17: Power Fan Girls

104 14 1
                                    

“P're, sa'n ba tayo pupunta?” tanong ni Reggie sa kaibigang si Spencer.

Magkasama na naman ang dalawa at kalalabas lang nila ng classroom. Iniwanan nila ang mga kaklaseng nagkakagulo, narindi na siguro sila dahil wala rin naman silang teacher. Naglalakad sila ngayon sa hallway na tahimik dahil walang mga students na pagala-gala bukod sa kanilang dalawa dahil class hours ngayon. Ang pasaway na dalawang ito, ano na naman kaya ang balak nilang gawin?

“Magcu-cutting ba tayo?” tanong ni Reggie na sinusundan lang si Spencer. Pahakbang-hakbang siya at unti-unting pinapalaki ang hakbang dahil bumibilis na ang paglalakad ni Spencer.

“Oo!” ani Spencer na huminto sa paglalakad at biglang humarap sa kaibigan.

“Huh? Baka mahuli tayo!” takot na sabi ni Reggie na napaatras dahil muntik nang mabangga kay Spencer na sinusundan niya.

“Hindi 'yan,” sabi naman ni Spencer at nilapitan ang kaibigan saka inakbayan.

“Eh, si Ma'am 21st Century, masungit 'yon!” sabi pa ni Reggie habang nakaakbay sa kanya si Spencer.

“Bugok! Male-late daw si Ma'am Mae Samson ng thirty minutes sabi sa group chat,” sabi ni Spencer at magkasabay na silang lumalakad ngayon ni Reggie.

“Bakit daw?” tanong ng kaibigan. Malayo na sila sa classroom nila kung saan sila galing.

“Masakit daw yung ingrown niya sa ulo,” ani Spencer saka tumawa nang tumawa.

“Ingrown? Sa ulo? Baka mine green!” ani Reggie at dahil do'n ay biglang tumigil si Spencer sa pagtawa.

“Migraine 'yon, bugok!” sabi sa kaibigan saka muling naglakad ng sabay habang magkaakbay pero natigil sila nang biglang nakita nila ang isang babaeng paparating. Matangkad ito at mas lalo pang pinapatangkad ng suot na heels. Nakasuot siya ng unipormeng pang-guro na saktong-sakto lang sa hubog katawan niya.

“Good afternoon, Miss Pontillas!” pagbati ni Spencer. Napabitiw ang dalawa sa pagkaakbay at mabilis na inayos ang sarili. Inayos ang hindi naman magulong buhok gayundin ang polo nilang hindi naman din magulo.

“Good afternoon,” bati pabalik ng babae na hindi maikakailang maganda at balingkinitan ang pangangatawan kaya naman ang mga mata ng dalawang lalaking ito ay kumikinang at kulang na lang ay magkaroon ng mga puso sa mata nila.

“H-Hello, M-Miss Lhera!” natatarantang bati ni Reggie. “Tulungan ko na po kayo,” sabi pa nito at kinuha ang mga dalang gamit ng teacher.

“Thank you,” sabi naman ni Miss Lhera Pontillas na natutuwa sa dalawang lalaking ito.

“Sa'n po ba ang class niyo ma'am?” tanong ni Reggie samantalang si Spencer ay tahimik lang at sumasabay lang sa kanilang maglakad.

“Dito sa STEM 11-A,” sabi ng teacher hanggang sa makarating sila sa room na sinasabi ng guro.

“Ahh, p'wede po maki-seat in saglit? Wala pa naman po kaming teacher, e!” tanong ni Reggie. Pabalik ang direksyon nila ngayon. Hindi ba dapat ay hindi sila pabalik dahil may pupuntahan sila? Anong nangyari kay Reggie? Gano'n ba siya kabait o kainteresado mag-aral? Hindi, kay Miss Lhera Pontillas siya talaga interesado.

“Okay lang,” sagot ng teacher at pinagbuksan ni Reggie ng pinto ang teacher. Nauna nang pumasok si Miss Lhera habang ang dalawa ay nasa labas pa rin. Papasok na sana si Reggie kaya lang tinawag siya ni Spencer.

“Gie, 'di ba magcu-cutting tayo?“ tanong nito sa kaibigan para maalala nito ang usapan nila kanina. “Tara do'n sa computer lab!”

“P're, 'wag na...” sagot ni Reggie. “Dito na lang tayo kay Miss Lhera Pontillas.” Sabi na nga ba at ang teacher ang pakay nitong Reggie na ito, hmm...

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon