48: Jar of Tears

69 10 15
                                    

Nakaupo ngayon ang dalawa sa harapan ng bahay nila Sierra. May dalang kung ano si Spencer na nababalutan nang kulay brown na head scarf at nakalapag lang iyon sa lap niya. Tahimik lang si Sierra na naghihintay kay Spencer na magsalita hanggang sa pasadyang umubo muli si Spencer para klaruhin ang lalamunan nang sa gano'n ay makapagsalita nang maayos.

“April na... bakasyon na...” ani Spencer na parang may ibig ipahiwatig kay Sierra. “Bukas na ang luwas ko pa-Pampanga. Sa June na 'ko ulit babalik; sa pasukan.”

At sa wakas ay nasabi niya na ang gusto niyang sabihin.

“Mag-iingat ka rito lagi, a!” sabi niya pa pero hindi siya tumitingin kay Sierra.

“'Wag mong pababayaan sarili mo,” sabi niya at napayuko siya. Si Sierra naman ngayon ay nakatingin na sa kanya.

“Matutulog ka nang mahaba para 'di lumalaki 'yang eyebags mo.” Bahagyang natawa si Spencer. Tiningnan si Sierra na nakatitig lang sa kanya. Tiningnan niya ang mga nitong nangungusap.

“Saka 'wag mo 'kong mami-miss, a!” ani Spencer na nag-iwas ng tingin.

“'Di kita mami-miss.” First time magsalita ni Sierra. Umiwas din siya ng tingin at parehas na silang nakatingin ngayon sa gate. Diretso ang tingin.

“April fools ngayon, ibig sabihin mami-miss mo 'ko talaga.” Kahit pabiro lamang ang sabi ni Spencer ay halatang may lungkot pa rin sa mga mata.

“There's no April Fools in my vocabulary, April's Truth lang.” Umarya na naman pagkapilosopo ni Sierra at ayaw pang aminin na mami-miss niya ang kaibigan.

“O...” ani Spencer na iniaabot ngayon ang bagay na dala niya. “Regalo ko sa 'yo bago ako umalis.”

Tinanggap ni Sierra ang binigay ni Spencer sa kanya, bagay na hindi matukoy kung ano dahil nakabalot ito sa loob ng head scarf.

“Okay lang kahit wala kang maibigay.” Ngumiti si Spencer kay Sierra at tumayo na siya. Humarap siya sa dalaga. “'Pag nami-miss mo 'ko, tumawa ka lang. Wag kang iiyak, ha. 'Pag umiyak ka, 'di na 'ko babalik, sige ka! Kita-kits! O keng tutuki naman kaibigan kung malago pero pilosupo!”

Naglakad na si Spencer paalis hanggang sa makalabas na siya ng gate. Pinanood ni Sierra na ang pagsakay sa bisikleta ni Spencer at ang paglalaho nito sa dilim.

•••••

“Welcome, home!” masayang bati ng mga tita at pinsan ni Spencer nang makauwi na siya sa bahay nila rito sa Pampanga. Minsang napuntahan na rin ito ni Sierra.

“Hi, dara!” Masaya niyang sinalubong ng mga yakap ang mga tiya niyang mas labis na natutuwa sa kanyang pagdating. Gayundin ang kanyang mga pinsan at ang pamangkin niyang si Jelly.

“Ibaba mu pa ing gamit mu,” ani tiya Janice niya, ibaba raw muna nito ang mga gamit n'yang dala. Pagkatapos ay napatingin si Spencer sa lamesa na puno ng pagkain at siya'y napangiti. “O, sya! keni mangan tapa istung istu ing datang mu, hijo! Ay, talagang atyempuhan mu ing pamamangan ne?” sabi pa ng tiya Janice niya at nagtawanan sila habang papunta sa hapag kainan para pagsalu-saluhan ang inihanda nilang mga pagkain para sa pagdating ng pamangking si Spencer.

•••••

Nakadungaw lamang habang nagmumuni-muni ang mga mata ni Spencer sa labas ng bintana ng kwarto niya habang inaalala ang kaibigan.

“Nakarating na 'ko rito sa Pampanga, alam mo ba? Pinagkukwentuhan ka ng mga tita ko kanina, kinukumusta ka nila sa 'kin,” says Spencer as he's talking near to his phone's speaker. After that, he releases his thumb finger pressing the screen and his voice message was sent to Sierra's IG direct message.

“Ingat ka, a! Tutulog na 'ko, good night!” pahabol na voice message pa ni Spencer bago tuluyang bumalik sa kama niya at humiga. He just placed his phone near to his pillow.

Nang tumunog ang cellphone niya ay kaagad niya 'yong kinuha. Nagpadala rin ng voice message si Sierra. “Good night, Peng.” When he heard the young woman's voice, a wide smile came out from his mouth before he finally fall asleep.

“Ay, Sie... ba't sobrang galit na galit ka no'n nang nabasag 'ko 'yong maliit na banga mo?” tanong ni Spencer kay Sierra habang nakatambay sila sa Bel-Air Phase III Park. “Saka anong ginagawa mo no'n sa baseball field? Kung wala ka naman do'n, 'di ka tatamaan.”

Sumagot naman si Sierra na nabigla sa biglaang pag-bring up ni Spencer sa topic na 'yon. “Hinahanap ko ang mga ka-group ko no'n, may practice kami.”

“Ah...” Tumatango-tango pa si Spencer. “E, bakit ka nga nagalit? Ano bang mayro'n sa banga na 'yon? Ano ba 'yong tumapon na laman no'n? Tubig? Ano nga kasi? 'Di mo naman sinasagot, e!”

“Why do you want to know?” medyo naiiritang ani Sierra.

Ang tugon ni Spencer ay— “Why not?”

“If I told you, I swear! You'll just laugh on me,” sabi ni Sierra at nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya o hindi.

“Hindi, a! Ba't naman ako tatawa?” sambit ni Spencer at mababatid sa kanyang mukha na gustong-gusto talaga niyang malaman.

“Gift sa 'kin ng best friend ko ang little jar na 'yon,” pagsisimula ni Sierra na halatang napipilitan lang ikwento dahil nahihiya siya.

“And?” tugon ni Spencer na naghihintay pa ng mga susunod niyang sasabihin.

“There, I put my tears inside whenever I cry. I called it 'Jar of Tears',” Sierra— embarrassed about the thing she said.

“What the cheesy hell! Iiyak ka sa panyo tapos pipigain mo sa banga hanggang sa maipon 'yung luha mo ro'n? Ibig sabihin, hindi 'yon tubig? Luha?” sunod-sunod na ani Spencer na hindi makapaniwala. Iyon lang pala ang dahilan kung bakit nagalit sa kanya si Sierra? Oo't gift 'yon ng best friend niya pero hindi maiwasang matawa ni Spencer— kaya't pinipigilan— nang malaman niyang do'n pala nilalagay ni Sierra ang mga luha nito kapag umiiyak.

“Oo,” seryosong sagot ni Sierra na aminadong ginagawa niya nga 'yon.

“HAHAHAHA!” malakas na tawa ni Spencer na hindi niya mapigilan at makontrol.

“HAHAHAHA!” pagpapatuloy niya sa kanyang tawa nang maalala niya ang lahat ng 'yon. Nakaupo siya ngayon sa bench at hawak niya ang tumbler na binalibag sa kanyang ulo ni Sierra noon. Nakatulala at tumatawa mag-isa.

“Luh!” gulat na banggit ng mga kaibigan niya. Katatapos lang nilang maglaro ng baseball. “Mga pari, tang kaibigan tamu tutula yang dili!” sabi ng kaibigan ni Spencer na katabi niya— ang kaibigan daw nila ay tumatawang mag-isa.

“Inlove ya, pare inlababo sisinta!” sabi naman ng isa na tiningnan nang malapitan ang mukha ni Spencer dahilan para matigilan ito sa pagtawa, pag-iimagine at mabalik sa tamang huwisyo ang pag-iisip. “Ah... ami-miss neh Sierra!”

“Loko! Ali!” ani Spencer na tinampal ang mukha ng kaibigan para maalis ito sa paningin niya. “Tara na! Mangan na kayung mami. Libri n'yu ha! Sagut kuna ing danum!” Tumayo na siya kaagad at naunang maglakad habang napapangiti pa rin. Sabi niya: “Tara na! Kumain na tayong mami. Libre n'yo ha! Sagot ko na ice tubig!”

“Naku po! Ikang mayaman e!
Kuripot na naman nine!” sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Si Spencer daw ang mapera, mayaman. Anong kuripot daw nito.

“Wa na! Wa na!” ani Spencer na napatango't sumang-ayon na lang mapatahimik lang ang mga kaibigang nanunukso. Nagsunuran na ang lahat at magkakasabay na iniwan ang baseball field para puntahan ang paborito nilang kainan.

•••••

“Ay... Sie! Alam mo ba? Naglaro kami ng baseball kanina at nagpapractice kaming mabuti ng mga kaibigan ko kasi may New Year's Baseball Cup next year! Sasali kami ro'n. Sana makapanood ka! Next year pa naman 'yon. Malayo pa naman ang Christmas saka yung New Year pero nakaka-excite talaga!” Ipinadala ni Spencer ang voice message niyang 'yon sa Instagram ni Sierra.

Luckily, in just a couple of seconds, the girl responded though very busy. She voice messaged back Spencer saying: “I will watch.”

“Oh, cheese! Aasahan ko 'yan, a!” sabi pang muli ni Spencer sa voice message saka isinend sa babae.

•••••

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon