14: Cheeseburger Without Cheese

124 12 0
                                    

Nakaupo sila ngayon sa isang bench malapit sa football field na nasisilungan ng malalagong dahon ng mga puno na nakapaligid sa gilid ng fields. Kanina pa sila tahimik at mukhang walang may balak na maunang magsalita. Come on, Peng! Magsalita ka na at wala kang maaasahan kay Sierra.

He cleared his throat as he neared himself a little bit close to the girl next to him. “Cheeseburger.” Iniabot ni Spencer ang binili niyang burger at inalok si Sierra kahit nag-aalangan siya kung tatanggapin ba ito ng dalaga o hindi.

Sierra just glimpsed on the food then totally ignored Spencer's offer.

“Baka masayang lang oras mo sa nonsense na tao tulad ko. Umalis ka na.”

“Uhm... cheeseburger.”

“I hate cheese,” sabi niya habang nakatulala lang, diretso ang tingin at hindi sa katabi. Kung mayro'n pa mang bagay na hindi gusto si Sierra, iyon ay ang ‘cheese’. Ayaw niya sa cheese— sa lasa, sa kulay and siguro pati na rin sa taong nagbibigay nito.

“HOLY CHEESE!” bulalas ni Spencer. “How dare you to say that?” Napaawang ang bibig saka napalayong kaunti habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Sierra. Sino siya para sabihin 'yon kay Spencer?

“I don't eat cheese,” sagot ni Sierra. Kahit na gutom na siya ngayon dahil hindi siya nakakain at takbo siya nang takbo kanina, she won't eat it 'cause she hate it.

“But cheese...” mahabang ani Spencer habang tinitingnan ang hawak na burger. “...it's... it's my favorite!” malakas n'yang ani sa tainga ni Sierra dahilan para matulig ang pandinig ng dalaga.

“Disgusting,” ani Sierra matapos tapunan nang saglitang tingin si Spencer. Inirapan niya ang lalaki at hindi na muling tiningnan. Natahimik si Spencer sa sinabi ni Sierra. Nasaktan siya dahil as a cheese lover, hindi niya deserve masabihan ng ‘disgusting’. Wait, wala namang sinabi si Sierra na siya 'yon, maybe yung cheese ang tinutukoy niya. But it doesn't matter, na-hurt pa rin ang feelings ni Spencer dahil nilait ni Sierra ang paborito niyang food pero okay lang, wala siyang pakialam basta favorite niya pa rin ang cheese.

“Uh-huh!” Akala mong nakaisip ng isang bright idea si Spencer matapos matulala ng halos isang minuto.

“Wait,” aniya pa at sinimulan niyang tanggalin ang balot ng cheeseburger. Binuklat nito ang burger at kinuha ang cheese na nakapalaman sa gitna. Kinain niya 'yon at nang matapos siya ay pinagtaklob niya ulit ang dalawang tinapay.

“Here!” sabi ni Spencer sabay abot kay Sierra ng burger na wala nang cheese ngayon dahil kinain niya na.

“I said, I hate cheese.” Diretso pa rin ang tingin ni Sierra at hindi man lang tiningnan si Spencer.

“Wala nang cheese 'yan, inalis ko na.” Napatingin si Sierra sa kamay ni Spencer kung saan nakita niya ro'n ang cheeseburger na kanina ay inalok na rin ng binata sa kanya.

“Tikman mo,” sabi pa ni Spencer nang kuhanin ni Sierra ang tinapay na inaalok niya. Napangiti si Spencer nang tanggapin iyon ni Sierra pero kita pa rin sa mukha ni Sierra ang pagkatamlay at hindi nito pagiging masaya— which is normal lang naman sa kanya.

“Cheese-less burger,” sabi pa ni Spencer habang tinitingnan sa kamay ng dalaga ang pagkain na dapat ay sa kanya pero dahil mabait siya— binigay niya na lang. ‘It's better to give than to receive’ ba ang motto for today nitong si Spencer? What's the matter? Hmm.

“Joke?” tanong ni Sierra.

“Huh? Ahh... 'di 'yon joke. Gusto mo ba ng joke?” Nginitian siya ni Spencer at medyo inilapit pa ang mukha dahilan para mailang ang dalaga.

“'Wag.” Walang buhay ang pagkakasabi ni Sierra, as usual. Muling bumalik sa dating pwesto si Spencer nang ma-realize n'yang sobrang lapit na pala ng mukha niya kay Sierra.

“Eh?” ani Spencer nang makita ang ginagawa ni Sierra. Hinahati nito ang cheeseburger sa dalawa— na wala nang cheese kasi nga kinain na ni Spencer kanina.

“Oh,” matamlay na alok ni Sierra kay Spencer ng hawak niyang tinapay na binigay sa kanya nito.

“Hindi, sa 'yo na 'yan!” sagot ni Spencer matapos tanggihan ang alok ng babae. Binigay niya na 'yon kay Sierra kaya naman dapat sa kanya na 'yon saka busog na rin naman siya sa cheeseballs na kinain niya kanina. So, it's fine.

“Kuha o bugbog?” tanong ni Sierra na ngayon ay nakatingin na ang mga mata kay Spencer. Napalunok si Spencer nang manuot sa kanyang sistema ang malamig na tingin ng dalaga. Para siyang gininaw kahit na ang klima ngayon ay sobrang init.

“Bugbog pa nga! Berna ka ghorl?” tanong ni Spencer matapos makakilos mula sa pagkaka-freeze ng kanyang katawan dahil sa titig ni Sierra.

“Bading ka ba?” Tiningnan ni Sierra ang binatang pinagtaasan siya ng kilay at inirapan kani-kanina lang.

“Holy cheese! Kiss kita d'yan, e!” eksaheradong pakli ng binata.

“Disgusting,” walang buhay na sagot ni Sierra. Marahan niyang ikinurap ang mapupungay niyang mga mata na para bang laging inaantok kung titingnan.

“Akin na nga 'yan!” Pwersahang hinablot ni Spencer ang kalahati ng burger na inaalok sa kanya ni Sierra.

“Wala namang lason 'yan, e!” sabi pa niya na ang tinutukoy ay ang tinawag niyang ‘cheese-less burger’.

“Naninigurado lang,” sagot ni Sierra at tiningnan niya muna si Spencer. Hindi niya kinain ang kalahati ng burger hangga't hindi kinakain ni Spencer ang kalahati ng burger na binigay niya.

“Ano palang nangyari sa 'yo kanina?” tanong ni Spencer matapos lunukin ang unang kagat sa kalahati ng burger na inalok ni Sierra.

“Why would I answer you? Close na ba tayo?” sagot naman ni Sierra na malapit nang maubos ang kalahati ng burger na walang cheese at walang lasa. Sobrang plain no'n. Geez.

“Malamang. Magkatabi na nga tayo, e!” pilosopong sagot ni Spencer. Lumapit pa siya hanggang sa magdikit ang mga braso nila ni Sierra. “A 'yan... super close na tayo.”

Wala pang tatlong segundo nang magsimulang magdikit ang mga braso at balikat nila ay siniko na siya ni Sierra dahilan para dumistansiyang muli si Spencer.

“Napaka-moody mo naman.” Hinihimas-himas pa ni Spencer ang kanyang braso na medyo manhid pa dahil medyo napalakas rin ang pagkakatama ng siko sa kanya ni Sierra.

“So what?” ika ng dalaga na ipinakita ang pagkawala niya ng interes sa mga sinasabi ng kausap. Kahit kanino naman ay wala siyang gana. Hindi ba dapat ay iniwan niya na ang lalaking ito? Sino ba 'to sa kanya? Mahigit labinlimang minuto na silang magkasama, magkatabi at magkakwentuhan, ah? So strange.

“Bakit ka nga tumatakbo kanina?” tanong ni Spencer kahit na ramdam niya hindi interesado ang kausap sa kanya. “Nabunggo mo pa 'ko, a!”

“I know,” tipid na sagot ni Sierra. Ipinaparamdam niya sa kausap na walang patutunguhang maganda ang usapan nila. E, kung gano'n naman pala— bakit hindi pa siya umalis?

“Bakit nga?” tanong muli ni Spencer na ayaw tantanan si Sierra hanggang hindi nito sinasagot ang tanong na hindi naman gano'n kahalaga na ayos lang kahit hindi sagutin.

“None of your business.” Tumayo na sa wakas si Sierra at mukhang aalis na siya pero nang akmang ihahakbang niya na ang kanyang paa ay hindi niya na ito maigalaw.

“Ugh!” aniya at mukhang may masakit siyang nararamdaman sa kanyang paa. Napatayo si Spencer sa kinauupuan at bago pa tuluyang mawala ang balanse ni Sierra ay sinalo niya na ito upang hindi matumba't madapa sa lupa.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon