Sapphira's POV
"Ayusin mo nga yang damit mo." utos niya habang nasa harapan kami ng pintuan ng bahay nila.
"Eh ano bang mali dito?! Kanina ka pa ah!" inis kong sambit at itinaas ng kaunti ang off-shoulder ko.
"Bakit ba kasi yan pa ang sinuot mo?! Kita mo oh! Litaw na ang balikat mo!" kumot-noong aniya at inis naman akong tumingin.
"Kaya nga off-shoulder 'di ba?! May nakita ka bang off-shoulder na covered ang buong balikat?!" sigaw ko at tinakpan niya ang bibig ko.
"Masyado kang bungangera. Tara na nga." yaya niya at inakbayan ako.
Pagpasok namin ay isang bata ang sumalubong sa amin.
"May anak ka?" bulong ko.
"Hell wala! Kapatid ko yan." aniya at tumingin doon sa bata. Kaagad naman itong tumakbo papunta kay Theoden at nagpabuhat.
"Where's Papa?" tanong ni Theoden.
"Nasa dining area po." magalang na sabi ng bata.
"Thezia, this is Ate Sapphira. My girlfriend." pakilala niya sa akin at nakangiti naman akong kumaway.
"Hello! I'm Ate Sapphira." Nakangiting pakilala ko.
"Hello po! I'm Thezia!" masayang bati niya at sabay-sabay kaming naglakad sa dining area nila.
Doon ay naabutan ko ang isang babae na may medyo katandaan pero sobrang ganda pa rin. At sa gitna naman ay ang isang lalaki na kaedad nito. Mukhang sila ang magulang ni Theoden.
" Hello!" masayang bati ni Theoden at sabay naman silang tumingin sa amin.
"Oh nandito na pala kayo. Umupo na kayo." Nakangiting yaya niya at binulungan ang mga yaya nila.
Hinawakan ni Theoden ang kamay ko at hinila ako papalapit doon.
"Mom, Papa, this is Sapphira. My girlfriend." pakilala niya at nakangiti namang tumingin sa akin ang mga magulang niya.
Habang nakatingin ako sa Mama niya ay naaalala ko si Mommy.
"Good morning Iha. I'm Tassiana. Theoden's mom." pakilala ng Mom niya.
"And I'm Theodore. Theoden's dad." pakilala naman ng Papa niya.
"Nice to meet you po. I'm Sapphira." pakilala ko.
Inalalayan naman ako ni Theoden hanggang sa makaupo.
Puro 't' sila. 'T' clan hehehe.
"Narinig ko na sa condo ka ni Theoden umuuwi. Inaalagaan ka ba ng maayos ng anak ko?" tanong ng Mama niya habang kumakain kami.
"Ah opo. Siya nga din po ang naging chef ko eh." biro ko at narinig ko naman siyang tumawa.
"Papa, pwede mo bang ipasok si Sapphira sa kumpanya?" biglang tanong ni Theoden na ikinagulat ko.
"Hoy ano ka ba? Nakakahiya." bulong ko.
"No no iha. It's okay. Pwede ka naming ipasok sa company." Nakangiting baling ng papa nya sa akin at bigla naman akong nahiya.
"A-ah.. N-nakakahiya po.." nahihiyang sambit ko.
"Wag ka nang mahiya. Girlfriend ka ni Theoden. At saka, isipin mo nalang na kami ang mga magulang mo para hindi ka mahiya sa amin." Nakangiting sabi ng mama niya at napangiti nalang ako.
If Mom is alive, tingin ko ay matutuwa siya sa mga natatanggap ko sa mga magulang ni Theoden.
Napatingin naman ako sa kanilang lahat habang kumakain. Nagkukwentuhan sila at halatang namiss nila ang isa't isa. Siguro ay dahil na rin sa hindi na nakatira si Theoden dito.
Napangiti naman ako ng mapait. Mabuti pa sila ay kumpleto. Halatang proud na proud ang mama at papa niya sa kaniya. Sa laki ng mga ngiti nila, talagang mararamdaman mong masaya sila dahil sa nararating ng anak nila.
Ako kaya? Magiging proud pa kaya si Dad sa akin? Kung sanang nandito lang si Mommy, tingin ko ay ako na ang pinakamaswerteng anak. Pero, sa panaginip ko nalang siguro 'yon.
"Hey. Okay ka lang?" bulong ni Theoden at bumalik naman ako sa sarili.
"Y-yeah. I' m fine." nakangiting sagot ko.
"Iha, ano'ng apelyido niyo?" biglang tanong ng Papa ni Theoden.
"Alvestre po Sir."
Narinig ko naman siyang tumawa.
"Tito nalang ang itawag mo sa akin. By the way, Alvestre? Kaano-ano mo si Mr. Limuel Alvestre?"
Napatingin naman ako kay Theoden at maging siya ay mukhang walang maisasagot sa papa niya.
"T-tito ko po siya." pagsisinungaling ko.
I'm sorry. Ayokong magsinungaling. Pero ayaw ko rin na mag-iba ang tingin nila sa Dad ko kapag nalaman nila na anak niya ako. Dahil alam kong sinabi na sa kanila ni Dad na wala siyang anak.
"Ah. So pamangkin ka niya? That's good. Ang balita ko ay walang anak si Mr. Alvestre. Isa siya sa mga ka-sosyo ko sa kumpanya at talagang malaki ang naitutulong ng kumpanya ng Tito mo sa amin." nakangiting paliwanag niya.
Ngumiti nalang ako at naramdaman kong hinawakan ni Theoden ang kamay ko.
Habang busy ang mga magulang niya ay hinarap niya ako.
" Don't tell me you're still okay?"
" Ano ka ba Theoden. I'm okay, okay? Wala na din naman akong magagawa kung hindi ang maging okay nalang palagi. Sanay na ako at saka alam kong isiniwalat na ni Dad na wala siyang anak. Kaya ayos lang 'yon." nakangiti ngunit malungkot kong saad.
Sabi na eh. Mapa-trabaho man o personal, wala nang bilib sa akin si Dad.
Pagdating ng gabi, nagpaalam na kami ni Theoden.
" Mag-iingat kayo sa biyahe. Theoden, ingatan mo yang si Sapphira. "paalala ng Mommy niya at ngumiti naman ako.
" Don't worry. I'll take care of her. Mag-iingat kayo dito. "aniya at hinalikan sa noo ang mama niya." Hey Thez, huwag kang masyadong malikot dito ah? At saka kung maglalaro ay huwag sa malayo. "paalala niya sa kapatid na babae at nakangiti naman itong tumango.
Pagdating namin sa sasakyan ay natahimik na lamang ako.
" Iniisip mo pa rin ba yung kanina? "tanong niya habang nagmamaneho.
" Hindi. "pagsisinungaling ko at tumawa ng peke." Mas okay na rin 'yun. Kaysa masira pa ang image ni Dad. "saad ko.
Kahit pa lahat na ng sakit ay ibinato niya sa akin, hinding-hindi ko sisirain ang image niya. Dahil alam kong sa kumpanya nalang siya sumasaya simula nang mamatay si Mommy.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED
