01: Laughing Out Loud

999 38 20
                                    

First page of the calendar has started. It's January! The former wet lands became dry for the seasonal of dryness and warmth in Philippines. This annoys every people when it comes. Sweating like a pig, couldn't be prevent and also the conduction-like of the temperation through people's mind that caused hotheaded, thus, use of fans or electric one to feel a slight of coldness and relief is the best thing to do.

But, for those who are studying at Colegio San Agustin, they don't need to use electric fans or any DIY cooling materials because of their room filled with air-conditioners, except this girl who's standing in front of a white board that seems to be not affected by the cold it gives. Sierra's knees are like jelly while her lips are shaking, sweating of hands and feet even the hidden corners of her body, her armpit and inguinal region weren't exempted to the nervous surrounding her.

"Gaano kami katagal maghihintay, Binibining Ponce?" pagalit na tanong ni Gng. Ana Losala, teacher nila sa Filipino.

Siya yung uri ng Filipino teacher na strikto at talagang ini-imply niya na purong Tagalog ang salitain sa klase niya. Actually, kung ako ay estudyante niya, isang kalapastanganan ang pagna-narrate ko using English language na ginawa ko kanina sa panimula nitong kwento.

"Pathentiya po, guro," sagot ni Sierra na nahihirapang bigkasin ang letter 's' everytime she feels something strange or not normal inside. Pasensiya; iyan ang ibig niyang sabihin.

Lalo siyang nataranta nang sumidhi ang mga nanlilisik na mata ng kanyang teacher. If her classmates feel the coldness of the air-conditioned room, for her it feels like a summer in hell. Pakiramdam niya, para siyang ulam na iniinit sa microwave oven gaya ng teacher niya, kaunting-kaunti na lang ay sasabog na sa sobrang init ang ulo.

But before it explodes, ang mga papel na hawak ni Sierra muna ang sumabog dahil sa labis na pagkataranta. Nagmamadali ngunit maingat siyang naupo, mahirap na baka masilipan siya at nakapalda, para pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.

Nang mapulot niya na lahat ay ibinalik niya na ito sa folder, ngayo'y lukot-lukot na ang written report niyang isusubmit kay Gng. Losala. Inilapag niya sa table ang folder at kaagad na tumayo sa kabilang gilid ng white board para hindi siya matamaan ng ilaw ng projector.

Pambihira! Hindi pa rin siya mapakali. Lipat dito, lipat doon. Kahit saan siya magpunta ay natatamaan siya ng ilaw ng projector, and nakakainis nga naman talaga 'yon dahil hindi makikita ng mga kaklase niya kung ano yung irereport niya.

"Ano ba?" ani Mrs. Losala na ngayon ay tumayo na sa kanyang pagkakaupo sa kanyang trono. Mula sa likuran kung saan siya nakaupo ay naglakad siya ng ilang hakbang dahilan para mapunta na siya gitna ngayon. Mas malapit, mas nakakakaba para sa dalaga.

Finally, nahanap na ni Sierra ang tamang pwesto kung saan siya makakapag-report nang maayos.

"Good afternoon, again. My--" naputol ang kanyang sasabihin.

"Filipino!" Dahil sa sigaw na ito ni Mrs. Losala. Naisip na ni Sierra ang bagay na 'yon pero before she finished her realization, Mrs. Losala was already done that.

"Magandang hapon ulit. Ang aking-- uhm-- ano na nga 'yon?" ani Sierra na mahinang tinanong ang sarili.

Hindi niya magawang tingnan ang mga kaklase na pinakamahalagang gawin kapag nagre-report, lalong-lalo naman na kay Mrs. Losala. Sino ba naman kasi ang may kaya siyang tingnan in this kind of situation?

"Ang topic-- I mean, ang ibig kong sabihin, ang aralin na ire-report ko is-- ay-- about sa iba't ibang... paraan ng pananaliksik. First of all--"

Hindi niya na naman natapos ang sasabihin dahil sumingit na naman si Mrs. Losala.

"Ang kulit! Sinabing Filipino! Maupo ka na! Napakarami mo nang inaksayang oras!" sigaw nito at tuluyan nang naglaho ang kanyang natitirang pasensiya.

Mabigat na humahakbang si Sierra paalis sa kanyang pwesto. Kinuha niya ang folder sa ibabaw ng table na naglalaman ng kanyang written report. Habang papalapit siya kay Mrs. Losala ay labis na kalungkutan ang nararamdaman niya. Sadness, the feeling she loved the most. She's happy because she's sad.

Iniabot niya kay Mrs. Losala ang folder para kahit papaano man lang ay may grades pa rin siya. Tinanggap naman ito ng guro na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapawi ang galit. Hindi siya galit dahil gusto niya lang. She's mad because of Sierra's trait, she excels in written works but sucks in oral reports or recitation. She saw a lot of potential to this girl pero mukhang wala na siyang magagawa kung gan'to talaga kahina ang loob ng dalaga. Hindi rin naman maidaan sa mahinahong usapan si Sierra. Kahit sigawan siya o pagalitan, hindi niya maririnig 'yon. Sarili niya lang ang nakakaintindi sa kanya.

"Guro, maaari bang ako na lamang ang mag-ulat? Kung inyo pong pahihintulutan," saad ng isang dalaga na nakaupo sa pinakaunahang upuan sa first row.

Pinagmasdan niya kung gaano kalungkot ang mukha ng kaklaseng lagi na lang mababa ang grades pagdating sa oral activities, hindi niya katulad na matapang ang hiya. Nang makaupo si Sierra sa upuan sa likod niya ay kaagad siyang tumayo. Nginitian niya ang kanyang teacher at pilit pinapaamo ang mukha though it's obvious, she's a pretty bitch girl.

"Sige, Binibining Darlene. Nais kong ikaw na lamang ang mag-ulat nitong napakadaling araling hindi ko alam kung bakit hindi niya magawang ipaliwanag," ani Mrs. Ana Losala na ang tinutukoy ay si Sierra na ngayon ay nakakalumbaba lang habang nakatingin ang mga mata sa sahig.

"Opo," mahinhing sagot ni Darleneat super confident na pumunta sa harapan para i-discuss ang PowerPoint na pinagpuyatang gawin ni Sierra kagabi.

Ngumiti muna ito at mahinang humalinghing saka kinagat ang labi. Hindi ko alam kung para saan 'yon but she just stole the attention of everyone because of that. Lagi niyang ginagawa 'yon kaya siguro isa sa naging dahilan 'yon para magustuhan siya ng mga kaklase niya.

"At iyan po ang iba't ibang uri ng pananaliksik," ani Darlene bilang pagtatapos sa ulat pero mukhang iba ang sinasaliksik ng mga kaklase niyang lalaki kanina pa. Buhay na buhay maging ang mga bagay na hindi dapat mabuhay sa kanila. Nabuhayan ang lahat hindi dahil sa busog na busog sila sa mga kaalaman na ibinahagi ni Darlene kundi dahil sa busog na busog nitong dibdib. Bakit doon sila nakatingin? Is that where the knowledge coming from?

"Mahusay!" saad ni Mrs. Losala pagkatapos magpaliwanag ni Darlene Datuin. Halatang satisfied siya sa report ng dalaga.

Pumunta na sa harapan si Mrs. Losala. Matapos ang palakpakan sa loob ng classroom ay nagsalita na ang nakangiting guro. Bukod kasi kay Sierra, ay natutuwa din siya kay Darlene dahil 'di katulad ng isa, mayroon itong lakas ng loob magsalita. Sana all, 'di ba?

Good mood si Ma'am na nagbigay ng assignment sa mga students niya.

"Tapos na ang klase, hanggang sa muli!" Mga salitang kanyang binitiwan before she left the classroom.

"Paalam, Gng. Losala," sabay-sabay na saad ng mga estudyante habang nakatayo. Sa isang iglap ay naglaho na parang bula ang mga estudyante at naiwang mag-isa si Sierra.

Sinadya niyang paunahing umuwi ang mga kaklase dahil ayaw niya silang makasabay sa paglabas, gusto niya siya lang mag-isa.

Ngayon ay sukbit niya na sa likod ang kanyang backpack bag na luma at marahang naglalakad palabas ng classroom but when something invaded her inner ear-- a loud laugh; she immediately step her feet, hurrying to see where that sound came from. She heard that laugh before and feels like it's no new to her.

Nang makalabas siya sa classroom, a familiar guy caught her attention. It's Spencer Stanislaus, wearing his uncontrollable laugh in his mouth, laughing his ass out.

Yes, he's still laughing... out loud.

That moment, Sierra's mood changed in a bit.

One thing is for sure, she needs to stop him before her world became completely ruined.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon