"Basta masungit ya, nanu kasi... atin yang regla yan!" sagot ni Spencer sa mga kaibigan. Masungit daw si Sierra dahil mayro'n itong monthly period.
"Ahh..." sabay-sabay na sabi ng mga kabigan ni Spencer. Tumatango pa ang mga ito na animo'y naniniwala sa kalokohang sinabi ni Spencer. Walang dalaw ngayon si Sierra, sadyang suplada lang siya at hindi palasalita.
"Eh makananu kang makatula?" tanong nila. Paano daw nakakatawa si Spencer?
"Ay! Karakal kutang e!" sabi ni Spencer na nabanas na't tuluyang nawalan nang gana sagutin ang mga tanong ng kaibigan. Napakadaming tanong daw sabi ni Spencer kaya naman nainis na siya.
"Tara na, tara na. Isang game, papaluin n'yo 'ko. Tara tara!"
Nauna siyang maglakad at sinundan naman siya ng mga kaibigan na kumaway pa muna kay Sierra bago umalis. Samantala, si Spencer ay tumatakbo pabalik kay Sierra.
"Wait! Pahawak lang saglit." Ibinigay niya kay Sierra ang cellphone niya dahil baka mabasag 'yon kapag naglaro siya. Kinuha naman iyon ni Sierra at tumango.
"D'yan ka lang, ha! Watch me!" maangas na sabi ni Spencer. Kinindatan niya pa si Sierra bago tuluyang tumakbo at sumunod sa baseball field kasama ang mga kaibigan.
"Disgusting," ani Sierra at napailing na lang. Pinanood niyang maglaro ang mga magkakaibigan at nakita niya kung gaano kasaya si Spencer habang nilalaro ang paborito nitong sports. He looks so perfect standing and running there with his loud wide smile that makes Sierra to smile too but she stopped herself. Hindi niya itinuloy ang pagngiti. Pinigilan niya ang sarili niya pero hindi niya na mapigilang matulala.
"Wooooh!" malakas na sigaw ni Spencer na siyang gumulantang kay Sierra dahilan para bumalik sa huwisyo ang isip niya. Hindi niya namalayan na nasa harapan niya na ang lalaki.
"Tapos na?" tanong ni Sierra. Saglit lang naman kasi naglaro ang magkakaibigan. Pagkatapos pumalo ni Spencer at maka-home run ay umayaw na rin siya.
Tumango si Spencer.
"Galing ko 'no?" proud niyang saad habang nakangiti sa babaeng nakatitig sa kanya.
"Hindi." Umiwas nang tingin si Sierra.
"Tara na," sabi ni Spencer na ngayon ay pinupunasan ang pawis na nasa noo niya. Pinunasan niya rin ang kakaunting pawis sa leeg. "Nagpaalam na 'ko sa kanila. May pupuntahan pa tayo, e."
Ngayon ay nandito na rin nakapaligid sa kanila ang mga kaibigan ni Spencer.
"Mga pare muna na kami ning syota kung malagu," sabi ni Spencer at nakipagngisngisan sa mga barkada. Pigil nila ang mga tawa nila. Nagtinginan pa ang magkakaibigan na nagulat sa sinabi ng kaibigan.
Nakipag-apir sa kamay si Spencer isa-isa sa mga kaibigan niya bago sila tuluyang umalis ni Sierra.
"Mingat kayu at magparakal!" sabay-sabay na saad ng mga ito. Mag-ingat daw sila at magpakarami. Lumingon naman si Spencer at kumaway pabalik sa mga kaibigan.
"Magkaluguran palagi!" pahabol pa ng mga ito at napangiti si Spencer dahil ang ibig sabihin ng mga kaibigan niya ay magmahalan daw sila lagi. "Bye, Peng! Bye, Sierra!"
"Anong sinabi mo sa kanila kanina?" tanong ni Sierra na mukhang nagdududa na dahil wala siyang naiintindihan sa gamit nilang salita.
"Wala." Tumanggi si Spencer na sabihin ang totoo. Sierra, pinakilala ka lang naman niyang jowa sa mga kaibigan niya bago kayo umalis kanina. Kung alam mo lang!
"Mga pare muna na kami ning syota kung malagu."
(Mga pare mauna na kami ng girlfriend kong maganda.)"Ano nga," sabi ni Sierra na walang intonasyon ang pagtatanong.
"Wala nga." Walang balak sabihin si Spencer dahil alam niyang jombag ang aabutin niya. "Sungit naman nito, e."
•••••
Sa hindi kalakihan ngunit may katamtamang lawak na silid na ang bawat dingding ay may nakabiting mga larawang nagpapaalala ng nakaraan; makulay na kasaysayan ng Pilipinas. Naglalakad ngayon ang dalawa at nililibot ang apat na sulok ng silid na may katandaan na rin ngunit pinapanatiling buhay upang hindi tuluyang maglaho ang bahagi ng kasaysayang kay tagal iningatan. Dinala ni Spencer si Sierra sa San Fernando Train Station Museum.
"1892 noong itinayo itong San Fernando Train Station, ito ang unang estasyon ng tren na naitayo sa Pilipinas," wika ni Spencer na pinagmamasdan ang mga istatwa ng mga sundalong Hapon na nadadanan nila.
"Noong 1900 gumagana pa 'to pero after no'ng World War II, hindi na. Dinagsa rin 'to ng mga treasure hunter noong time na magsara ito tapos yung mga sobrang bakal ng riles ninakaw daw at ibinenta."
Nakatitig naman sila ngayon at pinagmamasdan ang mga bagay na nasa loob ng mga kwadradong salamin— mga larawan at gamit na nagpapaalala kung gaano na katagal ang lugar na ito.
Naglakad muli sila habang ang mga mata nila'y gumagala at napatingin sa itaas kung saan may nakasabit na chandeliers na siyang nagsisilbing liwanag ng museo at ang sinag ng araw na tumatama sa bintanang ang disenyo ay masasabing noong sinaunang panahon pa ito nag-eexist at talagang mukhang luma na.
"Alam mo ba isa sa mga una nitong bisita si Jose Rizal? Papunta siya ng Tarlac no'n, kumbaga ito yung naging first step niya sa kanyang misyon na mag-recruit ng mga kabataang Kapampangan na sumapi sa La Liga Filipina."
Naglakad-lakad sila hanggang sa makarating sila sa rebulto ni Jose Rizal na naka-dequatro pa ng upo sa kanyang kahoy na upuan. Sa likod ng istatwa ay ang mga larawang nakabitin sa dingding at sa tabi naman noon ang kwadradong salamin na sa likod naman ay may abstract painting.
"Tapos nong 1942, panahon na ng mga Hapon 'yon. Ito yung nakakalungkot na nangyari, naging kuta kasi ng mga Japanese 'tong San Fernando noong World War II. That time nangyari din ang Death March, ito yung naging end point ng mahabang paglalakad ng mga bihag na kababayan natin saka no'ng iba pang bihag na mga Amerikano during The Fall of Bataan."
Napailing si Spencer dahil nadadala na siya sa mga kinukwento niya. Kung kanina si Sierra ang nagkukuwento kanina sa bus tungkol sa Philosophy, si Spencer naman ay nagkukwento ngayon tungkol sa History. Ipinagpatuloy niya ang pagkukwento sa dalagang tahimik na nakikinig.
"Mula Bataan hanggang dito nilakad nila, 102 kilometers 'yon boy! Isipin mo 'yon? Tapos pagdating nila rito, mas masahol pa ang ginawa sa kanila! Ikinulong sila at isinakay sa mga bagon ng tren, Death Trains ika nila."
Nakatayo sila ngayon sa dingding na mukhang gawa sa brick walls kung saan may apat na larawang nakadikit dito. Mga lumang larawan— na kasing luma na rin ng mga pader ng museo— kuha noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang unang larawan ay ang isang lalaking mukhang sundalo na nakatayo sa riles ng tren. Ang ikalawa naman ay larawan ng lumang tren. Ang ikatlong larawan naman ay ang mga bihag ng mga hapon na naglalakad noong Death March at ang ikaapat ay larawan ng mga sundalong Hapon noong World War II. Lahat ng picture do'n ay black and white.
"Tapos noong pumutok naman yung bulkang Pinatubo noong 1991, napuno ng alikabok at abo ang bayan na 'to," sabi pa ni Spencer tiningnan ang katabi.
"Weh, nakita mo?" Tiningnan din siya ni Sierra at tinanong. Namimilosopo na naman ang ate mo.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...