32: Beautiful Girl

76 10 0
                                    

"Sa tingin mo papapalit na rin kaya ako ng cellphone case?" tanong ni Spencer habang naglalakad sila ni Sierra. Nakalabas na sila ng SM Store at pinagmamasdan ngayon ni Spencer ang bilihan ng mga accessories ng cellphone.

"Bahala ka," sabi naman ni Sierra.

"Akin na cellphone mo." Inilahad ni Spencer ang kamay na hinihingi ang cellphone ni Sierra. Nandito na sila ngayon sa loob ng store at magpapapalit na si Spencer ng jelly case ng phone.

"Ayoko," sagot ni Sierra.

"Akin na kasi," pinilit niya si Sierra at dinukot niya ito nang mabilis nang makita niya na nasa harap na bulsa lang ito nakalagay. "Gotcha!"

Saglit lang ay natapos na ang pagpapalit ng jelly case. Pinagmamasdan ngayon ni Spencer ang dalawang cellphone na hawak niya at may bagong case na.

"Ang cool, 'di ba?" tanong ni Spencer.

"Baduy," sagot ni Sierra. Hindi siya sang-ayon na pinapalitan ni Spencer ang case ni Sierra.

"Oh, 'wag mong tatanggalin 'yan, ah. Ikaw si Tom ako si Jerry!" Ibinalik na ni Spencer ang cellphone ni Sierra. Inabot naman kaagad 'yon ng babae at binulsa na; hindi niya na tiningnan pa.

Napalingon ang babae nang makita niya ang Music Instrument Store.

"Uy, natulala ka na r'yan." Tinabihan ni Spencer ang tulalang kasama. "Musician ka ba?"

"Nah." Umiling si Sierra at iwinilig ang ulo.

"Tara na, marami pa tayong pupuntahan!" Sinenyasan siya ni Spencer gamit ang ulo para sabihing bilisan at sundan siya.

•••••

"Dito kami madalas maglaro ng mga kaibigan ko," kausap ni Spencer sa kasama niyang kasabay na naglalakad sa malawak na field na pinaglalaruan niya dati kasama ng mga kaibigan niya rito sa Pampanga.

"Peng!" Napalingon si Spencer nang may tumawag sa pangalan.

"Oy, nandito na pala sila!" ngiting sambit ni Spencer na nakatalikod na kay Sierra at nakaharap ang tingin sa mga paparating na mga lalaking kasing edad niya lang din kung susumahin at titingnan.

"Peng!" tawag pa muli ng mga lalaking ngayon ay nagtalunan na't dinamba si Spencer. Obvious na na-miss nila ang isa't isa. Nagyakapan at kiniss pa nila ang kaibigan sa pisngi. Naghampasan pa sila, naghimasan ng ulo at nagkotongan pa.

"Sabi ko na nga ba nandito kayo, e!" sabi ni Spencer habang nakaakbay sa kanya ang mga kaibigan.

"Ano game?" tanong ng isa.

"P'wede pero may pupuntahan pa kasi kami ni---"

"Ooooooh!" sabay-sabay na sambit ng mga kaibigan na napatingin kay Sierra. Ngayon lang nila napansin ang babae. Hindi naman na nakapagsalit pa si Spencer.

"Girlfriend me?" tanong ng isa na sinulyapan si Sierra saka ibinaling ang tingin kay Spencer.
 
"Ali, bolang!" sagot naman ni Spencer na todo-tanggi. Hindi niya raw girlfriend si Sierra.

"Nanung lagyu mu miss?" tanong ng isa na siyang nagtanong din kay Spencer. Tinatanong nito ang pangalan ni Sierra gamit ang diyalektong Kapampangan. Mga kaibigan kasi ni Spencer ay nagsasalita nito at sa gano'ng diyalekto sila sanay makipag-usap.

"Sierra ing lagyu na." Si Spencer na ang sumagot dahil alam niyang hindi naintindihan ng babae ang itinanong sa kanya.

"Kalagu mo, bageng bage ya kaya ing lagyu na!" sabi ng kaibigan ni Spencer habang nakangiti kay Sierra. Ang sabi ng lalaki'y maganda raw at bagay na bagay ang pangalan ni Sierra sa mukha nito.

"Anong sabi niya?" matamlay na tanong ni Sierra kay Spencer.

"Ang pangit mo raw," ani Spencer na nagsinungaling. Kabaligtaran ang sinabi niya! Loko talaga 'to!

"Aww!" nasasaktang ani Spencer. Sinikmuraan kasi siya ni Sierra. Sa sobrang ikli ng pasensiya ni Sierra ay sakit ng katawan talaga ang aabutin nitong si Spencer.

"Miss ayus kamo ing gamat mu menasakit yaba?" tanong ng isa pa sa kaibigan ni Spencer na mukhang nag-aalala. Binitiwan at iniwan ng mga ito ang kaibigang namimilipit sa sakit at sapo-sapo ang tiyan; pinuntahan nila at mas inalala si Sierra. Tinatanong ng mga ito kung nasaktan ba si Sierra.

"Hoy kaluguran dako ba talaga? Ako yung sinuntok, e!
Talaga naman oo!" ani Spencer na hindi makapaniwala. Kinuwestyon niya ang mga kaibigan kung kaibigan niya ba talaga ang mga ito dahil imbis kasi na siya ang alalahanin ay si Sierra na pa ang pinuntahan nila. Siya ang nasuntok, e! Si Sierra ang nanuntok. Naku, naku!

Hindi umimik si Sierra at nanahimik silang lahat. Binalot sila ng panandaliang katahimikan nang mawirduhan sila sa babae.

"Aba ot katahimik na pare?" tanong ng isa dahil napansin nilang tahimik si Sierra. Siya na rin ang bumasag sa katahimikan.

"Ganyan siya lagi, matamlay." Tiningnan ni Spencer ang kaibigan nang sabihin 'yon. "Ako lang ang kinakausap niya. Wala ng iba, 'di ba?" Ibinalik niya ang tingin kay Sierra na ngayon ay tinatanong niya na.

"..."

"Sabihin mo, oo." Utos ni Spencer sa babaeng hindi kumibo.

"..."

"Ang galing, p're! Kinausap ka nga hano?" Nang-aasar na sabi ng mga kaibigan ni Spencer na ngayon ay nagtatawanan na at kinakantiyawan siya.

"HAHAHAHA!" malakas nilang tawanan maliban kina Spencer at Sierra.

"Hoy! Ekayu tutula! Ena buri ing tutula!" sinaway ni Spencer ang mga kaibigan. Sinabi niyang 'wag silang tumawa dahil ayaw ni Sierra ang tumatawa.

"Makanta ba?" tanong ng isa na tumigil na sa pagtawa. Sabay-sabay silang huminto sa pagtawa. Gano'n ba? Iyan ang tanong nila.

"Wa," sagot naman ni Spencer na um-oo at tumango.

"Bakit?" tanong muli ng isa sa mga kaibigan ni Spencer.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon