20: Socrates' Words of Wisdom

97 14 2
                                    

Hindi pa man natatapos ni Ma'am Pontillas ang sasabihin niya ay nakatayo na agad itong si Sierra. Ano kayang mayro'n sa babaeng 'to? Bakit napaka-competitive niya today? Sa bagay, kapag alam niya naman talaga ang sagot ay sasagot talaga siya. Minsan nga lang tamad siya at sobrang walang gana. O baka naman nagpapa-impress lang siya kay Spencer? Maybe no. Bakit naman siya magpapa-impress sa mokong na 'yon, e, hate na hate niya 'yon? Siguro nga, alam niya lang talaga ang sagot. Active naman kasi siya sa klase pero madalas lang siyang sumasagot kapag ang subject ay Philosophy na, the rest subject ay puro sa written na lang siya bumabawi. And, most hated niyang subject ay ang Filipino, hindi pala ang subject kundi yung teacher mismo— si Gng. Losala na napakasungit at init ng dugo sa kanya.

Mabalik tayo kay Sierra. Naghihintay na sila sa sasabihin nito. Naghihintay na mabulol siya o 'di kaya'y naghihintay na irapan niya rin si Darlene. P'wede namang naghihintay lang din.

“The secret of change is to focus all of your energy not on fighting the old but on building the new.”

“The only true wisdom is in knowing you know nothing.”

“Sometimes you put walls up not to keep people out but to see who cares enough to break them down.”

“She who is not contented with what she has, would not be contented with what she would have.”

Sunod-sunod na sagot ni Sierra at ang panghuli ay patama niya kay Darlene. Ginawa niyang 'she', 'he' dapat 'yon. Ano sila ngayon? Nganga silang lahat. Hindi nabulol si batang Sierra. Yeah! Pinaghandaan yata. Kapag hindi siya nabubulol, ibig sabihin ay hindi na siya kinakabahan o ninenerbiyos. Wala na yung strange and unwell feeling kumbaga.

“Bravo!” bulalas ni Miss Lhera at inutusan niya na pumalakpak ang lahat. “Next time, give chance to others, baka lumampas na 100 yung grades mo. Char!” Tumawa pa ito sa 'di malamang dahilan kaya lang siya lang ang natawa.

And, mayro'n ding hindi masaya. Oh my gosh, Darlene! Nag-aapoy siya sa galit at inggit. Hindi ito maganda! Hindi siya maganda.

“Okay, our lesson for today...” sabi ni Miss Lhera na bumalik na sa kanyang laptop at itinuloy ang discussion. Lumingon si Darlene sa dalawang lalaki sa likod at inirapan niya ulit si Sierra na nasapawan naman siya today.

Samantala, biglang tumayo si Spencer nang mabasa niya ang message na nag-pop-up sa notification niya.

“P're, bakit?” tanong ni Reggie.

“Cheese! Nando'n na raw si ma'am.” Sinenyasan niya si Reggie na tumayo at umalis na.

“Wala na siyang ingrown sa ulo?” tanong ni Reggie habang pinipigilan ang tawa.

“Bugok!” sabi ni Spencer na hindi na napigilang matawa at bago pa nila masira ang klase ni Miss Lhera ay nagpaalam na silang tuluyan.

“Ma'am, alis na po kami.”

Mabilis na tumakbo palabas para makabalik kaagad sa room nila. Pagdating nila sa room ay nando'n na nga si Ma'am Mae Samson, teacher nila sa 21st Century Literature.

“Ma'am Mae...” malamyang ani Reggie habang unti-unting pinapadausdos pababa ang katawan sa kanyang desk.

“Ay, Gie! Umayos ka nga,” sabi naman ni Spencer na kunwari lang nakikinig pero hindi naman talaga. Tatango-tango lang ito sa sinasabi ng guro na akala mo ay naiintindihan talaga. Mapagpanggap!

Sobrang bilis ng oras at kaagad na natapos ang klase. That was such a blessing for these guys na walang ibang ginawa sa klase ni Ma'am Mae kundi ang maghikab at piliting idilat ang mata nila dahil sobrang nakakaantok magturo si Mrs. Samson.

“Hay, nakaraos na naman!” Reggie said while stretching his arms. “May natutunan ka, p're?”

“Sa lesson o sa buhay ni ma'am?” tanong ni Spencer. Naglalakad silang dalawa at papunta sila ngayon sa comfort room.

“May lesson ba siyang tinuro?” tanong ni Reggie. Kapapasok lang nila sa comfort room.

Umiling si Spencer.

“Eh, 'yong tungkol sa buhay niya? Ano natutunan mo?” tanong muli ni Reggie who is in the process of urinating to the urinals— an automatic flushable wall fixture like in a public lavatory and only used by men when urinating in a standing position.

“May lesson ba sa buhay niya?” tanong ni Spencer na ngayon ay isinasara na ang kanyang zipper dahil tapos na siyang umihi.

Umiling lang si Reggie sa tanong ni Spencer. Pagkatapos nilang umihi ay naghugas sila ng kamay, hinawi at inayos ang medyo magulong buhok.

“Edi wala kang natutunan?” tanong ni Reggie at kakalabas lang nila ng comfort room ngayon. Magkasabay silang naglalakad sa hallway na may mga nagkalat rin na estudyante.

“Wala,” sagot ni Spencer.

“Oy, teka. Sa'n ka pupunta?” tanong ni Reggie nang mapansin na sumalungat ng direksyon ang kaibigan. “Dito tayo dadaan.”

“Mauna ka na, Gie, may pupuntahan lang ako,” ani Spencer at tumakbo na ng mabilis palayo matapos tapikin sa balikat si Reggie.

“Sus! Pupuntahan lang nito si Darlene, e!” Napailing na lang si Reggie bago umalis at bumaba ng hagdan. Hinayaan niya na si Spencer.

“Psst!” Tumatakbo pa rin si Spencer hindi niya pa rin naaabutan ang hinahabol niyang si Sierra.

Hindi kumibo si Sierra at sinasabayan siya ni Spencer ngayon sa paglalakad. Ano bang pakay niya kay Sierra? Bakit naman kailangan niya pa itong sabayan? E, last time na mag-usap sila, kahapon, hindi maganda ang kinalabasan.

“...”

“Ang galing mo kanina, a!” puri ni Spencer sa katabi na wala pa ring pakialam sa mga sinasabi niya. Halata namang nang-uuto lang si Spencer kaya walang dating ang mga sinasabi niya kay Sierra. Kailan ba nagkaroon ng dating ang mga sinasabi ng lalaking 'to sa isang tulad ni Sierra?

“...”

“Okay ka na ba? Kahapon kasi bigla ka na lang umiyak tapos hindi mo sinabi kung bakit tapos...” Natigilan si Spencer sa pagsasalita nang makita niyang nag-iba ang timpla ng mukha ng dalaga. Sumama ang pakiramdam nito nang mabanggit ni Spencer ang tungkol sa kahapon.

“…” Binilisan ni Sierra ang lakad niya at nilampasan si Spencer.

“Alam kong may problema ka—” sabi ng binata nang maabutan muli ang dalaga. Nakatayo siya sa harapan ni Sierra.

“Lahat ng tao may problema,” sagot ni Sierra na pinutol sa pagsasalita ang lalaking kausap. Inihakbang niya ang paa pakaliwa para malampasan niya si Spencer.

“Cheese! Hayaan mo 'kong magsalita,” sabi ni Spencer na ikinukumpas pa ang dalawang kamay at humakbang din patagilid sa kaliwang direksyon kung saan humakbang si Sierra kaya naman katapat niya na ulit ang dalaga at nahaharangan niya na ang dadaanan nito dahil ibig na naman tumakas.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon