19: Aristotelian Philosophy

101 11 0
                                    

“Okay, Sierra.” Tumayo si Sierra pagkatapos marinig ang boses ng teacher. Nabigla siya at tumama pa ang hita niya sa kanto ng kanyang desk dahil bigla na lang siyang tumayo.

Nag-isip muna siya bago magsalita. Kahit wala siyang idea kung ano ang tanong ay nagawa niya pa ring masagot ito.

“Arithtotle po ma'am,” bulol niyang saad dahil sa kabado siya. Madalas nahihirapan siyang bigkasin ang letrang 's' whenever she felt nervous and if the situation causing her to feel uncomfortable. And now that there's a tension that is slowly covering her totality, it seems so hard for her to get rid of this shit.

“Ano raw, aritotel?” tanong ni Reggie sa katabing si Spencer na hindi naman siya tinapunan ng tingin. Alam niya kasi na wala naman talagang balak makinig itong si Reggie sa klase o kahit tumahimik man lang kahit saglit. Idinahilan lang nito na maki-seat in para makasama si Miss Lhera na hindi na nila teacher ngayon dahil second semester na.

“Shh!” sagot ni Spencer sa kaibigan, nakadikit pa ang hintuturong daliri niya sa labi para sabihing tumahimik si Reggie at 'wag mag-ingay dahil nakikinig siyang mabuti.

“Correct. Aristotle!” tugon ng teacher at napatango pa ito. Bumilib na naman siya sa estudyante niya.

Paanong nalaman ni Sierra na iyon ang sagot? Simple lang, in-analyze niya ang sitwasyon. Alam niya ang sequence ng pagtuturo ni Miss Pontillas. Lagi itong nag-uumpisa sa greetings at susundan ng kaunting jokes and then, prayer. And Sierra knows that before Ms. Pontillas start her discussion, she'll just ask first about the topic she had discussed from their previous session. Those were became the basis of Sierra and the reason why she got the correct answer is simply because she remembered what her teacher had taught.

“May nakakaalala pa ba ng mga quotations ni Aristotle? Who can answer?” masayang tanong ni Miss Lhera sa klase pero muling sumagot na naman si Paul gaya ng lagi niyang ginagawa.

“Ma'am!” aniya habang nakataas ang kamay. “Si Sierra po alam niya po, promise.”

Akala ng lahat ay siya ang sasagot. Napakalakas talaga ng trip nitong Paul na 'to! Pataas-taas pa nang kamay tapos magtuturo lang pala ng iba. Lagi namang si Sierra ang tinuturo niya.

“Okay, Sierra.” Muling tumayo si Sierra na hindi pa rin nawawala ang kaba. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga binti at namumutla ang labi niyang nanginginig.

“According to Arith... Arithstotle...” nabubulol niyang saad pero pinipilit niyang mabigkas ng maayos ang letrang 'S'.

“Aristotle 'nak,” sabi pa ng teacher dahilan para unti-unting matawa ang mga kaklasa ni Sierra.

“There ith only one way...” pagpapatuloy niya pero napahinto siya at kaagad na tinakpan ang tainga niya dahil binalot na ng malakas na tawanan ang klase.

“Quiet, children! 'Wag n'yong tawanan!” galit na sinaway ni Miss Lhera Pontillas ang hindi magandang asal na pinakita ng mga kaklase ni Sierra. Akala mong mga magagaling talaga sila, e, ano? Feeling perfect?

“There ith only one way to avoid critithithm: do nothing, thay nothing and be nothing.”

“Okay! Correct! There is only one way to avoid criticism: do nothing, say nothing and be nothing. What a meaningful quotation, ano pa?” tanong ng teacher habang naglalakad-lakad at naghahanap ng susunod na tatawagin.

“Ma'am,” ani Darlene dahilan para mapalingon sa kanya si Miss Pontillas.

“Okay, Miss Darlene Datuin,” masaya niyang tinawag ang estudyante pero bago sumagot si Darlene ay tumingin muna siya kay Sierra na nasa likod niya saka inirapan ng sagad sa buto.

“Love is composed of a single soul inhabiting two bodies,” sagot ni Darlene at may isang asungot na nag-ingay sa likod.

“Ayiiieee! Go, Spencer!” ani Reggie na inaasar ang kaibigan. “Sana all love!” sigaw pa nito dahilan para mapatingin si Darlene kay Spencer at sa kaibigan nitong nag-iingay.

“Manahimik ka, Gie!” saway ni Spencer sa kaibigan dahil ginugulo nito ang klase ni Miss Pontillas. Tinakpan niya ang bibig ng kaibigan nang sa gano'n ay matahimik na ito. Napakadaldal kasi ng lalaking 'to, bagay na bagay sila ni Paul— parehong matalak.

“Luh!” gulat nitong sambit at napaatras pa siya sa kinauupuan dahilan para lumikha ng ingay ang kanyang upuan.

Paulit-ulit niyang kinakalabit ang katabing si Spencer na hindi siya pinapansin. “P're,” paulit-ulit niyang tawag sa katabi.

“Ay, Gie...” sabi ni Spencer at tinulak ang makulit na kaibigan.

“Nandito pala yung nanapak sa 'yo?” gulat na ani Reggie habang tinitingnan si Sierra na pandalian siyang sinulyapan kanina noong sumigaw siya ng — ‘Sana all, love’.

“Oo, 'yong kanina mo pa tinatawanan.” Inalis ni Spencer ang kamay ng kaibigan na nakahawak sa balikat niya.

“A cow! 'Di ko alam!” sabi nito na ngayon ay mababakas na ang pagkataranta. Naiisip niya ang komosyon na nangyari sa pagitan nina Spencer at Sierra noong nakaraan, alam niyang hindi maganda ang kinalabasan.

“Lagot ka r'yan mamaya.” Kinabahan siya sa banta ni Spencer na iyon. Napalingon si Reggie sa pwesto sa harapan kung saan nakaupo si Sierra na ngayon ay nakatingin na sa kanya ang mga mata nitong malalim at makapal ang eyebags— sapat lang para sindakin si Reggie.

“Help me, p're! Tinitingnan n'ya ko!” ani Reggie— 'di mapakali sa upuan, malikot at paikot-ikot ang tingin.

“Bugok,” sabi ng kaibigan at mahina itong hinampas sa ulo.

“Peace...” ani Reggie sa nakatingin pa ring si Sierra sabay nag-peace sign gamit ang kamay at pilit na ngumiti. Matamlay siyang inirapan ni Sierra.

“Okay, ano pa? Last na.” Samantalang si Miss Lhera ay patuloy pa rin sa pagtuturo kahit na may mga estudyanteng akala mo ay ubod ng gagaling kaya hindi na nakikinig. Kabilang na ro'n ang dalawang asungot na naki-seat in.

“Ma'am, si Sierra po alam n'ya po promise.” Sumabat na naman si Paul dahilan para mapatingin sa kanya ang mga kaklase niya at maging ang teacher nila pero bago pa tawagin ni Miss Lhera si Sierra ay tumayo na ito kaagad.

“Educating the mind without educating the heart is no education at all,” saad ni Sierra sa babaeng nasa harapan niya na sobrang sama kung makatingin sa kanya— ang malditang si Darlene.

“Ohh!” Nag-ingay ang lahat dahil hindi naman sila bulag para hindi makita ang nangyari at hindi rin sila bingi para hindi marinig ang mga narinig nila.

“Bakit parang may pag-irap na nagaganap sa inyo, ha, Darlene? Sierra? Okay lang ba kayo?” ani Miss Lhera na nagtataka sa dalawa pero kahit gano'n na ang nangyayari ay nakangiti pa rin siya.

“Okay, our Philosopher for today is...”

Hindi na hinintay pang sumagot ni Miss Lhera o magpaliwanag ang dalawa dahil masyado nang humahaba ang introduction niya.

“Sino kaya...?” ani Miss Lhera na ngayon ay inaasikaso na ang kanyang laptop.

“Sino 'nak?” tanong niya sa klase matapos mag-flash na picture sa white screen. Pumwesto pa siya sa hindi matatamaan ng ilaw ng projector para makita ng lahat kung sino ang nasa larawan.

Tahimik ang buong klase, mukhang walang may alam ng sagot.

“Thocrateth po,” sagot ni Sierra na nabuhol na naman ang dila. Bakit naman siya kakabahan kung alam naman niya ang sagot? Aha, baka naman kaya siya nagkakanda-bulol-bulol ay dahil may nanonood, may nakatingin at dahil kay— Spencer.

“Okay, sinong makapagbibigay ng mga quotations ni Socrates? May plus ulit.”

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon