35: Kapampangan Cuisine

70 8 5
                                    

Nakaupo ang dalawa sa table kung saan mayroong table cloth na kulay light green at puti. Ang inuupuan nila ay upuan na gawa sa kahoy. Komportable ang lugar na ito at hindi mainit dahil sa mga ceiling fans na nakakabit sa kisame na nagpapalamig ng temperatura dito.

"Ang tagal naman, nagugutom na 'ko." Sinusulyap-sulyapan pa ni Spencer ang kusina na pinuntahan ng tita niya. Tinitingnan niya kung paparating na ba ang mga ito.

"Alam mo ba?" tanong ni Spencer sa babaeng kaharap niya.

"Hindi pa," tugon naman ni Sierra na namimilosopo na naman.

"Wait. Medyo mag-aala kuya Kim lang ako ulit," sabi ni Spencer at nagsimula na naman siyang dumaldal.

"Ang Lutung Kapampangan or also known as Kapampangan Cuisine ay ang kinikilalang pinakamasarap, walang katulad at pinakasikat na mga putahe sa buong Pilipinas."

Bawat salita ay ine-emphasize niyang mabuti, gaya ng pinakamasarap, walang katulad at pinakasikat.

"Isa sa mga sikreto nila ay ang traditional way ng pagluluto noong unang panahon pa. Kasi alam mo, noong nasa ilalim tayo ng pananakop ng mga Kastila, tinuruan nila ang mga sinaunang Kapampangan ng basic cooking tapos nagulat sila dahil nakapaghain ng masarap at higit pa sa inaasahan nila ang mga Kapampangan."

Tumatango-tango pa ito na para bang kinakailangang maniwala ni Sierra sa mga salitang sinasabi niya.

"Mula noon, ang mga luto na nila ang ipinapakain sa mga prayle at iba pang opisyales ng pamahalaan. Kapampangan din ang nagluto ng mga pagkaing ipinakain noong proklamasyon ng First Philippine Republic sa Malolos, Bulacan, if I remembered it correctly."

Napatingala pa ito na para bang inaalalang mabuti ang mga nalalaman niya. Mayamaya ay napalingon sila nang maamoy ang ulam na dala-dala ng mga tita niya.

"Tadaa!" sabi ng mga tita ni Spencer na ngayon ay inilalapag na isa-isa ang mga putaheng dala nila. "'Yan ing kanan yu, nasi ampong ulam bakanta kumabsi kayu." 'Yan ang kainin n'yo, kanin at ulam para mabusog kayo, iyan ang sabi ng tita Janice niya. Naihain na lahat ng mga putahe. Napakarami! Para silang bibitayin nito.

"Wow!" ani Spencer na natatakam na rin sa mga ulam na inihahain. Si Sierra ay napapalunok na lang din at amoy pa lang ay talagang nabubusog na siya.

Ang sarap! Mmm...

"Mangan kayu mu ha! Peng, pakabsiyan me ing malagu ha, hangga keng sagutan nanaka!" sabi pa ni Janice at nagtawanan naman si Aia, Aina at Allieah. Sabi kasi ni Janice, kumain lang daw sila nang kumain. Sabi niya pa kay Peng, busugin niya raw si 'Ganda' — Sierra, hanggang sa mapasagot niya raw ito.

"Ay naku, dara! Ika talaga!" asar na sambit ni Spencer sa mga tita niyang nang-aasar. Napailing na lang siya pero napapangiti't 'di maiwasan. Nakangisi namang umalis ang mga tita niya at nang hindi na niya naririnig ang mga hagikgik nila ay hinarap niya na si Sierra.

"Oyy, kain na dali!" sabi niya habang napapasulyap pa sa mga tita na nakalayo na sa kanila. "'Wag mo pansinin 'yong mga tita 'ko. Sabi nila, busugin daw kita kasi bisita kita."

Tinitingnan niya ang mukha ni Sierra kung naniniwala ba sa mga sinasabi niya o hindi. Ngumiti siya sa dalaga nang mapansing 'di maganda ang timpla ng mukha nito.

"Ito sisig, menudo, caldereta, estofado, afritada," ani Spencer na iniisa-isang inaalok si Sierra ng mga ulam na nakahain sa lamesa nila.

"Aba! May pindang pa saka longganisa!" sabi ni Spencer sa tocino at longganiza. "Ah, ito sigurado ako 'di mo pa 'to natitikman, tawag dito... nasing biringyi, unique 'yan! Only here in Pampanga." Nakangiti n'yang ipinakita ang putahe na parang kalamay na kulay green; nilutong malagkit na kanin na may atay ng manok. Isa sa mga specialty ng mga Kapampangan.

"Ito pa, lutong Kapampangan na 'di kaya ng iba! Burung bulig, sawsawan 'to. Betute tugak, palaka. Adobung kamaru, nakukuha 'yan sa bukid. Exotic food. Saka ito, tidtad itik, bibe 'yan." Tiningnan niya si Sierra nang mapansing nananahimik na naman ito.

"Tapos ka na dumaldal?" tanong ni Sierra at bumuntong hininga pa. Napaihip sa hangin at napailing habang ang mga mata ay sandaling pinatirik at pinaikot pa pataas.

Ngumiti na lang si Spencer at tumango. Nagulat siya nang kumilos na si Sierra at mag-isa na 'tong nagsandok ng kanin sa plato niya.

"..."

"Oy, hinay-hinay lang..." sabi ni Spencer sa dalaga na napakabilis kumain. Hindi na nito nagawa pang makausap ang babae at mayamaya pa ay ubos na ang kanin sa plato nito.

"Rice pa?" tanong ni Spencer at tumango si Sierra. Nilagyan niya ng kanin ang plato at wala pang limang minuto ay naubos na nitong muli ang pagkain.

"Rice pa ulit?" tanong muli ni Spencer dahil napansin niyang mukhang hindi pa rin busog ang babae. Tumango si Sierra at binigyan niya ulit ito ng kanin.

Halos lahat ng ulam ay natikman ni Sierra dahil sobrang sasarap ng mga iyon. Nakatapos na si Spencer sa pagkain pero ang dalaga ay hinintay niya pang makatapos.

Grabe! Sa'n niya ba nilalagay ang mga kinakain niya?

"Unbelievable." Umiiling na sabi ni Spencer habang pinagmamasdan ang bowl ng kanin na ubos na ang laman at ang sandamakmak na ulam ay halos mangalahati't humupa sa lalagyanan nito. Nakatingin siya sa babaeng mukhang satisfied na ngayon at wala nang balak na umulit pa.

•••••

"Dara, muna na kami pu. Muli ke pa pu kasi Makati pota mabengi kami," sabi ni Spencer na ngayon ay nagpapaalam na sa kanyang mga tita na panandaliang tumigil sa pag-aasikaso ng carenderia. Sinabi niyang mauuna na sila dahil uuwi pa sila ng Makati at baka gabihin sila.

"O, sige anak. Mimingat kayu," sagot naman ng kanyang tita Janice na pinag-iingat sila sa pag-uwi.

"Dara, dumalan ku pu pala bale. Atin ku pu kasing kunan." Sinabi ni Spencer sa tita na dadaan pala muna siya sa bahay nila dahil may kukunin siya roon.

"Ay, wa bukas ta. Baka atsu nala reng pinsan mu, mekauli no reta ibat eskwelahan." Tumango ang tita niya at pinayagan siya. Sinabi nitong bukas ang bahay at baka nando'n na ang mga pinsan niya; nakauwi na galing school.

"Sige pu, dara." Nginitian ni Spencer ang tita at saka niyakap ito.

"Sige, malagu. Mingat kayu, ha. Keng mulit naman?" Tiningnan at kinausap naman ng tita ni Spencer ang dalagang katabi ng pamangkin niya.

Tumingin si Sierra kay Spencer na para bang nagpapasaklolo.

"Ingat tayo sabi ni tita tapos next time daw ulit," paliwanag ng binata sa babaeng 'di maunawaan ang kanilang diyalekto pero ngayo'y naintindihan niya na dahil tinranslate na ni Spencer sa Tagalog ang sinabi ng tita niya.

"Salamat po." Magalang na iniyuko ni Sierra ang kanyang ulo at ngitian ang mga tita ni Spencer bago tuluyang umalis.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon