Lumingon si Spencer sa kaliwa at kanan pero sa likod, doon niya nakita si Sierra. Nakatayo at nakatitig sa kanya ang mga mata nitong malamlam.
"Oh cheese!" bulalas ni Spencer. "Pa'no mo nalamang nandito 'ko?"
Nilampasan lang siya ni Sierra at naunang sumampa sa bus. Naiwang tulala si Spencer habang iniisip kung paanong nangyari na nasundan siya ni Sierra gayong hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta. Nang bumalik sa huwisyo ang isip niya ay tumalikod na siya't mabilis na tumakbo papunta sa bus.
"Ay, inunblock mo na 'ko na sa IG?" sabi pa nito habang umaakyat papunta sa bus at hinahanap si Sierra na hindi niya makita kung nasaan dahil nahaharangan ng mga taong dumadaan at sasakay rin. Mga pasaherong kaya niya na naghahanap din ng magandang p'westo.
"Miss, may kasama 'ka?" Narinig ni Spencer ang sinabi ng lalaking nasa gilid niya at napatingin siya sa babaeng kinakausap ng lalaki.
"Uh, excuse me sir. Kasama n'ya ho ako," ani Spencer sa maayos na salita.
"Oh, pasensya na." Umalis na at naghanap ng mauupuan ang lalaki.
Tiningnan niya si Sierra at nginitian nang hindi ipinapakita ang ngipin. Naupo siya sa tabi ng dalaga.
"Pampanga," sabi ni Sierra.
"Ah, oo. Doon tayo maglilibot," sagot ni Spencer na nakaupo sa tabi ng bintana.
"Anong gagawin," matamlay na tanong ni Sierra na diretso lang ang tingin.
"Bibisitahin natin si Papa saka ipapakilala na rin kita sa kanya," ani Spencer at tiningnan ang dalaga. Napangiti na naman siya. "Pa'no mo 'ko nasundan?"
Iniangat ni Sierra ang ulong nakayuko at tinapunan ng malamig na tingin si Spencer.
"Pa'no 'ko nalaman?" malumanay na tanong niya kay Spencer. "Kada kibot mo, pinopost mo sa IG with location pa. Kung kidnapper ako, nakidnap na kita."
Paulit-ulit na tumango si Spencer at na-realize niyang tama ang sinasabi ni Sierra. Mula nang magising siya kanina, walang minuto na hindi siya nag-update sa IG story niya. Meaning, kanina pa rin siya sinusundan ni Sierra. Wew! Something's fishy here.
"E, pa'no kung kidnapper pala 'ko?" tanong ni Spencer kay Sierra na wala na ang tingin sa kanya.
"Walang kidnapper na post nang post sa IG minu-minuto with hashtag and location. Walang kidnapper na ginagawang diary ang Twitter niya." Nakatuon lang si Sierra sa harapan at diretsong pinagmamasdan ang passenger's seat sa tapat niya na may nakaupo na rin.
"Kidnapper ako dahil kaya 'kong nakawin 'yang puso mo," ika ni Spencer tapos itinuro pa ang dibdib ni Sierra.
"Kadiri," walang buhay na ani Sierra. "'Di kidnapper tawag do'n."
"Ano?" tanong ni Spencer dahil naging palaisipan sa kanya ang sinabi ni Sierra. Saglit siyang sinulyapan ng dalawa at nagsalita sa lalaking nag-aantay.
"Aswang."
Natulala lang si Spencer sa sinabi ni Sierra. Ang sarap matawa! Hindi man lang kasi tumalab 'yong punch line niya kay Sierra. Nandiri pa si Sierra sa banat niya. Grabe na this!
Ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa ay napalitan ng katahimikan na binasag naman at kaagad na winakasan ng malakas na musika na nagmumula sa speaker ng bus. Malakas na nagpapatugtog ang bus driver kasabay ng pag-andar ng bus dahil kaagad rin itong napuno makalipas ang ilang minuto.
"Ang ganda ng music, mukhang OPM lover si manong driver, a!" masayang ani Spencer. Napapaindak pa ito at napapatango sa kantang- "Sama-sama / Silent Sanctuary".
"..."
"Alam mo ba? Favorite Filipino band ko 'yang Silent Sanctuary," sabi pa niya sa babaeng hindi interesado sa mga sinasabi niya.
"Sino?" tanong ni Sierra. Napangiti naman si Spencer dahil kinausap na siya ng babae.
"Silent Sanctua---"
"Nagtatanong," ani Sierra bilang pang-aasar sa lalaki. Napalunok si Spencer at natameme. Dumiretso siya ng tingin at nagmuni-muni saglit sa bintana. Pinagmasdan sandali ang mga sasakyang bumibiyahe kasabay ng kanilang bus na sakay nila.
"Bakit mo 'ko inunblock sa IG?" tanong nito nang biglang maalala ang tanong na hindi nasagot ng dalaga.
"Ibig sabihin ba no'n, friends na tayo?" Nakatingin lang siya sa dalaga na hindi pa rin siya kinikibo.
"..."
"Aha! Tama ako!" ngiting ani Spencer.
"Anong tama? Sa utak?" walang ganang tanong ni Sierra suot ang kanyang malamig na tingin sa binata.
"Tama ako sa sagot ko sa tanong mo 'no?" usisa ng lalaki. "Pero hinulaan ko lang naman 'yon."
"..."
"Sino ba kasi 'yong tatlong Philosopher na 'yon?" tanong pa nito kay Sierra na nakayuko lang at nayayamot. "Mahalaga ba 'yon? Tch."
"Socrates is classic Gr---"
"Wait, 'wag mo masyadong i-English. Dudugo ilong ko." Nginitian niya pa si Sierra na walang reaksyon. Akala niya naman mapapatawa niya ang dalaga? Hindi, seryoso pa rin ang mukha ni Sierra, as usual.
"Socrates is a classic Greek Philosopher. He is the Father of Western Philosophy and isa siya sa mga nagtatag no'n. Sa Athens which he lived before, he teaches people and Athenians politician. He had have Socratic Method, it's just like a question and answer between individuals to enlighten and improve their critical thinking and logical reasoning. He also became known of his belief about idealism and immortality of the soul. He had have Socratic Problem, ayon sa kanya na ang problema ay may pangunahing katangian. Ang Socratic Irony naman, is an act of pretending that you know nothing about the topic for you to know kung alam ba ng kausap mo yung topic na pinag-uusapan n'yo."
Kalmado lang ang boses ni Sierra na nagkukuwento. Si Spencer naman ay nakatitig lang sa mukha ng dalaga at sa labi nitong bumubuka.
"Mahalaga siya dahil naniniwala siya na mahalaga sa tao na kilalanin ang sarili to know the essence of life. To know about one's self and society, you need to look for the answers through asking."
"Yeah, that's why I'm always asking." Tumatangong ani Spencer habang nakatuon sa harap ang tingin.
"Shut up," pambabara ni Sierra sa opinyon ni Spencer na wala rin naman siyang balak marinig. Napatingin si Spencer sa kanya at nanahimik na ulit.
"That time, maraming naniwala sa kanya kaya naman nangamba ang mga makapangyarihang tao sa Athens na baka nilalason ni Socrates ang isip ng mga Athenians. Hinatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pag-inom ng lason."
Sinulyapan niya saglit ang lalaking nakatulala na sa kanya. Hindi niya ito pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pagkukwento.
"Si Plato, isa sa mga tagasunod at estudyante niya, he wrote the lessons of Socrates because he didn't wrote any."
Tinapunan muli ng tingin ni Sierra ang lalaki na ngayon ay nakahalukipkip na at inilagay pa ang isang kamay sa ilalim ng panga ang habang ang hintuturong daliri ay tinapik-tapik ang ilalim ng kanyang baba; animo'y nag-iisip pero parang hindi naman. Binawi ni Sierra ang sulyap at itinuong muli sa kanyang harapan.
"Si Plato naman, nakilala ko siya sa sanaysay niyang 'Allegory of the Cave' na isa sa mga kilala niyang akda dahil do'n niya pinakita ang paniniwala niya about sa Theory of Forms," ani Sierra na napahinto saglit para lunukin ang laway sa loob ng kanyang bibig dahil sa tuluyang pagkukuwento.
"Ang concern niya ro'n is about human perception, like you can't tell about something na hindi mo pa nakikita and you can't assume na 'yun 'yon. Plato believed that knowledge was not gained through opinion about something but through senses and touch, and real knowledge comes from philosophical reasoning."
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Fiksi RemajaPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...