Napuno ang classroom ng bulong-bulungan mula sa kanilang mga kamag-aral. Ang iba ay hindi makapaniwala, nagtatawanan ang iba at ang iba ay hindi sang-ayon kay Sierra na sinumbong niya si Darlene dahil sa makitid ang utak nila na hindi na kayang umunawa pa, mas kinakampihan pa nila si Darlene.
“Ma'am—”
“Stop!” sigaw ni Ms. Lizzet na nagpahinto kay Darlene na mangatuwiran pa. “What I've heard is enough,” dama ang galit sa winika ng guro. Hindi nakaimik si Darlene sa sinabi ni Ms. Lizzet, wala nang silbi kung magsasalita pa siya dahil buo na ang konklusyon ng guro. Hindi niya na mababago iyon.
“...”
“Darlene, you disappointed me. Nasa highest section ka pa man din! And you're in a Catholic school, how could you do that? You know, cheating is a sin.” Nakayuko lamang ang dalaga habang pinagsasabihan ng kanyang guro.
“I'm sorry, ma'am.” Hindi napawi ni Darlene ang galit ng guro kahit na humingi pa siya ng tawad.
“You two! Sit down!” sambit ni Ms. Lizzet at naupo na ang dalawa. Tumahimik na ang lahat nang magsimulang pumuntang muli sa harapan si Ms. Lizzet at manahimik. Nakaramdam naman ang mga estudyanteng maingay na kailangan na nilang tumahimik at isara ang bibig.
“Okay, STEM students listen to me. The President of STEM strand called me a while a go.” Naglakad si Ms. Lizzet papunta sa table niya at inayos niyang mabuti ang mga papel na ipinasa ng mga estudyante matapos niyang paupuin ang dalawang estudyante— sina Sierra at Darlene. Pagkatapos ayusin ang mga test papers at muli niyang ibinalik ang tingin sa mga estudyante.
“Next week magkakaroon ng program para sa welcome party of our new school's principal. Magiging busy ang bawat strand and you should prepare something for our new principal— maybe a song, intermission dance, etcera etcera,” pagpapatuloy ng guro sa pagpapaliwanag.
“Classroom evaluation will be on before the end of the month, so magiging busy tayo. As your Chemistry teacher and your class adviser, inaasahan ko na makiki-cooperate ang lahat especially sa mga classroom officers.” Isinukbit na ni Miss Lizzet ang kanyang bag matapos sabihin ang lahat-lahat.
“Don't forget to clean your mess,” paalala niya sa lahat. “Darlene, sumunod ka sa 'kin sa Chem-Lab.”
Nagtayuan na ang lahat kasabay ng pagtayo ni Darlene, inirapan niya ng sagad si Sierra saka kinuha ang bag dahil tinatawag siya ni Miss Lizzet.
“Class dismiss.”
Nagpulasan na ang mga estudyante pagkatapos marinig ang magic word.
•••
“Napakabwisit talaga ng babaeng 'yon!” gigil na sambit ni Darlene habang naglilinis ngayon dito sa Chemistry Laboratory.
“Humanda siya sa 'kin!” saad niya pa bago sasalin ang lalamunan niya sa kauubo. Nalanghap at nalunok niya kasi ang mga alikabok na nanggaling do'n sa pinagpag niyang cabinet na marumi kung saan nakalagay ang mga laboratory equipment.
Nagpatuloy siya sa paglilinis dahil iyon ang utos sa kanya ni Miss Lizzet. Kung gusto niyang makapasa ay kinakailangang maglinis siya ng Chemistry Lab at kung hindi naman niya gagawin o susundin 'yon ay matik na zero ang score niya. Ayaw niyang mangyari 'yon dahil big deal sa kanya ang grades lalo pa't inaasam niyang mapasama sa With Highest Honors kaya naman gagawin niya ang lahat para lang kilalanin siya ng lahat bilang pinakamagaling sa buong CSA campus.
Nang matapos na siyang maglinis ay nag-retouch muna siya. Kumuha siya ng tissue ang pinunasan ang pawis na mukha. Ayaw niyang lumabas nang hindi nagme-make-up dahil mas komportable siya't mas mataas ang confidence kapag may make-up siya. Make up is life para kay Darlene.
Habang nagme-make-up siya ay aksidenteng nahagip ng kanyang mga mata ang babaeng may dahilan kung bakit siya napahiya't pinaglinis sa Chemistry Lab. Nagmadali siyang mag-make-up at maglagay ng lipstick. Apura niyang ibinalik ang make up kit sa pouch at ibinalik naman ang pouch sa loob ng bag saka kara-karakang isinara ang bag at binitbit kasabay ng pagtakbo niya para maabutan ang kinaiinisang tao.
“Hoy, demonyita! Anong nginingisi-ngisi mo, ha!?” aniya nang maabutan si Sierra. Nakatayo sa harap ng pinto ng Chemistry Laboratory, akala ni Darlene ay naglakad na ito palayo pero hindi pala. Marahil ay sinadya talaga ni Sierra na magpunta rito para inisin ang kaaway. Hinanap niya si Darlene para inisin lalo.
“Masaya ka dahil napagalitan ako? Dahil napahiya ako sa klase? Linis-linisan ka rin, ano? Nagpapanggap kang isang anghel pero ang totoo, you're evil! I'm warning you, ulitin mo pa 'yon and you will never like what you'll get from me. You don't know what I'm capable to do,” dire-diretso sa pagbula ang bibig ni Darlene dahilan para hindi magawang makasingit ni Sierra. Nang mapagtanto ni Darlene na wala siyang sagot na mapapala sa dalaga ay napagpasyahan niya nang umalis sa lugar na 'yon tutal nasabi niya naman na ang lahat saka napagbantaan niya na rin naman si Sierra.
“Excuse me, devil—”
Inirapan niya muna si Sierra bago lumakad sa harap ng dalaga at pwersahan itong itinulak upang makadaan siya pero bago pa man niya maitulak at magtagumpay na pabagsakin si Sierra sa sahig ay malakas na sinipa ng dalagang walang imik ang tuhod ni Darlene dahilan para manghina ito at mawalan ng balanseng makatayo.
“Ouch!” matinis na tili ng dalaga matapos pumlakda sa sahig. Matalim na titig ang ibinato niya kay Sierra na ngayon ay nakatayo't iniismiran siya.
“That's what you're capable to do— always falling down 'cause you're weak,” sagot ni Sierra na ngayon ay nagkaroon na ng gana makipag-usap. Bakit biglang nagbago ang mood niya? Nabawasan ang pagiging matamlay niya.
“And you are?” ani Darlene kasabay ng pagtayo mula sa pagkakabagsak sa sahig. “You think you're that strong? You're a bitch...” gigil nitong saad habang mabilis na naglalakad papalapit kay Sierra. “...and a leech!” mariing sabi saka itinaas ang kanang kamay... “Sipsip!” ...para ipatikim kay Sierra ang malakas niyang sampal.
Wait.
What was happened?
Hindi natuloy ang pagsampal niya?
“Spencer!” sigaw ni Darlene sa lalaking pumipigil sa kanang kamay niya. Bakit naman kasi biglang dumating ang lalaking ito? Hindi tuloy nasampal ni Darlene si Sierra at hindi tuloy nagkaroon ng chance si Sierra na iparamdam ang mas malakas niyang sampal. Mukhang naka-ready pa man din siya ngayon.
“Let go of my hand! I will teach her a lesson. A leech like her deserves a slap,” pagpupumiglas ni Darlene kay Spencer na pahigpit nang pahigpit ang yakap. Hinarap ni Darlene si Sierra at sinigawan. “Illusionistic!"
“Hmm... ikaw ang ilusyonada, Darlene,” ani Darlene habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang kaharap niya. “And you're the one who need to be slapped by the truth that being like that doesn't uplift you're class, you're a low class like your awful attitude.”
“...”
“Sorry not sorry, I don't deserve a slap from a trash like you.”
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...