Sapphira's POV
"So may kasama ba siya?" tanong ko. Tapos na kaming kumain at maghugas kaya nandito kami sa sofa.
"Nung isang beses, nakita ko na kasama niya yung boyfriend niya. Si Kade?" usal niya.
"Si Kade? Eh bakit naman siya iiyak sa harap ni Kade?"
"I don't know. Why don't you ask her?"
"It's not that easy. Siguro yun ang break up nila. Kasi naalala ko nun, niyaya kami ni Haisley na mag-bar. Tapos sinabi niya na break na sila ni Kade." nagtatakang sabi ko.
"Baka 'yun nga 'yon. But, soft-hearted ang kaibigan mo na 'yun. Nakita ko kasi siya noon sa University, parang kinakausap siya ni Eloise. Then, hindi lang siya nagsasalita at panay nalang ang sorry."paliwanag niya.
So lahat ng mga 'to ay hindi sinabi sa amin ni Haisley. Kung hindi lang ikinuwento ni Theoden ay hindi niya iisiping banggitin iyon.
" Eh bakit ngayon mo lang sinabi?! "naiinis kong tanong. Matagal na pala niyang napapansin, hindi man lang niya sinabi sa akin.
" Hindi ka naman nagtatanong eh. "asik niya." But, on the other side, napapansin kong malayong-malayo ang ugali niya doon kay Amberleigh. Si Amberleigh, mukhang tirador ng lalaki. "napapaisip na aniya kaya natawa ako.
" Anong mukha? Talagang tirador ng lalaki 'yun 'no! "natatawang saad ko.
Pagkatapos ng usapan namin ni Theoden, sabay na kaming natulog.
" May appointment ba ako ngayon? "tanong niya at tinignan ko naman ang folder.
Maaga kaming nakarating sa kumpanya ngayon. Nakakahiya kaya kung late kami.
" Mamaya, may meeting ka with the CEO of Heckson Hardware. 2:30 pm at the ***Café. "pagbasa ko.
" May susunod pa ba? "
" Meeting with the FLY TEAM for the Kid's Organization. 11:30 am. "
Napatingin naman ako sa wall clock at nakita na alas onse na.
" It's already 11, Sir. "paalala ko at lumapit sa akin.
Tumayo ako at inayos ang necktie niya.
" Let's go? "yaya ko at dinampot ang mga folders.
Pagdating namin doon, may mga ibang members na galing sa Team.
Ang FLY TEAM kasi ang humahawak ng mga Kid's Organization. Sila ang mga nagmamanage sa limang ampunan. Ang aim kasi ng Team na ito ay mabigyan ng sapat na pangangailangan ang mga bata na pinagkaitan ng swerte sa buhay.
Pagdating ng lahat, nagsimula na ang meeting. Ako naman ay nakikinig lang at paminsan-minsan ay may itina-type sa laptop na konektado sa meeting para kung sakali ay may copy ako ng mga pinag-meeting-an namin.
Dalawa't kalahating oras ang itinagal ng meeting at may trenta minutos pa si Theoden para sa next meeting niya.
"Kumain ka muna kaya." yaya ko dahil kanina pa sya hindi kumakain.
"Sa Café nalang ako kakain. Mauna na kaya tayo doon?"
"Masyado kang early bird. Pero kung nagugutom ka na talaga, sige mauna na tayo doon."
Pagdating namin sa Café, inihatid kami ng waiter sa reserved seat na pinareserve ni Mr. Heckson.
Ilang saglit pa ng paghihintay ay dumating na si Mr. Heckson. Naalala ko. Siya nga pala ang papa ni Claude. Kaya pala familiar siya sa akin.
Nagmeeting lang sila ng kung ano-ano habang kumakain. Malaking tulong ang Heckson Hardware para sa kumpanya nina Theoden dahil dito sila kumukuha ng mga ginagamit sa pagpapatayo ng iba't ibang buildings na sakop ng Mercada's Group.
Pagkatapos ng meeting na 'yon, napagpasyahan namin ni Theoden na dumiretsyo na ng uwi. Paniguradong pagod at antok siya dahil sa mga meetings. Ikaw ba naman tumutok sa screen ng dalawa at kalahating oras at saka makipag-usap ng walang tigil sa isang CEO, eh hindi ka ba aantukin?
Pagdating sa condo ay humiga nalang siya sa kama at hindi na inintindi ang suot.
Dahil sa may natitirang oras pa naman ay tinapos ko na sa condo ang mga reports at humingi ng mga updates sa mga upcoming events and meetings na dadaluhan ni Theoden.
Masyado palang marami ang tina-trabaho kapag sekretarya ka. Hindi tulad ng sa classroom noong elementarya, kapag sekretarya ka, taga-sulat ka lang ng nag-iingay.
Hindi ko alam kung natapos ko ba ang ginagawa ngunit nakatulog na pala ako.
Paggising ko ay sobrang dilim na at nakahiga na ako sa sofa.
"Matulog ka muna diyaan. Bukas mo na tapusin 'yan." rinig kong usal ni Theoden mula sa kusina.
Naglakad ako papunta doon at kumuha ng tubig.
"Masyadong marami ang mga meetings mo." reklamo ko at uminom ng tubig.
"Syempre. Ewan ko ba kay Papa. Masyadong maraming kasosyo sa trabaho kaya ganoon nalang karami ang trabaho ko. Hindi ko naman masisisi dahil ako lang ang mapagkakatiwalaan niya sa ganito. Masyado pang bata si Thezia." paliwanag niya.
Nakakastress.
Bumalik ako sa sofa at tinapos ang ginagawa ko.
" Kumain na tayo. "yaya niya kaya itinigil ko muna ulit ang ginagawa at naglakad na papunta sa kusina.
Nagluto pala siya ng sinigang.
" Bakit hindi ka nalang nag-chef? "tanong ko at sumandok ng kanin.
" Wala sa plano ko ang pagche-chef. "sagot niya.
" Eh? Sayang naman. Ang sasarap pa naman ng mga luto mo. "papuri ko at nagsimulang kumain.
" Ayokong maging chef ng ibang tao. Gusto ko, ikaw lang ang pinapakain ko sa mga luto ko. "Nakangiting aniya.
"Weh? Talaga lang ah?" natatawang tanong ko at tumawa naman siya.
Habang nakahiga ay nararamdaman kong naglilikot si Theoden. Kaya dahil sa inis ay napabaling ako sa kaniya.
Naabutan kong hinihilot niya ang likod niya at ang sentido niya.
"Umupo ka." utos ko at umupo naman siya.
Sinimulan ko siyang hilutin sa likod at mukhang nagustuhan naman niya ito.
"Nakakapagod." inaantok na aniya.
Kinuha ko ang kamay niya at pinisil-pisil ang gitna ng hintuturo niya at ng thumb niya. Paniguradong masakit ang ulo nito.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Roman pour AdolescentsMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED