26: Alone and Only Lonely

120 10 0
                                    

“7... 6... 5...” Nauubos na ang mga segundong ibinigay ni Sierra.

“Paborito mo... ugh kainis!” Wala pa ring pumapasok na sagot sa isip ni Spencer. Sa sitwasyong ito ay isa na lang ang nasa isip niya—

“4... 3... 2...”

“Silang tatlo?” — iyon ay ang manghula na lamang ng sagot.

Huminga ng malalim si Spencer at bumuntong hininga kasabay ng pagyuko't pagbagsak ng mga balikat niya na senyales ng pagkadismaya sa sarili pagkatapos niyang ibigay ang huli niyang sagot na wala pa ring kasiguraduhan dahil hinulaan niya lang.

“Late na 'ko,” dagling saad ni Sierra at tumalikod. Dali-daling naglakad habang nakayuko.

“Oy! Loko 'to, hindi mo pa sinasabi kung tama 'yong sagot 'ko!” ani Spencer na naiwan na naman. Lagi na lang siyang iniiwan nitong si Sierra. “Pambihira!”

“HUY!” malakas na sabi ni Reggie na biglaang sumulpot.

“My cheesy poo!” bulalas ni Spencer na napatalon pa sa gulat. Nakagugulat naman talaga ang boses ni Reggie lalo na kapag nilakihan at nilaliman pa nito ang pagsasalita.

“Ugh, ano ba Gie? Ba't ka ba nanggugulat?” tanong nito sa kaibigang nakahiligan ng gulatin siya.

“Hanep ka, bigla kang nawala. Akala ko nasa likod kita tapos paglingon 'ko wala ka pala!” sabi ni Reggie na inakbayan ang kaibigan at inakay sa paglalakad.

“Wala, may kinausap lang ako.” Halatang dismayado at problemado pa rin si Spencer. Ginugulo pa rin siya ng mga nangyari kanina.

“Oo, nakita 'ko nga.” Napalayo si Spencer sa kaibigan at tiningnan ang mukha nito. Nagtataka at gulat. “Anong—”

“Kausap mo si Thierra!” sabi ni Reggie. “Ayiiii...” Sinundot pa nito ang tagiliran ni Spencer habang iniinis. “Anong pinag-uusapan n'yo, ha?”

Hindi sumagot si Spencer. Natulala ito at huminto sa paglalakad ang mga paa. Pagkatapos matulala ng ilang segundo ay hinatak niya ang kaibigan sa salungat na direksyon sa kanilang likuran papunta sa entrance gate at papalabas ng campus.

“Oh, teka-teka-teka! Ba't d'yan tayo pupunta?” tanong ni Reggie na hinahatak pa rin ni Spencer pero pinilit niyang itigil ang paa niya para hindi siya tuluyang mahila ng kaibigan.

“Halika, samahan mo 'ko!” sabi pa Spencer na umiling nang mabilis at muling hinatak si Reggie dahilan para mapasunod niya ito sa kanya.

“Ha? 'Di tayo papasok?” tanong ni Reggie at malapit na sila ngayon sa gate.

“Hahabol tayo, bilis na.” Nauna na si Spencer maglakad at mabilis na hinabol ni Reggie ang kaibigan dahil napilit na rin siya nito.

“Sa'n tayo pupunta?” tanong pa ni Reggie na nahuhuli at tuluyan na silang nakalabas ng Colegio San Agustin.

“Basta!” Mas binilisan pa ni Spencer ang paglalakad dahilan para dagdagan ni Reggie ang bilis ng paghakbang niya para maabutan ang kaibigan.

•••••

Tapos na ang klase at ang naglalakad na sina Spencer at Reggie ay papunta na sana sa field para sa practice game nila pero nakita ni Spencer ang babaeng nang-iwan sa kanya— nang-iiwan sa kanya palagi.

“Gie, mauna ka na. May kakausapin lang ako.” Tinapik ni Spencer sa balikat si Reggie na minamadali niyang paalisin. Nagtaka naman si Reggie at hinawi ang halaman na nakaharang sa mata nila dahilan para makita niya kung ano ang tinitingnan ni Spencer.

“Naku, Peng! Nako...” sabi nito at pumapalatak pa. Umiiling na tinitingnan ang nakikita ni Spencer na nakita niya na rin.

“Ay, Gie! Sige na mauna ka na, susunod ako.” Itinulak niya ang kaibigan bago pa siya tuluyang maasar. Pagkaalis ay kaagad niyang nilapitan si Sierra na nakaupo sa hagdanan pero bago pa man siya makalapit sa dalaga ay nakita na siya nitong paparating.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon