29: Eyes Says The Truth

87 11 0
                                    

"Now that I allow you to be my friend, I have rules."

Nakatingin na ngayong muli si Sierra--- diretso ang titig sa mga mata ni Spencer na mababasa roon ang kaba.

"Oh, cheese! Alam ko na--"

"Shut up, ilalaglag kita sa bintana." Hindi na natapos ng binata ang sasabihin at itinikom na ang bibig dahil sa banta ng dalaga.

"Rule number one and only rule. You're allowed to talk but not to laugh. Just don't laugh. That's it. I hate you when you laugh," seryosong saad ni Sierra ngunit tanging hikab lamang ang natanggap niyang sagot mula kay Spencer.

"Inaantok ako, iidlip lang ako," sabi ng binata matapos maghikab. Mukhang inantok nga siya sa mga sinabi ni Sierra, kanina pa rin kasi nagkukuwento ang babaeng 'to. Bakit nagiging madaldal siya kapag si Spencer ang kausap niya? Kahit pigilan niya ang sarili na 'wag sumagot at hindi na pansinin pa ang lalaki ay sa bandang huli napipilitan pa rin siyang magsalita't magpaliwanag.

Tila napagod na rin ang dalaga at kitang-kita ang mabilis na pagpikit ng mga mata nito matapos isandal ang ulo niyang may suot na black bonnet. Si Spencer naman ay nakasandal na rin ang ulo at nakapikit na kaya lang mas naunang makaidlip si Sierra.

Hindi niya alam na malakas pa lang maghilik si Sierra kaya naman hindi nakaligtas ang mga tainga niya.

"Hay, ang lakas naman maghilik ng pilosopo na 'to," aniya nang hindi patulugin ng malalakas at sunod-sunod na hilik ng babae na ngayon ay nakakuha na ng idlip.

Inis niyang tinalikuran ang babae at kinuha ang kanyang cellphone. Bago niya ituloy ang naisipan na mag-sound trip ay ibang trip niya muna ang ginawa niya. Kinuhanan niya ng picture ang nakanganga at natutulog na si Sierra saka tumalikod at nagmasid sa bintana. Nagpunta siya sa music ng phone niya at kaagad na pumili ng random song. Puro Silent Sanctuary lang naman halos lahat ng nasa music playlist niya kaya naman 'yon din ang pinapatugtog niya ngayon sa cellphone niya. Nilakasan niya pa ang volume para hindi marinig ang hilik ni Sierra.

Nagsimula niya nang kantahin ang kantang may malungkot na liriko at tema ngunit masaya ang tono.

Kinakanta ni Spencer ang bawat stanza ng kanta kahit na wala siya sa tono masyado ay wala siyang pake basta nasasabayan niya ang kanta na gusto niya.

Nakarating na si Spencer sa chorus part ng kantang "Maalala Mo Sana / Silent Sanctuary”.

Nagising si Sierra sa boses ng lalaki na gumambala sa pagtulog niya. Naramdaman ni Spencer na parang may nakatitig sa kanya kaya naman nilingon niya ang katabi habang siya ay tuloy pa rin sa pagkanta.

"Kaya ngayon aaminin na sa'yo..." pasigaw na kanta ni Spencer habang napapa-headbang "...na mahal na mahal kita---"

At natigilan si Spencer matapos mabanggit ang panghuling linya ng chorus. Nakanganga siya habang nakatulala lang sa babaeng masama ang tingin sa kanya.

"Ang ingay mo. Babangungutin ako sa boses mo." Inirapan niya si Spencer at pabagsak na isinandal ang likod sa upuan.

Itinikom ang bibig at lumunok bago magsalita. "Sorry," sagot ni Spencer pero walang feelings; hindi na naman sincere. Nag-peace sign pa 'to saka nagbigay ng nang-iinis na ngiti.

Sierra threw a glimpse to the guy beside her but she immediately look again not on Spencer's face but to the thing around its neck.

"Oy," ani Spencer nang makahalata sa mga tingin ng dalaga. "Bet mo 'tong travel pillow ko 'no?" sabi nito at nginisihan ang dalaga. Napansin kasi niyang iba ang titig ni Sierra sa travel pillow niya.

"Nope." Umiwas muli ng tingin si Sierra pero pilit hinuhuli at sinusundan ni Spencer ang mga mata niya. Nang tuluyang makaiwas ng tingin si Sierra at matalikuran ang binatang nang-aasar; sumandal na si Spencer sa kinauupuan.

"Cheese! Your mouth is liar. Eyes can speak too, and it always says the truth." Diretso lang ang tingin ni Spencer samantalang si Sierra ay nakatingin na sa kanya ngayon. Iniintindi kung ano ang sinasabi ng katabi.

"'Pag sinabi mong hindi, ang sagot mo talaga'y oo." Nilingon ni Spencer ang babae. Umayos siya ng upo at inalis niya ang travel pillow na nakalagay sa leeg niya.

Iniabot niya kay Sierra ang hawak na travel pillow. Tinanguan pa siya ni Spencer nang tingnan niya lang ang hawak nito.

"Oh..." sabi pa ni Spencer hanggang sa makumbinsi niya ang dalaga at tatanggapin na ang alok ng binata nang biglang...

"Hooh!" nakangusong ani Spencer na kaagad binawi at inilayo ang travel pillow sa kamay ni Sierra. "Ayoko nga kabibili ko lang nito!"

Nginitian niya ang dalagang inaasar. Inirapan siya nito at tinalikuran.

"Biro lang!" sabi ni Spencer at kinalabit ang dalagang mukhang nagtatampo... yata? "Kunin mo na..."

Inalok nitong muli ang travel pillow. Ang lakas talaga ng trip niya!

"Oh... para 'di sumakit ang leeg mo," ani Spencer na manawi-nawi at pinipigilan na bumulalas sa bibig ang malalakas niyang tawa. "Saka para makatulog ka nang maayos."

Ayaw pa rin kuhanin ni Sierra na tumaas na nang tumaas ang pride.

"Hindi ko kukunin 'yan, baka mamaya pinagtitripan niya na naman ako," sa loob-loob ng babae at ayaw pa ring lingunin ang katabi na kinakalabit siya at kanina pa tinatawag.

Ang ginawa ni Spencer ay hinawakan niya sa balikat si Sierra at hinila ito para mailagay niya sa leeg ng dalaga ang travel pillow.

"Bakit?" tanong ni Sierra na ngayon ay nakalagay na sa leeg niya ang travel pillow na kanina ay nasa leeg ng lalaking nang-aasar sa kanya.

Tinanong niya si Spencer dahil nakatitig ito sa kanya at parang may gustong sabihin.

"May earphones ka?" tanong ni Spencer. Iyon ang kailangan niya. Akala tuloy ni Sierra na kaya ginawa ni Spencer 'yon ay dahil may inaantay itong kapalit.

"Here, just don't sing," sabi pa ni Sierra matapos ibigay sa lalaki ang earphone niya na kinuha niya nang mabilis sa kanyang bulsa.

"Okie dokie," ngiting tugon ni Spencer sa paalala ni Sierra. Isinalpak ni Spencer sa magkabilang tainga ang earplugs na ipinahiram ng babaeng ngayon ay nakasandal na't nakapikit ang mga mata.

Umiling pa si Spencer bago i-play ang kanta na kinakanta niya kanina. Gusto niya mang sabayan ang kanta pero ayaw niya dahil baka magising ang pilosopong natutulog. Masapak pa siya nito sa bibig, ayaw niya naman ding magkapasa. Mapanakit pa naman ang babaeng 'to.

Nang hindi niya maabala ang pagtulog ng katabi ay ipinikit niya na lang ang mga mata niya at natulog na lang din siya katulad ni Sierra.

In just a blink of an eye, Spencer is leaning his head on the shoulder of the girl who's now barely awake but she just let their situation as is.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon