16: Sudden, Sadden

107 11 0
                                    

Nilapitan ni Spencer si Sierra na tahimik at walang imik na nakaupo sa higaan na may kulay puting bed sheet— para ito sa mga pasyenteng nagpupunta rito. Nang makalapit ay bumaba siya at iniluhod ang isang tuhod habang ang isa ay hindi. Tiningnan niya si Sierra sa mga mata nitong malumbay.

“Okay ka na raw,” kausap niya sa babae. “Pero sabi no'ng nurse, mag-stay daw muna tayo for thirty minutes bago tayo umalis.”

“Kaya ko na,” tipid na sagot ni Sierra at tumayo na ito para ipakita sa lalaki na totoo ang sinasabi niya.

“Sigurado ka?” tanong ni Spencer na nag-aalala.

“Bingi ka?” balik ni Sierra.

“Hindi. Tara na,” sagot ni Spencer na dismayado na naman dahil umarya na naman ang pagiging moody at pagkapilosopo ng babae.

“Mauna ka na.” Nakatayo lang si Sierra at hinintay na tumayo si Spencer.

“Hindi. Sasamahan na kita.” Hindi natinag si Spencer sa kinatatayuan niya at hinihintay na kumilos ang dalaga. Ano ba naman itong dalawa na 'to? Bakit bawat kilos sa kanila ay mahalaga? Apektadong-apektado sa mga bagay-bagay na hindi naman dapat pero bini-big deal nila masyado.

Matamlay na naglakad si Sierra at sinundan naman siya ni Spencer hanggang sa makarating silang dalawa sa hugis parihabang nilalabasan at pinapasukan— ang pinto na may tinatayang nasa walong talampakan ang taas.

“Bading ka ba?” tanong ni Sierra sa lalaking katabi na nakatitig lang sa pintong hanggang ngayon ay sarado pa rin.

“Hindi nga.” Tiningnan ni Spencer ang katabi with his knowing but cheesed off look.

“Uh-oh! Oo na... gets ko!” inis nitong sabi nang mapatingin muli sa pinto.

“O, ayan na po! Dumaan na ho kayo Mahal na Reyna,” sabi pa niya habang kinakalma ang sarili. Nakalahad ang isang kamay bilang pagpapakita ng magalang na pamamaraan kung paano pinaparaan ang mga babae at ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa door knob.

“Naks! May taga-bukas ka pa ng pinto, a! Husay!” sabi pa niya kay Sierra na nauuna nang naglalakad. Sinundan at hinabol niya ito pagkatapos isara ang pintong binuksan.

Nandito na sila ngayon malapit sa entrance gate ng school. The gate is widely open and medyo maraming students na ang lumalabas para umuwi.

“Ayan kasi, patakbo-takbo pa. Natapilok ka tuloy.” Magkasama pa rin ang dalawa at nagsimula na naman si Spencer mag-open ng topic na sa huli ay siguradong pag-aawayan na naman nila.

Mahirap talagang ma-fall lalo na kung walang sasalo sa 'yo,” ani Spencer na ang tinutukoy ay ang katangahan ni Sierra. Kaya pala ito hindi makaalis kanina doon sa bench malapit sa field at mas piniling makipag-usap kay Spencer dahil natapilok siya. Hindi niya kayang maglakad, mabuti na lang at nakita siya ni Spencer doon. Tinulungan siya at dinala sa clinic para magamot.

“Sa susunod mag-iingat ka. Sa susunod na tatakbo ka dapat yung nakikita ko para kung madapa ka man, e, may sasalo sa 'yo,” paalala ni Spencer sa dalagang kasabay niyang lumakad. Mabuti na lang din talaga at nando'n si Spencer, mabilis ang reflexes nito kaya nasalo niya si Sierra. Kung hindi siguro, bukod sa may paa itong namamaga ay baka magpuro galos din ang katawan niya kung natuluyan siyang madapa.

Natulala ang babae sa hindi malamang dahilan. Tumigil din ito sa paglalakad at ang mga paa ay tila dumikit na sa lupa dahil hindi na niya magawang maihakbang ang mga iyon.

“Charot!” biglang sabi ni Spencer para hindi na matulala ang dalaga. “Pasalo ka sa lupa!” pagbibiro pa nito pero matapos niyang sabihin iyon ay naglakad nang mabilis si Sierra dahilan para maiwan siya nito.

“Oyy! Sa'n ka pupunta?” tanong ni Spencer nang maabutan niya ang babae. Hawak niya ang kamay nito na siyang pumipigil sa pagpapatuloy nito sa paghakbang.

“Uuwi,” tipid na sagot ni Sierra. Nakaharang ngayon sa harapan niya si Spencer at hindi siya makadaan kaya naman para malampasan niya ito ay patagilid siyang humakbang. Nang magkaroon ng espasyo sa harap niya ay mabilis niyang inihakbang ang mga paa palayo muli kay Spencer.

“Oyy, saglit lang.” Hinabol muli ni Spencer ang dalaga pero nang mahawakan niya ito ay nagulat siya nang mapatakan siya ng tubig sa kamay. Akala ni Spencer ay umuulan pero hindi pa. Galing iyon sa mga mata ni Sierra at hindi laway o ulan ang tumulo kundi luha.

Bakit siya umiiyak? — tanong na nasa isip ni Spencer.

“Sa susunod mag-iingat ka.”

Ang mga salitang iyon ang dahilan— ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon si Sierra. Iyon ang dahilan kung bakit siya natigilan sa paglalakad kanina nang mabanggit iyon ni Spencer sa kanya. Sa kadahilanang, may isang malungkot na pangyayari sa buhay niya ang nagpapaalala ng mga salitang iyon.

Bata pa si Sierra, walong taong gulang pa lamang siya no'n at kalaro niya ang kanyang kuya. Nagpapalipad ang kuya niya ng saranggola habang siya naman ay tumatakbo, hinahabol niya ang kuya niya at masayang-masaya siya. Masaya siyang tumatakbo at pinagmamasdan ang saranggola ng kanyang kuya. Rinig na rinig ang malalakas niyang halakhak na ngayon ay hindi niya nagagawa. Sobrang saya pakinggan nang mga tawa niya at nakahahawa iyon kaya naman pati ang kuya niya ay napapatawa na rin dahil lang sa tawa ng nakababatang kapatid hanggang sa makita niya si Sierra na natisod at nadapa. Nag-alala ang kuya niya nang makita ang nangyari kaya naman binitiwan niya ang hawak na tali ng saranggola at inunang puntahan ang kapatid. Ibinangon niya si Sierra sa pagkakadapa at pinagpag ang tuhod na narumihan at nagasgasan.

“Sa susunod mag-iingat ka,” sambit ng kuya ni Sierra at ang batang babae ay tumawa lang nang tumawa. Dahil sa ginawang pagtulong ng kuya ay mabilis na naglaho kaagad ang nararamdaman niyang sakit sa tuhod.

Pero dahil doon ay sumabit ang saranggola ng kuya niya. Tinuro ni Sierra ang puno kung saan sumabit ang saranggola ng kuya niya. Pumunta silang dalawa roon at nang makarating ay sinabi ng kuya niya sa kanya na doon lang siya sa baba at aakyatin niya ang saranggola.

Sa kasamaang palad ay nakabitiw ang kuya ni Sierra sa pagkakakapit sa sanga at nabali iyon kaya naman wala siyang ligtas talaga. Nahulog ang kuya ni Sierra sa puno at tumama ang ulo nito sa malaking bato na nasa ibaba ng puno.

Ang masasayang tawa ni Sierra ay napalitan ng mga luha habang pilit na ginigising ang walang buhay niyang kapatid.

“Uy... uy... bakit?” tanong ni Spencer habang pinatitigil sa pag-iyak ang dalaga. “May nasabi ba 'kong...”

“Don't mind me,” sabi ni Sierra at patuloy pa rin ang mga mata nito sa pagluha. “I love this. I want to cry. I want to feel sad.”

“Huh?” pakli ni Spencer habang kunot ang noo.

“I've to go.” Ikinilos ng dalaga ang kanyang balikat na hinahaplos ni Spencer para makawala sa mga kamay nitong pilit siyang pinapatahan.

Naiwan si Spencer na punong-puno ng katanungan sa isip. Hindi naiintindihan ang nangyayari kay Sierra pero mukhang ayos lang siya at pipilitin niya pa ring intindihin ang ugali ni Sierra.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon