"And that's all for today. See you next meeting, goodbye children! Class dismiss!" ani Ma'am Lhera Pontillas. Last subject nila Sierra ang Philosophy ngayon na favorite subject niya and nagpaalam na ang teacher nila dahil tapos na ang klase.
"Goodbye, Ma'am Lhera!" masayang wika ng lahat na ngayon ay nagtayuan na't kinukuha ang mga gamit at isa-isa nang nag-aalis. Tulad ng dati, papalabasin muna ni Sierra ang lahat ng mga kaklase niya bago siya lumabas para wala siyang masyadong kasabay sa daan.
"Sierra, my dearest friend, kinausap ako ni Miss Lizzet Sabroso kanina, pumunta raw tayo sa faculty after class." Nakapagtataka na nandito rin si Darlene sa room na nagpaiwan din. Hindi ba dapat umuwi na rin siya? Nilapitan niya ngayon si Sierra.
"Ngayon?" tanong ni Sierra sa kaklase. Aalis na sana siya, kaya nga lang itong si Darlene ay nakaharang sa daan niya.
"Yah, kasasabi ko lang 'di ba? Bingi ka ba? There's so many tutuli na siguro sa ears mo!" ani Darlene na umatake na naman ang kabutihan sa ugali. "Oops! I'm just kidding, my dearest friend." Hinaplos niya pa ang buhok ni Sierra parang gusto niya nang sabunutan at hablutin. Nagtimpi siya.
"..."
"Don't be shy, my dearest friend! I'm not mad naman na to you. Naka-move on na 'ko sa previous fight natin kasi 'di ba? Hatred makes my face haggard." Nagpapanggap lang na mabait si Darlene at pilit niyang pinapaamo ang mukha niya habang kinakausap si Sierra.
"..."
Lumabas na ang dalawa ng room at nauuna si Darlene na sinusundan naman ni Sierra na tahimik dahil nahihiwagaan sa mga ikinikilos ni Darlene. Nang makaalis sila sa room at nang makababa sa hagdanan na malapit sa Faculty Office ay nag-iba ang ihip ng hangin.
"Stop." Lumingon si Darlene sa babaeng kanina pa nakasunod sa kanya. "Tapos na ang palabas leech, I can't take it anymore." Humakbang si Darlene papalapit kay Sierra na mukhang alam na ang ibig sabihin ng maaaring mangyari.
"Sierra..." Mabagal na tinawag ni Darlene ang pangalan ni Sierra habang hinahaplos ang buhok nito. "Kumusta naman ang paglalandi mo kay Spencer?" Huh? Malanding linta." Pinandilatan niya ng mga mata si Sierra. Gigil na gigil na siya ngayon.
Umiwas lang ng tingin si Sierra.
"Ano ba? Ba't ayaw mong mamansin?" tanong ni Darlene na binago na naman ang boses at ginawang maganda sa pandinig. Pinakalma niya ang sariling kanina pa nangigigil.
Tinalikuran ni Sierra si Darlene at hindi pinansin.
"Kinakausap pa kita. Mabilis na napigilan ni Darlene si Sierra. Nilapitan niya ito at ibinulong sa tainga ni Sierra ang mga salitang hindi dapat ilakas. "Flirty. Bitch. Slut."
"Bawiin mo ang sinabi mo," saad ni Sierra.
Pumunta si Darlene sa harapan ni Sierra. Tumingin si Darlene sa kaliwa at kanan nang makasigurado sa gagawin niya. Sumulyap siya sa 'di kalayuan mula sa likod ni Sierra nando'n tinanguan niya ang Power Fan Girls na kanina pa nagtatago.
"OMG! Let's go girls!" sabi ng Power Fan Girls nang makita nilang sinasakal na ni Sierra si Darlene. Mabilis na tumakbo ang Power Fan Girls papunta sa Faculty Office at doon nakita nila si Ma'am Lizzet Sabroso, teacher nila sa Chemistry at class adviser nila.
"Ma'am! Ma'am! Si Sierra po pinapatay si Darlene! OMG!" Natatarantang sabi ng Power Fan Girls na nagtatalon-talon pa at tumitili.
"HUH? NASA'N?" gulat na tugon ng guro.
"Follow us, ma'am..." Biglang tumakbo ang Power Fan Girls matapos magtinginan sa isa't isa.
"Yes ma'am, follow us on Twitter and Instagram!" sabi ni Dana at tumatakbo na sila ngayon papunta kina Darlene at Sierra.
"Dana!" sigaw ng dalawa dahil sa kaberatang sinasabi nito.
"OMG!" Malakas na sabi ng Power Fan Girls. Tumigil na sila sa pagtakbo dahil narating na nila ang kinaroroonan nina Sierra at Darlene.
"Sierra! Darlene!" Tawag ng guro sa dalawa at inawat niya ang dalawa. Tiningnan niya nang masama ang dalawa. Alam na this!
•••••
"Ma'am! Isuspend n'yo na 'yan! Sinaktan n'ya 'ko, ma'am! That girl is a freak, she wanted to kill me since then!" ani Darlene. Galit na galit. Gigil na gigil. Paiyak-iyak pa siya, wala namang luhang pumapatak. Nag-iinarte lang.
Nandito sila sa Guidance ngayon at si Ms. Lizzet ang umaasikaso sa kaso nila. Sa gitna may table at doon nakaupo ang Head ng Office katabi ni Ms. Lizett Sabroso, sa kabilang side ng table nando'n ang Power Fan Girls at si Darlene. Nasa kabila naman si Sierra nakayuko, tahimik.
"Yes, ma'am! Witness po kami, 'di ba girls?" ayuda pa ni Ailyn na leader ng Power Fan Girls na sumusulsol pa para madiin si Sierra. "Right!" sagot ng dalawa na si Kamyl at Dana.
"Girls, quiet. 'Di pa natin naririnig ang side ni Sierra kung bakit niya nagawa 'yon," ani Ms. Lizzet. "Sierra, I want you to explain. What was really happened?"
Bago pa man makasagot si Sierra ay biglang bumukas ang pinto.
"Excuse me, ma'am. I think, Sierra doesn't need to explain dahil wala ho siyang kasalanan," wika ng dumating.
Anong ginagawa ni Paul dito? Anong concern niya?
Ang lahat ay walang ideya kung anong dahilan ng pagpunta niya ngunit nakikita sa mga reaksyon ng Power Fan Girls at Darlene ang pakiramdam ng kaba nang tingnan sila ni Sierra.
•••••
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...