BALBON!” sigaw nito dahilan para magulat ng husto si Sierra. Hindi niya na naituloy na tiradorin pa ang binata.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...