Sierra had already left Colegio San Agustin and is still walking on her way home— doesn't care if her uniform absorbs all the smoke from those vehicles travelling down the road since she's just arriving home and school hours was done. None will smell her either. She don't have boyfriend or any secret admirer so it is definitely fine. And, what's the purpose of perfume if her smell tastes as sweet as her lips which was forgotten how to smile since the day she decided not to do it.
Reflecting on what had happened earlier on the baseball field, she felt a slight relief when she realized that she gave Spencer a strong punch to the eye— the guy she hated the most. But there is still a part of herself that says it's not enough, she's not yet satisfied. She got stuck on her walk when she saw a hardware store. Standing in front of it, she snatched her money out of the small pocket of her skirt.
“Nagpapapansin ka ba sa 'kin? O, eto pera! Bumili ka ng kausap mo!”
Naalala niya ang mga sinabing 'yon ni Spencer sa kanya kanina pero hindi niya naman susundin 'yon. Hindi naman siya bibili ng kausap saka wala namang nabibiling kausap sa hardware.
“Miss, ano 'yon?” tanong ng vendor kay Sierra nang mapansin siyang nakatitig sa mga paninda sa hardware.
•••••
Days have passed and today is the day where everybody are busy. The whole class is working. Ms. Lizzet is standing there watching her students do the furnishing and cleaning. Mayro'ng nagkakabit ng clock wall, crucifix at nagdidikit ng mga imahe ni Saint Agustin. Mayro'ng nagde-sign ng bulletin board. Mayro'ng nagwawalis at nag-aayos ng mga upuan. May naglilinis din ng blackboard. May nagpupunas ng bintana. May naglalampaso sa sahig. May nagkakabit ng kurtina. Ginagawa nila ang lahat ng iyon para sa darating na Classroom Evaluation. Mas maiging gawin na nila ng mas maaga.
Samantala, isang estudyante ni Ms. Lizzet Sabroso ang biglang nawala sa classroom. Si Sierra ay nasa cafeteria habang ang mga kaklase niya ay abalang nag-aayos ng room. Siya? Abalang nakapila para bumili ng makakain.
This Cafeteria with nine entrances available: two each from the High School and Grade School Building plus three from the covered courts and one for each school bus terminal— also called ‘Integrated Canteen’, located above the covered courts and it has twenty three food stalls offering various kind of meals in a fast-food-like way. It is also reported to be the longest school cafeteria in the world for having a seating capacity of 2,186.
Holding her food tray with one piece hamburger and iced tea on it which she ordered a while ago, naglalakad ngayon si Sierra at naghahanap ng mauupuang table na bakante. Napatingin siya sa lalaking nadaanan niya— si Spencer— kasama ang mga kaibigan niya sa baseball team. Hindi niya iyon pinansin at nagdi-diretso lang.
“HAHAHA! HAHA! HA!”
Magtutuloy-tuloy na sana siya sa paglalakad kaso narinig niya ang tawa ni Spencer kaya naman kahit ayaw niyang bumalik ay napilitan siyang bumalik sa table kung saan nakaupo si Spencer mapatahimik lang ito sa pagtawa.
“Bro! Bro!” paulit-ulit na tawag ng mga ka-team ni Spencer sa kanya pero patuloy pa rin sa pagtawa ang kaibigan nila.
Inilapag nang mabilis ni Sierra ang tray niya sa ibabaw ng table nila Spencer at kinuha ang drinks. Tinanggal niya ang takip no'n at ibinuhos ang iced tea na may kasama pang yelo sa mukha ni Spencer.
Finally, he stopped. Hindi na siya tumatawa at ngayon ay nakatulala lang siya sa babaeng nasa harapan niya— si Sierra na kalmado lang.
“Holy cow!” sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Spencer. “God bless you.”
Nakatingin ang mga ito sa kaibigan habang pinipigil ang pagtawa dahil sa hitsura nito, basang-basa mula ulo hanggang sa katawan— amoy na amoy nila ang iced tea na ibinuhos ni Sierra kay Spencer.
“Cheese crap,” saad ni Spencer habang pinagmamasdan ang sarili. Pinagtitinginan na rin sila ng mga estudyanteng nasa cafeteria at ang iba ay nagbubulungan; nagngingisngisan pa.
Matapos iyon ay naglakad na paalis si Sierra pero bumalik din siya agad dahil naisip niyang wala siyang iinumin dahil ibinuhos niya kay Spencer ang drinks. Napatingin siya sa pila at nakita niyang mahaba, tinatamad na siyang pumila pa.
“OYY!” gulat na ani Spencer nang biglang damputin ni Sierra ang drinks niya at naglakad paalis.
Nainuman na ni Spencer 'yun, e! Kinuha n'ya pa. Hay nako, Sierra.
•••••
“Good morning, Agustinians!” masayang bati ng emcee sa pagsisimula ng kanilang Welcome Party para sa bagong Principal ng Highschool na si Mrs. Diannelyn Formentera.
Sa kabila ng pagiging busy ng Agustinians dahil sa program ay hindi maiiwasang may mga students na hindi nakiki-cooperate at isa roon si Spencer na naisipang umalis muna sa gymnasium para magpunta sa Library, hindi dahil gusto niyang magbasa kundi dahil balak niyang matulog at magpahinga pero habang naglalakad siya sa hallway ay may nakasalubong siya.
“Doc Aries Cleto?” ani Spencer sa lalaking nakasalubong, naka-tucked in ang suot nitong white long sleeves at sa kanyang black fitted pants na may leather belt na kulay brown.
“Peng?” sagot ng lalaking hindi gaanong katabaan at kapatayan, katamtaman lamang ang laki ng kanyang katawan samantalang ang kanyang mga hiya at biyas ay may kahabaan na siyang nagpapatangkad sa kanya.
“Opo,” ngiting saad ni Spencer saka inabot ang kanang kamay ni Doc Cleto, a psychiatrist — doctor of medicine (M.D.) who specializes in mental health.
“Kumusta?” tanong ni Doc Cleto kay Spencer pagkatapos magmano ng binata sa kanya. Magkasabay silang naglalakad ngayon sa hallway ng High School Building.
“Okay naman po,” sagot ni Spencer. Masayang nagbahagian ng kani-kaniyang kwento ang dalawa sapagkat matagal na panahon na rin silang hindi nagkita.
Sa kabila ng kanilang kasiyahan, wala silang kaalam-alam na may nagaganap na palang hindi kanais-nais kina Darlene at sa iba pang CSA students.
“Ouch!” maarteng daing ni Darlene matapos matapakan ng isa sa tatlong babaeng nagtatakbuhan at hindi siya napansin— kapwa mga 10th grade students ang mga ito.
“Sorry,” sinserong paghingi ng dispensa ng babaeng nakatapak sa sapatos niya pero hindi man lang iyon tinanggap ni Darlene.
“Sorry? Ginasgasan mo yung sapatos ko 'di ba? Bayaran mo 'yan,” mayabang na sabi ni Darlene habang minamata ang mga babaeng ngayon ay hindi makakilos dahil hinarangan niya ang mga ito at wala rin naman silang takas kung dadaan sila't magpupumilit dahil bantay-sarado sila ni Darlene na galit na galit.
“Huh?” nagtatakang reaksyon ng isa. Nagulat siya sa sinabi ni Darlene, nagasgasan lang ang sapatos bakit naman kailangang bayaran? Napaka-OA talaga ng babaeng ito.
“Ano? Wala kang pambayad? Wala kang pambili? Hampaslupa!” sunod-sunod niyang batikos sa babaeng nakayuko't hindi na makatingin pa kay Darlene dahil sa kahihiyang bumabalot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...