44: Figures of Speech

70 10 3
                                    

"Sie... marunong ka gumawa ng tula?" tanong ni Spencer. Nakaangkas na si Sierra ulit sa bike ng binata at marahan niyang ibinibiyahe ang dalaga. Nakaalis na sila sa Ayala Triangle Gardens at pauwi na sila ngayon sa Bel-Air Village kung saan silang dalawa nakatira.

"Oo," sagot ni Sierra na nakatanaw sa malayong langit na ang kulay asul na kulay ay nagiging kulay kahel na at ang araw ay papalubog na.

"Bigyan mo naman ako ng tips, pinapagawa kasi kami ni Ma'am Thea Lado, teacher namin sa Creative Writing," ani Spencer na sandaling sinulyapan ang ulo ng babae na nakasuot ng bonnet na kulay black.

"Gamitan mo ng figures of speech or rhetorical figure para mas maganda." Ngumiti si Spencer dahil hindi niya akalaing sasagot kaagad si Sierra sa kanyang tanong.

"Para mas maganda?" tanong ni Spencer sa dalagang nakatingin sa magandang tanawin ng paglubog ng araw at siya naman ay nakatingin sa magandang nakaangkas sa bike niya.

"Oo, 'yon ang paggamit ng words or phrases pero hindi literal ang meaning o message na pinaparating." Napatango si Spencer, sandali niyang tiningnan si Sierra pero ibinaling niya rin ang tingin sa direksyong tinatahak.

"Hindi literal?" tanong ni Spencer na walang tigil sa pagpidal kahit medyo nangangawit na ang paa. Wala siyang idea sa mga sinabi ni Sierra kaya naman patuloy siyang nagtatanong.

"Irony, paradox, anaphora, personification, metaphor, hyperbole, simile---" sunod-sunod na ani Sierra na nagbigay ng mga examples ng figure of speech pero natigil siya nang sumagot na si Spencer na nakuha niya na raw.

"Ah, gets ko na." Tumatango-tangong ani Spencer. "Kunwari. Tayo ay parang hyperbole: Ako ay hyper, ikaw ay bole? Bully? Hyperbully! Okay, waley."

"Hayy... nag-joke na nga ako, hindi ka pa rin nag-Simile!" Umiling pa si Spencer at pumalatak na parang kasalanan pa ni Sierra na hindi siya natawa. Mahirap talaga mag-joke sa matatalino lalo na 'pag bobo ka.

"Siraulo." Dismayado at mariing ani Sierra. Akala pa naman niya, totoong na-gets na ni Spencer ang mga sinabi niya--- hindi pala.

"Aha! Parang 'yong kanta!" ani Spencer at bumitiw ang isang kamay niya sa manibela. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at hinanap ang kantang tinutukoy niya. Pinatugtog niya ang kantang-- “Kundiman / Silent Sanctuary ”

Iniabot niya kay Sierra ang cellphone niya at hinawakan naman iyon habang pinapakinggan ang kanta.

"A, 'yan! 'Yung kanta ng Silent Sanctuary! Na na na... asukal ... na na na... mong magmahal..." ani Spencer na sinasabayan ang kanta at nakahawak na rin ang isang kamay niya sa manibela. "'Di ba?"

"Oo, gano'n nga." Sumagot ang dalaga nang mapakinggan ang kanta at tama nga si Spencer, ginamitan nga ng figure of speech ang kanta na 'yon.

"'Yon lang pala, e!" masayang ani Spencer na sa wakas ay hindi na mag-iisip pa kung ano ang ibig sabihin ng figure of speech. Makatulong sana sa kanya 'yon na makagawa ng isang magandang tula.

•••••

"Kita-kits na lang bukas!" ani Spencer matapos makababa ng bisikleta nang nakaangkas na si Sierra. Nakatayo ngayon si Sierra, nakatalikod sa likod ng gate nila dahil nakaharap siya kay Spencer na nakaupo sa bike at nakagilid ang gulo papunta sa direksyon ng babae.

"'Yong bahay namin, tatlong streets lang magmula rito." Tumingin pa si Spencer sa direksyon kung saan nakaharap ang bike niya at ngumuso pa na parang itinuturo kung saan siya nakatira.

"So?" Binuksan na ni Sierra ang gate matapos sungitan si Spencer. Pumasok na siya sa loob at isinasara na ngayon ang gate.

"Kung need mo ng help, i-DM mo lang ako." Pinapanood ni Spencer ang ginagawa ni Sierra. "I'm a responsible and concern neighbor! At your service, boss!" pahabol pa nito pero tiningnan lang siya ni Sierra at tinanguan.

"Sie!" ani Spencer nang tawagin muli si Sierra. "Mas masanting kapa keng bengi!" Nakangiting sambit niya nang lingonin siya ni Sierra.

"Huh?" tanong ni Sierra na hindi maunawaan ang sinabi ni Spencer. Parang pamilyar si Sierra sa mga salitang 'yon pero hindi niya alam ang ibig sabihin.

"Wala! Sabi 'ko, good night!" sabi ni Spencer na nakangiting umiiling. Tumalikod na si Sierra. Ni-ready na ni Spencer ang mga paa sa pagpidal sa bisekleta.

"Figure of speech 'yon, e... Kapampangan version," sabi niya na ngayon ay nagpipidal na sa bisikleta at tinatahak ang daang maliwanag dahil sa mga posteng puro ilaw.

Nakangiting kinuha ang cellphone sa bulsa at pinatugtog ang kantang "Pauwi Na Ako / Silent Sanctuary" na tumutugma ang liriko sa nararamdaman niya ngayon na kasiyahan.

•••••

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon