"Hindi. Napag-aralan lang namin. Proud ako kasi isa 'to sa mga historical landmark na napili ng National Historical Institute." Humalukipkip siya sa harapan ng dalaga at tinaasan ito ng tingin.
"So, you love History?" matamlay na tanong ni Sierra.
"Medyo, pero mas love ko ang sports." Inalis ni Spencer ang magkakrus niyang kamay at tumayo ng diretso.
"Tumayo ka ro'n, pipicturean kita." Inutusan niya si Sierra at napasunod niya naman ito. Ayaw niyang makipagtalo kaya naman para matahimik na ang babae ay kukuhanan niya na lang 'to ng picture.
"Ngumiti ka naman, ay! Ano kaya 'yon?" sabi ni Spencer pero walang epekto 'yon kay Sierra, basta nakatayo lang siya at fierce.
"Say cheese!" masayang sambit ni Spencer na nakangiti na dahil sa word na 'cheese' pero mukhang wala pa ring balak ngumiti si Sierra. Hindi siya ngingiti.
"I hate cheese," sabi ni Sierra at ni-click na ni Spencer ang screen. Pilit na ngiti na naman ang nakuha niyang picture sa babae pero para sa kanya cute pa rin 'yon.
Biglang tumunog ang cellphone ni Spencer na hawak niya. Sinagot niya kaagad ang call.
"Hello, darang Janice!" ani Spencer na kausap ngayon ang tita niya. "Papunta na pu, sinabi nyu pu ba kina dara?"
"Ali, para masurprise la sabyan mu," sagot ng kanyang tita. Hindi niya raw sinabi sa iba pang tita ni Spencer para masurprise ang mga ito.
"Opo, opo. Sige po." Ibinaba na ni Spencer ang cellphone. "Tara?"
"Saan na naman?" tanong ni Sierra. May pupuntahan pa pala sila, hindi niya alam.
"Basta, last na 'to," sagot naman ni Spencer. "Ako na magdala n'yan." Kinuha niya ang dalawang paper bag na hawak ni Sierra at siya ang nagdala ng mga iyon.
•••••
"Welcome to Auntie Cuisine, ito yung carenderia at sikat na kainan dito. Ang may-ari nito ay mga tita 'ko. 'Wag kang maingay, ha. Isusurprise ko sila. Let's go," sabi ni Spencer at naglakad na siya. Sinusundan naman siya ni Sierra.
"SURPRISE!" malakas na sabi ni Spencer pagkabukas niya ng pinto.
"Ay, Peng!" gulat na sabi ng babaeng unang napalingon at nakakita sa kanya. "Amiss dakang anak ka!" Namiss niya raw si Spencer.
"Hi, bapang Peng!" sabi naman ng batang nakasunod sa matandang babaeng sumalubong, yumakap at humalik sa kanyang pisngi kanina.
"Hello, cute cute!" sabi ni Spencer at binuhat ang batang iyon. Napaka-cute nga ng batang kilik niya.
"Ay, Peng, ninu ya ba ining malagung babaing kayabe mu?" tanong ni Janice, ang babaeng kausap niya sa cellphone kanina, tita niya. Tinanong nito kung sino raw ba ang magandang babae na kasama ni Spencer.
"Ay, wapin pala!" ani Spencer nang maalala na may kasama nga pala siya. Ibinaba niya na ang karga-karga niyang bata at tinabihan si Sierra na mukhang nahihiya at naiilang.
"Sierra, sila ang mga tita ko. Kapatid sila ni Papa. Si tita Janice, panganay. Si tita Aia Michaella, pangalawa, sunod si tita Aina, si tita Allieah yung bunso. Si papa, yung pangalawa sa bunso. Tapos itong batang cute na 'to, si Jelly, pamangkin ko. Ah, mga tita, si Sierra po, kaibigan ko." Dire-diretsong saad ni Spencer bilang pagpapakilala sa kasama niya.
"Ayiiieee!" sabi naman ng mga tiya niya na may ibig sabihin ang mga tingin. "Kagaling na talagang pumili ning pangunakan ko! Kalagung-kalagung babae!" Kinantiyawan siya ni tita Aia niya at magaling daw siyang pumili dahil napakagandang babae ni Sierra.
"Ali, friends lang po!" pagdidiin ni Spencer na kakamot-kamot ng ulo.
"Mano po," ani Sierra at isa-isang nagmano sa mga tiya ni Spencer.
"At mabait pa!" sabi naman ni tiya Aina niya.
"Nokarin yay mama mu? Eme kayabe?" tanong ni Janice sa pamangkin niya. Hinahanap nito ang mama ni Spencer at nagtataka siya kung bakit hindi kasama ng pamangkin niya.
"Ali pu, busy ya pu e!" sagot naman ni Spencer. Busy raw ang mama niya, 'yan ang sabi niya sa tita.
"E, ikami pota kepa munta puntud ng koya. Pagkasaradu mi kening carenderia," tugon naman ng kanyang nakababata sa apat niyang tiya na si Allieah.
"O, sige mangan na kayu pa!" ani tiya Janice na pinutol na ang usapan. Inalok niyang kumain na muna ang dalawa.
"Meryenda namu pu dara," sabi ni Spencer sa tita niya nagkukumahog na. "Ikaw, ano gusto mo?" tanong ni Spencer kay Sierra na tahimik lang na nakikinig sa usapang hindi niya maintindihan.
"Kahit ano," sagot niya.
"Cheese!" sabi nito at napakamot sa ulo. "Dara, gang nanu pu kanu!" sigaw ni Spencer habang naglalakad at sinusundan ang kanyang tiya. Narinig naman ito ni Janice at humarap sa pamangkin.
"Alang problema!" sagot ng tiya Janice niya. "Lukluk kayu karin, keng masanting a pwestu." Sinabihan niya ang dalawa na maghanap na ng mapupwestuhan.
Samantala, tinawag ni Janice ang mga kapatid na naiwan pa ro'n sa kinatatayuan at hindi natitinag. Nakatitig lang kasi ang mga ito kina Sierra at Spencer saka kanina pa rin nila pinagbubulungan ang dalawa.
"Ay! Ikayung adwa, lingunan yula reng pipanganan!" Tinawag niya at inutusan ang kapatid na si Aina na asikasuhin ang mga pinagkainan ng customers. "Ika naman kareng order tsaka bayad Ikaw naman sa orders at sa mga bayad," sabi pa niya sa kapatid na si Allieah na pinag-aasikaso sa mga orders at bayad.
"Sige atse," sagot ni Allieah. "Keni sopan muku, Aia." Tinawag niya ang kapatid na si Aia para tulungan siya.
Nagsimula nang kumilos ang magkakapatid at ang apo ni Janice na si Jelly ay naglaro na mag-isa. Samantala ang dalawa naman ay nakahanap na ng kanilang mapupwestuhan.
Habang naghihintay ang dalawa sa makakaing inihahanda ng mga tita ni Spencer ay kinausap muna niya si Sierra.
"Masarap ang luto rito. Sigurado akong makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ang luto ng mga tita 'ko!" Proud na proud si Spencer habang sinasabi 'yon at mukhang masarap nga talaga ang luto sa kainang ito.
Patunay na r'yan ang bilang ng mga taong kumakain rito. Ilang saglit nga lang nag-usap-usap ang mga magkakapatid at si Spencer pero kaagad na dumagsa na ang mga customers na ngayon ay inaasikaso na rin nila.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...