47: Last Day of Togetherness

66 11 0
                                    

Nakasulyap sa labas ng bintana ng bus kung saan pinagmamasdan ang mga sasakyang nagdadaan sa kalsadang dinadaanan din ng bus na sinasakyan niya. Nakikinig ng music si Spencer, “Ingat Ka / Silent Sanctuary” — ang kanyang tanging kasama sa biyahe pauwi sa bahay nila sa Pampanga. Ang mama at ang kinakasama ng mama niya na si Wennard ay naiwan sa bahay nila sa Makati, gayundin ang kaibigan niyang si Sierra na naiisip niya ngayon habang nasa biyahe.

“Uy! Tara na,” ani Spencer kay Sierra habang nasa harapan ng pinto ng bahay ng babae.

“Ikaw na lang,” sagot naman ni Sierra at maya-maya ay dumating na rin ang mama nito.

“Lahat ng mga taga-Bel-Air Village nakikiisa ngayon, para ka namang others n'yan,” sabi ni Spencer na kinukulit pa rin si Sierra.

“Walang magbabantay kay Mama,” tugon ni Sierra at nilingon ang Mama niya.

“Edi isasama natin s'ya!” ngiting sabi ni Spencer at tumingin sa mama ni Sierra na para bang kinumbinsi ito.

“Sira ka ba?” reklamo ni Sierra na nainis sa sinabi ni Spencer. Anong kautuan naman kaya ang tumatakbo sa isip ng lalaking 'to at pati si mama idadamay? — sa isip-isip ni Sierra.

“Tita, dadalo ka po sa Pasinaya?” tanong ni Spencer na mukhang seryoso talaga sa sinasabi niya. Tumango si Sheramay, mama ni Sierra.

“See?” sabi ni Spencer at nginitian si Sierra dahil pumayag ang mama niya, ibig sabihin no'n wala na siyang magagawa kundi ang pumayag na rin.

“Tara na po!” masayang ani Spencer at binelatan pa si Sierra bago kuhanin ang kamay ni Sheramay para alalayan sa paglabas ng pinto.

Nagaganap ngayon ang Pasinaya o thanksgiving kung tawagin. Isa ito sa mga big event sa Makati pero dati hindi ito gaanong pansin pero habang tumatagal ay naging kilala na ito dahil naging bahagi na rin ito ng culture nila at isa sa mga most awaited social events in Metro Manila calendar.

Ang taunang pagdiriwang na 'to ay binubuo ng iba't ibang events na karaniwang ginaganap tuwing buwan ng Abril sa Solar Street Park Bel-Air Phase III kung saan may mga food stalls, music and dance events, bazaars, entertainment, mga palaro at perya rides.

Nagsimula ang taunang selebrasyon noong taong 1993 bilang paraan ng pagkalinga sa komunidad, pagpapalakas ng pananampalataya, pasasalamat at ang pagkakabuklod-buklod, pagkakaisa ng mga residente rito at ngayon sa ika-60 years nito ay talagang napakasaya ng mga pangyayari.

Maingay, masaya, nagkakagulo at nagtitipon-tipon ang mga taga-Bel-Air Village dito ngayon sa park para sa unang araw ng Pasinaya.

Kasama ni Spencer sina Sierra at ang mama nito dahil ang mama niya ay abala kasama ni Mayor Wennard na isa sa mga punong abala sa selebrasyong ito bilang siya ang kasalukuyang Mayor ng Makati. Maraming mga sponsor ang event na 'to gaya ng Department of Tourism, Cultural Center of the Philippines, Women of Bel-Air, Makati City Government at iba pa.

“Sierra, kaya 'mo 'yan?” Natawa ang mama ni Sierra sa tanong ni Spencer na 'yon nang ituro 'yong babaeng nasa unahan ng marching band at nagma-majorette.

“Ano sa tingin mo?” tanong ni Sierra na busangot ang nguso pagkat naaasar siya kay Spencer.

“Ano sa tingin mo tita? Kaya kaya ni Sierra gumanyan?” Napangiti lang ang mama ni Sierra at napailing. Natatawa siya kay Spencer.

“Hindi ako nagsusuot ng gan'yan,” ani Sierra na nakatingin sa majorette dancer na naka-maikling palda at litaw ang legs.

“Tita, mayro'n pong Salu-Salong Agahan ro'n para sa mga mommies, halika po?” ani Spencer na halatang pinag-aralan ang lahat ng mga activities ngayon. Sobrang updated siya, sa bagay may mga announcements naman at nagkalat ang tarpaulin kung saan nakapaskil ang mga activities na magaganap, e.

“Free Kalesa Rides!” ani Spencer nang matanaw ang mga kalesang sunod-sunod na umaandar sa daan.

“Pambata lang 'yan,” ani Sierra. Tama naman siya, para sa mga kids 'yong Kalesa rides na 'yon, e, 'di naman na sila bata. Ito talagang si Spencer, ay nako!

“Bakit? Baby face naman ako, a!” ani Spencer at tiningnan ng masama si Sierra na para bang hindi niya matanggap na hindi siya pwedeng sumakay ro'n sa kalesa.

“Isip bata ka, 'di mukhang bata.” Napaismir si Sierra na muntik nang matawa pero gaya nang lagi niyang ginagawa ay napigilan niya ulit.

“Tara na, pwede 'yan!” pagpupumilit ni Spencer at hinawakan na sa braso si Sierra. Nang maalala niyang maiiwan nila si Sheramay ay nagpaalam si Spencer. “Tita, sasakay lang po kami sa kalesa. Babalik din po kami.”

“Kuya, pwede ba kami d'yan?” tanong ni Spencer nang tumakbo sila ni Sierra nang mabilis at ngayo'y nagtatanong na ang binata kung pwede silang sumakay ni Sierra.

Umiling si manong.

“Sige na, kuya!” Paulit-ulit na nagpumilit si Spencer at sa huli ay napapayag din nila si manong. “Yes!” masayang sabi ni Spencer at ngayon ay nakasakay na silang dalawa ni Sierra sa loob ng kalesa.

Nag-selfie pa si Spencer nang hindi ini-inform si Sierra at saka palihim na tinawanan ang pictures na nakuha niya.

“Ang cute!” ani Spencer habang masayang pinapanood ang Doggie Show kung saan ang mga cute na aso ay bumibidang rumampa. Ito ang sumunod na show na pinapanood nila. “Sana all aso.” Napailing na lang ang mag-ina na katabi ni Spencer at nanonood rin.

“Sana all dancerist!” sabi pang muli ni Spencer habang kinukuhanan ng picture 'yong mga sumasayaw, mga contestants sa Hip Hop Dance Competition.

“Ang saya maging bata 'no?” ani Spencer. Kumakain sila ngayon nina Sheramay at Sierra dito malapit sa pop corn stall. Tapos na silang manood saka medyo nakakagutom rin kasi. Kabibili lang nila ng pop corn at s'yempre cheese flavor ang kay Spencer. “Sayang 'di ko na-experience 'to no'ng bata pa 'ko,” sabi pa niya.

“Ang alin?” tanong ni Sierra. Naglalakad sila pabalik sa gymnasium para manood ng Live Band Show.

“Itong Pasinaya, kasi para sa mga bata halos lahat ng activities,” sabi ni Spencer habang tinitingnan pa ang mga batang nakikita niya, nagtatakbuhan, nagtatawanan at nagkakasiyahan.

“Okay lang 'yan, isip bata ka naman,” sabi naman ni Sierra at seryoso lang na kumakain katabi ng mama niya.

“Tita, tara na lang po mag-Bingo sa perya, 'di naman maganda mga kanta ng banda. Papanoorin ko lang 'yan kung Silent Sanctuary 'yan," ani Spencer nang mapahinto dahil natanaw niya ang Bingohan. Pumayag naman ang dalawa at nag-bingo sila. Pagkatapos mag-bingo ay umuwi na rin sila sa bahay dahil kailangan nang magpahinga ng mama ni Sierra.

“'Di man lang tayo, nanalo. May balat ka yata talaga sa p'wet!” pang-aasar ni Spencer kay Sierra na kasabay naglalakad at katabi naman ng dalaga ang mama niya.

“Baka ikaw,” ani Sierra at inirapan si Spencer dahil nakakainis ang mga tingin at ngiti nito.

“Si Tita, ang swerte! Ang daming napanalunang baso at plato!” ani Spencer na hindi pinansin si Sierra, sa halip ay si Sheramay ang pinansin niya. Marami itong kipkip-kipkip na baso at plato gaya ng sabi ni Spencer.

Napailing na lang at natawa si Sheramay.

“Oy, p'wede ka bang makausap mamaya?” tanong ni Spencer kay Sierra nang akmang papasok na sa loob ng bahay si Sierra.

“Ba't hindi pa ngayon?” tanong ni Sierra. Nauna nang umakyat sa kwarto ang mama niya.

“Wait, may kukunin lang ako sa bahay.” Sumenyas si Spencer ng hintay at parang sinabing huwag aalis si Sierra. “Just a sec.”

Tumakbo si Spencer pauwi sa kanilang bahay at nang makuha niya na ang kukuhanin ay sinakyan niya na ang bisikleta niya para mas mabilis siyang makabalik sa bahay nila Sierra.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon