41: Brutal Gratitude

65 7 2
                                    

Naalala ni Spencer na nagbabaon nga pala siya ng gamot kapag pumapasok sa school. Nagpunta siya sa bag niya at kinalkal ang laman noon, maswerteng may nahanap pa siyang isang tableta ng paracetamol. Kaagad siyang nagpunta sa dalaga.

"Sie..." Kinalabit niya ito sa kamay at dumilat ang dalaga. Tiningnan siya nito. "Inumin mo 'to." Inabot ni Spencer ang gamot at ang tumbler na may lamang tubig. Ang tumbler na 'yon--- ang dating tumbler ni Sierra--- 'yon ang ibinato niya kay Spencer.

"Umuwi ka na," sabi ni Sierra na ngayon ay nakapagsasalita na ulit. Nainom niya na ang gamot at ibinalik niya na kay Spencer ang tumbler.

"Oo, uuwi na rin ako maya-maya 'pag nakatulog ka na saka 'pag bumaba na 'yang lagnat mo," ani Spencer.

Naglakad siya pabalik sa bag niya at inilagay niya ro'n ang tumbler sa loob. Dinampot niya naman ang bag at inilapag sa ibaba sa tabi ng kama ni Sierra.

Nakaupo siya sa kanang bahagi ng kama at nakahiga naman si Sierra sa kaliwang part. Nag-type na siya at nagpadala ng text message kay Doc Cleto.

[ Salamat, Doc. Medyo okay na friend ko. ]

Nagreply naman si Doc Cleto.

[ No problem. ]

Biglang nag-ring ang phone ni Spencer. Tumatawag si Reggie sa hindi niya malamang dahilan.

"Gie, bakit?" bungad ni Spencer nang sagutin ang call.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Reggie mula sa kabilang linya.

"Nagpapatulog ng kaibigan." Sinulyapan pa ni Spencer si Sierra na may nakalagay pang basang bimpo sa noo.

"Si Thierra Ponthe ba?" ani Reggie na tumawa.

"Ba't ba?" tanong ni Spencer dahilan para matigil ang kaibigan sa katatawa. Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan dahil alam niyang aasarin lang siya nito at baka humaba pa ang usapan.

"May nagawa ka na bang tula? Assignment kay Ma'am Creative Writing!" sabi ni

"Hmm, kay Ma'am Thea Lado... wala pa," sagot ni Spencer na nasa katamtan lang ang lakas ng boses. "Sa isang araw pa naman ipa-pass 'yon."

"Kaya nga, kailan tayo gagawa?" ani Reggie. Walang time si Spencer para makipagpaliwanagan pa kaya naman hindi niya na pinatagal ang usapan.

"Bukas na natin pag-usapan. Bye!" Hindi na hinintay pa ni Spencer ang sagot ng kaibigan at tinapos na ang call.

Isinampa niya ang kanyang mga paa sa ibabaw ng kama at umusad pataas hanggang sa maisandal niya ang likod sa unan.

Habang hawak ang cellphone ay nagpunta siya sa Spotify at sinearch ang kanta na gusto niyang patugtugin. "Hmm... hmm... hm..." himig ni Spencer habang sinasabayan ngayon ang kantang Lambing / Silent Sanctuary”. Para siyang kumakanta ng lullaby o awiting hele, pampatulog sa mga bata kapag hindi makatulog.

•••••

Isang malakas na sampal ang gumising kay Spencer. Pumupungas pa siya at mukhang naaalimpungatan. Mayamaya ay dumilat na ang kanyang mga mata at nang bumungad sa kanya ang mukha ni Sierra ay napangiti ang loko.

"Good mornin---"

"Aww!" Hinihimas ngayon ni Spencer ang ulo niyang tumama sa sahig dahil itinulak siya ni Sierra habang nakahiga sa kama. Akala ni Spencer ay nananaginip lang siya pero hindi pala.

Ang dalawang ito na hindi namalayang nakatulog kagabi ay gising na nga. Si Sierra ay halatang magaling na dahil nakakapanakit na naman ang berat. Hindi yata siya aware na maaari siyang mabinat sa ginagawa niya.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon