Sapphira's POV
Usok dito, usok doon. Ingay dito, ingay doon. Sayaw dito, sayaw doon.
"Hell let's partyyyy!" malakas kong sigaw kina Haisley at Amberleigh.
"What are we doing here? I thought we're going to have a party at your house?" maarteng tanong ni Amberleigh.
"Amber, whether in a house or in a bar, magpaparty pa rin tayo. So don't be a 'maarte'. Have some fun!" anunsyo ko sa kanila at hinila sila sa dancefloor.
I know that Haisley and Amberleigh hates this place. But, wala na silang magagawa dahil nandito na kami.
" Sapphira, let's go! Your dad is in the house na! "Haisley shouted.
" Hais, don't be so O.A. Dad can wait. "I said at inirapan siya." And you know, if you and Amberleigh wants to go home, then go home. Iwan niyo nalang ako here. "nakapamewang na sabi ko sa kanila pero nakataas-kilay nila akong tinignan.
" Sapphira, we can't leave you alone. Malay ba naming magsasayaw ka diyaan ng may kasama na hindi mo kilala! "Ayan na naman si Amberleigh. Nagiging nanay ko na naman.
" Okay okay! "pagsuko ko at dinampot na ang bag ko.
" Hay nako Sapphira. Hindi na talaga ako maniniwala sayo kapag niyaya mo pa ulit kami. "Haisley said while driving.
" You know Hais, I'm just having fun. What's wrong with that? "inis kong usal at tumingin sa bintana.
" Wala'ng mali doon Sap. But, gabi-gabi sa party? Hell, why don't you try to build your own bar? Kargo ka pa namin kung sakaling may mangyari sayo. "concern niyang sabi.
" That's a great idea. "pag-agree ko at nakita ko namang umikot ang eyeballs niya.
" Don't you know the word 'sarcasm"? My goodness Sapphira. ".
Pagdating sa harapan ng bahay, hindi na nila ako inihatid. Ayoko din kasi. Mukha akong bata kapag ganun.
Pagpasok ko sa bahay, si Dad at ang feelingera niyang babae ang nadatnan ko.
" Where have you been Sapphira?! Ang sabi ni Ms. Castaño ay hindi ka na naman pumasok?!" sigaw ni Dad ngunit isinawalang bahala ko nalang at akmang maglalakad paakyat sa kwarto ko nang biglang magsalita ang palakang babae na 'to.
"Sapphira, give some respect." She said. I faced her and raised my eyebrow.
"So feeling mo, nakatataas ka na dahil sa pa-english english mo? And, huwag ka ngang sumali. Kapag usapan namin ng Dad ko, usapan namin yun. You're not belong." mataray kong sagot at nakita ko namang pumula ang mukha nya. Sige magalit ka lang.
"Sapphira! I'm asking you! Saan ka nanggaling?!" Dad shouted kaya naibaling ko ang paningin sa kaniya.
"Mom's womb." I answered at tumingin kay Katalene. Ipapamukha ko sayo na hindi mo ako makukuha. I only have my Mom. My one and only Mom. Kabit ka lang.
"What the----Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo!?" sigaw ni Dad at lumipat ang tingin ko sa kaniya. Here we go again. "Balak mo bang sirain ang buhay mo at magpupunta nalang sa Bar kada gabi?! Sapphira you're already grown up! Umarte ka naman ng base sa edad mo!"
Bigay na bigay ang pagsigaw niya. Hindi ba mapuputol ang litid niya kasisigaw sa akin? He's always like that. Kapag gabi.
" Dad, I'm just living my life. So what's wrong with that? "inis kong tanong." And besides, hindi ko naman kayo pinapakialaman niyang babae mo, so why do you care?"
" Sapphira, call her Tita! And I care because I'm your Dad! Ano'ng gusto mong isipin sayo ng mga tao?! Na wala kang pinag-aralan at puro pagbubulakbol lang dahil sa mayaman ka?! Gusto mo bang isipin nila na ganiyan ka nalang at malandi ha?! "He shouted with anger.
Natahimik naman ako at ikinalma ang sarili ko. Ang sakit ng sinabi ni Dad. Na kahit hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay.
Lahat ng sinabi niya ay tumagos sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito magsalita sa akin si Dad. Simula nang mamatay si Mom, ganiyan na siya magsalita.
"P-paano niyo nasasabi yan sa sarili niyong anak?" napapapikit na tanong ko.
"Sapphira I'm just waking you! Hindi porke anak kita ay hahayaan na kitang sirain ang buhay mo!"
"Sabagay."usal ko at pagak na tumawa." Sabagay, ganiyan na pala kayo dati sa akin. Masakit kayo magsalita at palaging ako ang nakikita niyo sa mga mali. Kailan pa ba ako naging tama hindi ba? Ni kahit nga yata sarili ko ay mali na nabuhay. "litanya ko at dire-diretsyong umakyat sa kwarto.
Pagsara ko ng pinto, lumapit ako sa salamin.
" Paano ko ba maibabalik yung dating ako? "tanong ko sa sarili na siyang dahilan ng pagbagsak ng luha ko." Bakit ang sama ng tingin sa akin ng mga tao na sa katunayan ay wala namang ambag sa buhay ko? "
Tanggap ko. Tanggap ko na malandi ako sa paningin nila. Na wala akong kwenta. Na masamang anak ako. Na brat ako. Na party-goer ako. Wala na din naman akong magagawa. Yun ang tingin nila sa akin.
Masakit syempre. Yung gigising ka na ikaw ang pinag-uusapan ng lahat. Na kahit ang pamilya mo, isinusuka ka na.
Sana nandito pa rin si Mommy. Sa lahat ng nangyayari sa akin, siya lang ang kasabihan na "You are closest to your mother's heart."
Palagi niyang sinasabi na "It's okay Sapphira. Huwag mo nalang pakinggan ang sinasabi ng iba sa iyo. Hindi nila alam ang buong istorya kaya ganiyan sila manghusga. Ang mahalaga, mas kilala mo ang sarili mo."
Malaki ang galit ko kay Dad dahil simula nang mamatay si Mommy, naging busy siya sa paghahanap ng ipapalit kay Mommy. Ni hindi man niya itinanong sa akin kung gusto ko ba.
At ayoko yun. Walang papalit sa totoong nanay ko.
Yang si Katalene? Puro panlalandi lang naman ang alam niyan. If I know, gold digger siya.
Isang araw nga, nakita ko sa Mall na may kasama siyang lalaki. Grabe kung makahaplos. Sinabi ko kay Dad ang nakita ko pero alam niyo ang sinabi niya sa akin?
"Sapphira stop creating a story! Your tita can't do that to me! And please, kung hindi mo kayang tanggapin ang Tita mo bilang bago mong Mommy, tanggapin mo man lang siya bilang tao! You're so disrespectful!"
See? Hinding-hindi siya maniniwala sa akin. Napaikot nalang nga ang mga mata ko nang sabihin niyang tanggapin ko ang babae na yun.
Bakit ko siya tatanggapin bilang tao? Hindi ba pwedeng bilang aso nalang? My gosh! Nasisira na naman ang pagka-maattitude ko dahil sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Fiksi RemajaMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED