Nakarating na rin sila lugar na pinagsakyan nila kanina bago lumuwas--- Makati. Nandito sila sa ngayon sa terminal. Maraming pasaherong tulad nila na nandito ngayon— ang iba ay pauwi na katulad nila at ang iba'y pasakay pa lamang o paluwas papunta sa mga bayan uuwian o bibisitahin.
"Sigurado ka, okay ka lang dito?" tanong ni Spencer kay Sierra. Ihahatid pa sana siya ni Spencer pero makulit ito at ayaw pumayag. Mukhang may topak na naman.
"Oo, mauna ka na." Tinanguan niya pa si Spencer at pinapauwi na. Napailing na lang ang binata at humugot ng maraming hangin at huminga kasabay ng pagtango para ipakita na sang-ayon siya dahil wala na rin naman siyang magagawa kundi sundin ang gusto ng babae.
"Sige, kitakits na lang!" Ngumiti si Spencer at nagtaas-baba ng kilay.
"Sige," sagot ni Sierra at tiningnan lang ang marahan na pagtalikod ni Spencer. Hinintay niya ang paglalakad nito palayo pero ang tagal niya lumayo.
"Ah, Sierra..." Humarap muli si Spencer na para bang may sasabihin. Iginilid nito ang tingin at ibinaba na para bang iniisip ang mga salitang bibigkasin
“...”
"Salamat sa pagsama sa 'kin," sabi niya't itinaas na ang ulo at tiningnan ang mukha ni Sierra. "Sobrang saya 'ko," dugtong pa niya. Inihakbang niya ang kanyang mga paa ngunit parang nabibigatan dahil nag-aalangan. Iniangat niya at ibinilog ang dalawang kamay parang yayakap siya kay Sierra.
"Uwi na." Nakita ni Sierra ang gagawin ni Spencer at nahalata niya ang gustong gawin ng lalaki sa kanya.
As the feeling of shamefulness covering his body up to down from head to toe, he quickly put down his arms. Spencer is standing straight in front of Sierra with his ams parallel to his body, putting away his glances as he enter his two hands inside each front pocket of his jeans.
"Uhm... oo... sige..." Tumatango pa siya pero habang nasa loob ng kanyang bulsa ang mga kamay na naglalaro ay nakapa nito ang earphone na hiniram niya kay Sierra. Dinukot niya 'yon at iniabot sa dalaga.
"Ingat ka," sabi niya pa ng kuhanin na ni Sierra ang earphones.
"Hindi. Sa 'yo na 'yan," ani Spencer dahil ibinabalik nito ang travel pillow na hiniram ni Sierra sa kanya. Ngumiti si Spencer bago tumalikod at umalis. Naghanap siya ng masasakyan hanggang sa makauwi na siya sa bahay nila.
Sa paglalakad niya ay unti-unting namumuo ang galit dahil sa boses na naririnig niya sa loob ng bahay. Masasayang tawa na alam niyang galing sa mama niya at kay Wennard.
Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto at kaagad niyang binuksan 'yon dahilan para mapahinto sina Guianna at Wennard sa paghaharutan at paglalambingan.
"O, anak... sa'n ka galing ba't ngayon ka lang?" tanong ni Guianna na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Nanonood sila ni Wennard ng movie sa TV. Napatingin si Spencer sa dalawa na nagkakasiyahan dahil may popcorn, may alcohol at pulutan pa.
Galit na sinagot ni Spencer ang kanyang mama. "NANGGALING LANG NAMAN AKO SA PUNTOD NI PAPA, 'MA."
"Anak... Spencer!" tawag ni Guianna sa anak niyang tinalikuran siya.
"'WAG MO 'KONG KAUSAPIN, MA! ITULOY N'YO NA LANG ANG GINAGAWA N'YO!" There's no trace of a little bit respect on Spencer's response. He's shouting and being rude again.
"IKAW BATA KA, BASTOS KA! 'WAG MONG SINISIGAWAN ANG MAMA MO!" Sumapna na sa usapan si Wennard na tinurn-off muna ang TV bago tumayo at sinigawan si Spencer na binabastos na ang ina.
"'WAG KANG MANGIALAM DITO! 'WAG KANG UMASTA NA PARANG PAPA 'KO DAHIL SAMPID KA LANG DITO!" Namumula na sa galit si Spencer nang sinabi niya kay Wennard ang mga salitang parang saksak sa puso ang katumbas niyon sa taong sinabihan niya.
Mabilis na nilapitan ni Wennard ang bata. "LINTIK KA, WALA KANG UTANG NA LOOB!" Kinuwelyuhan niya ito at iniangat sabay ng pag-amba ng mga kamao niyang nakakuyom na handang patamaan ang mukha ng bata anumang oras.
"SIGE, ITULOY MO! MATAGAL MO NANG GUSTONG GAWIN 'YAN SA 'KIN, 'DI BA?" Hindi nangibabaw ang takot kay Spencer at mas lalo pa siyang pinatapang ng kanyang galit. Handa siyang masaktan masabi lang ang mga hinanakit niya.
"Wennard, 'wag... tama na..." Umiiyak na si Guianna at pinipigilan si Wennard. Nakatingin siya sa anak niyang parang hindi na siya kilala. Ibinaba na ni Wennard kamao niyang susuntok kay Spencer. Binitiwan at pinakawalan niya ang galit na bata.
"Ma, birthday ni Papa ngayon! Ine-expect ko na paggising ko kanina, sabay tayong pupunta sa Pampanga pero wala ka na! Wala na kayo! Kahit isang oras o kahit isang minuto man lang sana, 'di mo man lang naisip dalawin si Papa? Inubos mo lang 'yong buong araw mo sa lalaking 'to!" Sinamaan ng tingin ni Spencer si Wennard pati ang mama niyang mahigpit na nakakapit sa braso nito.
"MAGSAMA KAYO!" Tinakbo ni Spencer pataas ang hagdan at pagdating sa kwarto ay nagsisigaw siya. Ibinaba niya ang dalawang paper bag na may lamang mga damit na pinamili niya sa SM Pampanga. Naupo siya sa kama habang pinapakalma ang sarili. Hinubad niya ang kanyang sapatos at ibinalibag iyon sa pader sa harap niya. Nang mahugot niya ang isa ay ibinalibag niya rin 'yon!
"Hayaan mo na muna siyang magpalipas ng galit," sabi ni Wennard kay Guia habang pinapatahan ito. "Tahan na."
Si Spencer naman ay kinuha ang kanyang earphone na nakapatong sa ibabaw ng kama niya na naiwan noong umalis siya kanina. Hindi niya rin iniwan ang kanyang cellphone ibinulsa. Binuksan niya ang bintana hindi para magpahangin kundi para tumalon. Marahan siyang tumalon palabas ng bintana hanggang sa makababa siya at makalabas ng gate. Mukhang lagi niya 'yong ginagawa kaya naman sanay na sanay siya.
Naglalakad siya ngayon sa daan na nililiwanagan ng mga ilaw sa poste. Papalayo sa bahay nila, papalayo sa galit at papalayo sa lungkot. Hinahanap ang saya habang nagmumuni-muni at nakikinig ng kanta--- “Tuyo Na'ng Damdamin / Silent Sanctuary”.
He's being unconscious with his feeling that he didn't even noticed those myriad tears streaming down his face and the moment in time where he is walking along the street with streetlights, stars and moon above witnessing the pain he is in right now--- feeling is accurate, what he felt this time-- sadness inside-out.
He's down in pain.
He looked up to the sky, wishing the tears will stop... that everything will going to fine again and hoping that he could find the answer on why did it have to happen?
He lowered his gaze, and then the answer he is looking for is now in front of him.
"Sierra?"
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...