After an almost two hours trip, they're finally reach their destination. It's a different place for Sierra because he used to be in Makati for a long long time ago but for Spencer everything he sees is bringing back the memories he had before.
Nakatayo ngayon sila ni Sierra sa gilid ng kalsada kung saan tanaw nila ang mga gusali sa harap nila na naglalakihan. Nalalanghap, hindi lamang ng kanilang ilong ang mga usok na nagmumula sa sasakyan kundi maging ang damit din nilang suot.
Makikita ang dalawang mula sa maingay at magulong kalsada ngunit ngayon ay nasa tahimik at payapang lugar na kung saan ang langit ay maaliwalas at may mga punong lumililim sa kanila't nagbibigay ng preskong hangin.
"Pa! Kumusta?" ani Spencer. Tulad ng ipinangako niya lay Sierra ay ipapakilala siya nito sa Papa niya. "Sorry, a! Wala si Mama pero..."
Tumingin siya sa katabi niyang tahimik na nakatayo. "May kasama naman ako. Kaibigan ko po, si Sierra."
Trees are dancing as they genuinely blowing fresh air to breath; considered as a blessing from nature but the fire in the candle has gone.
Lumuhod si Spencer at sinindihan gamit ang lighter na dala ang kandilang nawalan ng apoy dahil sa hangin. Tumayo siyang muli at ipinagpatuloy ang naantala niyang sasabihin.
"School mate ko siya do'n sa dream school mo sa CSA-Makati," sabi pa ni Spencer at tumingin kay Sierra.
Ngayon ay nakaupo na sila sa ibabaw ng damo habang kinakain nilang dalawa ang mga snacks na binili ni Spencer. Halos lahat ay nakain naman ni Spencer dahil puro snacks na cheese flavor ang binili niya. Maswerteng nakabili siya ng isang snack na hindi cheese flavor at iyon ang kinakain ni Sierra ngayon.
"Alam mo ba, Pa?" sabi ni Spencer saka ininuman ang bote ng Sprite soda. "Nakapasok ako sa baseball team, varsity ako! Ang saya ko pero mas masaya sana kung nandito ka," kwento pa nito sa harap ng puntos ng kanyang Papa.
Nakatukod ang dalawang kamay niya dahil wala siyang masandalan. Ang dalawang paa niya naman ay diretsong nakalapag sa ibabaw ng damo. Si Sierra naman ay magkakrus ang dalawang binti at tahimik lang na nakaupo.
"Miss na miss na kita," sabi ni Spencer. Hinahayaan lang niya itong magsalita. "I love you."
Tiningnan niya si Spencer at nabanaag niya sa mga mata nito ang lungkot. Tama siya, hindi nga magagawang magsinungaling ng mga mata.
"'Wag kang mag-alala, okay lang si Mama." Tumingala ito at kinagat ang labi. Pinipigilan ng binata ang luha niya. "Kahit na mas naaalagaan siya ni Wennard dahil sila na lang lagi magkasama. Okay lang siya, masaya na siya! 'Di ko lang matanggap na pinalitan ka na niya kasi para sa 'kin ikaw lang ang Papa 'ko at ayaw kong maging tatay 'yong lalaki niya na 'yon."
Naubos na nilang dalawa ang kinakaing snacks at mukhang wala na rin namang sasabihin si Spencer sa Papa niya. Tumayo na si Spencer at iniabot niya ang kamay niya kay Sierra. Tinanggap naman ng dalaga ang alok ng binata at nagpahatak siya rito para madaling makatayo. Nice, gentleman din naman pala 'tong asungot na 'to!
"Ah, sige 'Pa! Next time na lang ulit, ililibot ko pa 'tong friend ko," sabi ni Spencer habang hinahaplos ang puntod ng ama kung saan nakasulat rito ang pangalan, petsa ng kapanganakan at pagkamatay.
"Happy birthday, Pa!" ani Spencer na pilit na ngumiti. "Tara na," anyaya niya sa dalaga at nauna na siyang maglakad para muling pigilan at hindi ipakita na kaunting-kaunti na lang ay tutulo na ang mga luha. Kadalasan kasi ay kapag malungkot siya ay 'di siya naiiyak samantalang kapag ayaw niyang umiyak ay saka naman siya naiiyak.
"Happy birthday po. Mauna na kami," kausap ni Sierra sa puntod ng ama ni Spencer at saka naglakad na rin at sinabayan ang lalaki. Magkasabay na nilisan ang lugar.
•••••
"Tadaa!" masayang sabi ni Spencer. Iwinasiwas niya ngayon ang dalawang ticket na hawak. Isa para sa kanya at isa para kay Sierra.
"Ride all you can!" eksaheradong wika ng lalaki at ang dalawang kamay ay nakataas pa sa ere na parang ewan.
"Para sa birthday sana 'to ni Reggie kaya lang hayaan mo na, sa 'ting dalawa na lang 'to." Iniabot niya kay Sierra ang isang ticket. "Tara!"
Naglakad ang binata at sinusundan naman siya ngayon ni Sierra. Tahimik na naman si Sierra at si Spencer naman ngayon ay tila nakalimutan na ang lungkot niya kanina noong nasa sementeryo sila at dinalaw ang puntod ng pumanaw na ama. Nalulungkot lang naman kasi siya ng sobra kapag ang topic na pinag-uusapan ay about sa Papa niya.
"Madalas kami magpunta rito sa Skyranch nila Papa at Mama noong bata pa 'ko--- share ko lang naman," ani Spencer na hindi na maitago ang ngiti sa labi na sinusuportahan pa ng kanyang mga nakatawang mata.
Nandito sila ngayon sa isa sa mga sikat na pasyalan sa Pilipinas— ang Skyranch Pampanga. It's a perfect for the family and friends who are fan of rides. Sa SM Pampanga ang location nito; maraming rides at mga food stalls. Hindi magkamayaw ang mga tao at ang mga sigawan. Sigaw ng takot at saya. Humihiyaw sa tuwa habang umaangat sa itaas.
Masaya.
Sobrang saya ng mga tao.
Bagay na binura na ni Sierra sa kanyang bokabularyo at pagkatao. Ayaw niya sa idea ng happiness. Ayaw niyang maexperience pa ang masasayang activities like this.
"Ah, ang daldal ko ba?" tanong niyang muli sa babaeng akala mong napipi na naman. "Ah, tara sa roller coaster?"
Tinanguan niya ito at hinawakan ang balikat at isinabay sa kanya sa paglalakad pero huminto ang babae.
"Ayoko," matamlay na sagot niya kay Spencer.
"Ang tapang mo tapos takot ka sa roller coaster?" tusong ani Spencer.
"Ikaw na lang," sabi ni Sierra at mukhang natatakot nga yata. Sa bagay hindi naman imposibleng magkaroon ka ng fear of heights dahil halos lahat naman yata ay nakaka-experience ng gano'n pero for a girl like Sierra--- it's so hard to believe na takot siya sa rides. It's just natatakot siyang ma-feel ang saya.
Tumayo si Spencer sa harapan niya at humakbang pa ito papalapit sa babae. Pigil na pigil naman ang paghinga ni Sierra nang malapitan siyang tinititigan ni Spencer. Napako na ang mga paa niya sa kinatatayuan at hindi makagalaw.
"'Wag kang matakot, nandito naman ako." Mga nasa isang sentimetro lang ang layo ng mukha ni Spencer kay Sierra nang sabihin niya iyon.
Hindi alam ni Sierra kung anong gagawin niya.
Isang malakas na sampal ang isinagot niya kay Spencer at nang ma-realize ang ginawa ay tumalikod siya bigla.
"Hindi ako sa rides natatakot. Sa 'yo." Nakatalikod niyang sabi kay Spencer.
"Weh? 'Wag kang sisigaw, ah! 'Wag kang iiyak. Ako kasi... sanay na sanay na 'ko rito," maangas pang sabi ni Spencer na naglakad at pumunta na naman sa harapan ng dalaga. Hindi man lang nadala o nag-alala na baka masampal siya ulit. Buti naman hindi niya na inilapit ang mukha niya kay Sierra nang gano'n kalapit. Akala kasi ni Sierra, hahalikan siya ni Spencer. Kainis.
Sa pagkakataong ito ay hindi inaasahang sumilay ang isang maliit na ngiti sa babae pero kaagad niya rin 'yong itinago. Nagbago ang ihip ng hangin at siya na ngayon ang nauunang maglakad. Sinusundan siya ni Spencer ngayon, nakangiti habang pinagmamasdan ang buhok ng nakatalikod na babaeng naglalakad.
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Spencer nang mag-iba ang tugtog na napapakinggan ng mga tao sa Skyranch. Tinutugtog ngayon ng malakas ng mga amplifiers sa pasyalan na ito ang kantang bagay na bagay na moment nila— “Sa Piling Mo / Silent Sanctuary”.
"Oh, ayan na. 'Wag kang matatakot, a? Walang sigawan, a? Walang iyakan," maangas na saad ni Spencer dahil naka-ready na ang lahat at malapit nang umandar. Hindi siya pinansin ni Sierra. Ayaw niya nang makipagtalo pa. Mahalaga sa kanya ang bawat patak ng laway niya.
"WAAAH!" Malakas na tili ni Spencer.
What the hell is that? Siya ang nagsabing walang sisigaw at huwag matatakot pero siya itong nagwawala ngayon sa
"MAMA!" sigaw pa niya habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay. Akala mo siyang bata na iniwanan ng mama sa mall at nagwawala kakaiyak.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...