Chapter 6

79 8 5
                                        

Sapphira's POV

"Guess what?" nakangiti kong tanong kina Amberleigh at Haisley. "Kasali ako sa Musical Ball!" masaya kong anunsyo.

"Wow! That's great! Kasali rin ako!" Haisley announced.

"Me too! Oh my goodness! I'm so excited! Makakasama ko si Jodan!" malanding sigaw niya.

Jodan again.

Pero, at least mas matagal kong makakasama si Theoden para sa preparation. I'm so lucky.

Habang busy ang mga kasama ko sa loob ng class, lumapit ako kay Theoden.

'Kinakabahan ka ba?' pagsulat ko sa papel.

" No." maikling sagot niya.

'Ang ikli mo naman sumagot.'

"Ano pa ba ang sagot dapat doon? No. I'm not nervous. I'm excited. Ganon ba?" tanong niya at nginusuan ko naman siya.

'You' re being sarcastic na naman. '

"Tsk."

' I thought we're friends? '

"I didn't say that. Ikaw lang ang nagsasabi nun."

' Okay. So kapag sinabi kong kaibigan kita,kaibigan na kita. Okay? '

"Bahala ka." sagot niya kaya ngumiti ako.

Hinayaan ko muna siyang magviolin. Mahirap na baka makulitan pa siya at hindi ako kausapin.

Habang short break, umupo ako sa isang bench. Masyado kasing malayo ang building nina Haisley at Amberleigh. Nakakatamad ding maglakad.

Napatingin ako sa gilid ko nang may umupo. It's Theoden.

Ang gwapo ng side view niya. Sobrang tangos ng ilong at ang ganda ng panga.

"Are you done?" tanong niya at hinarap ako.

Nagkunot-noo naman ako.

"Tapos ka na bang tignan ako?" nakangising tanong niya.

Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin.

First time kong makita na ngumisi siya. At sa akin lang.

Wala kasing ibang tao ang nakapaligid sa bench na ito. Kumbaga, mag-isa lang siya. At nasa ilalim pa ng puno.

Napahinga ako ng malalim at inangat ang tingin ko. Nakakarelax sa ilalim ng puno. Masarap pa ang simoy ng hangin.

"You know? When I was 15 years old, ni-rape ako ng hindi ko kilala." panimula ko. Hindi naman niya ako naririnig kaya iimagine ko nalang na naririnig niya ako. Para naman kahit papaano, maramdaman kong may makikinig sa akin at hindi ako huhusgahan katulad ng ginawa ni Haisley at Amberleigh." Iyak ako ng iyak that time. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Dad." I said as I reminisce all the memories.

"Natakot akong lumapit sa mga lalaki. Dahil na rin sa trauma na inabot ko. But.." I paused. I don't know if kaya kong pigilan ang luha ko. "Alam mo ba? Hindi ako pinaniwalaan ng Dad ko." I said at nilaro ang mga daliri ko. "Dahil din sa akin kaya namatay si Mommy. At simula non.." tumigil ulit ako at huminga ng malalim. "Simula non, kung ano-anong masasakit na salita na ang narinig ko galing kay Dad."

"Kaya sinabi ko sa sarili ko, wala nang tatanggap na lalaki sa akin dahil sa nangyari. Napanindigan ko ang sinabi ni Dad na malandi ako. Natutunan kong magparty, maghang out kasama ng iba't ibang lalake."

"Pero, matagal ko nang itinigil yon. Dahil sinabi ko sa sarili ko na may gusto akong patunayan. Sa lahat ng judgments na naririnig ko everyday dito sa University, hinaharap ko yun. They don't know the whole story."

"Kaya I'm so thankful na hinayaan mo akong maging kaibigan mo. It's okay kung hindi mo ako mabibigyan ng advice dahil nga sa bingi ka. But, at least, nailabas ko ang hinanakit ko." nakangiti kong sabi.

Tumingin ako sa kaniya at nakapikit naman siya.

Hindi niya narinig lahat ng sinabi ko.

Ilang minuto pa ang tinagal namin at ginising ko na siya dahil malapit nang matapos ang break.

Habang naglalakad kami, nasa likod lang ako ni Theoden.

Natigil ako sa paglalakad nang may humarang na lalaki sa harapan ko at hinawakan ang braso ko

"Hang out tonight?" yaya niya kaya inalis ko ang kamay niya sa braso ko ngunit sobrang higpit.

"I'm sure papayag sya. She's a slut."

"Yeah. No wonder. Maagang mabuntis yan."

Mga naririnig kong bulungan sa University pero pinili ko nalang na manahimik.

"Bitawan mo nga ako." utos ko sa lalaki ngunit ngumisi lang siya.

Nagtaka ako nang pumihit papaharap si Theoden sa amin.

Naririnig niya?

Bumaba ang tingin niya sa braso ko kaya naglakad siya papalapit sa amin at malakas na hinawi ang kamay nung lalaki at mabilis akong hinila papalayo doon.

Habang naglalakad, hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kamay ni Theoden na nakahawak sa akin.

Pagdating sa tapat ng classroom, hinila ko siya at tumigil naman siya sa paglalakad.

'Narinig mo? Bakit ka tumingin?'

"I didn't. Nakita ko ang mga babae sa gilid ko na nakatingin sa likuran kaya tumingin din ako. I didn't know na ikaw pala yun." paliwanag niya.

Akala ko ay narinig niya.

"Sa kanila mo din ba nakuha ang sugat mo kahapon?"

' Yeah. Sumusunod ako sayo kahapon papasok sa class.'

Tumingin pa muna siya sa akin at pumasok na sa classroom.

Sumunod nalang din ako papasok at umupo.

Habang nagpapractice, hindi ko maiwasang tumingin kay Theoden. Ngunit nagulat ako nang magtama ang paningin namin. Siya din ang unang nag-iwas.

I smell something..

Pagkatapos ng violin class, mag-isa akong naglakad sa hallway papunta sa Cafeteria. Doon ko nalang hihintayin sina Haisley. Maaga kasi kaming natapos kaya paniguradong mamaya pa sila.

"Where are you going?" biglang tanong ni Theoden sa gilid ko.

Itinuro ko naman sa di kalayuan ang cafeteria at naglakad.

"Oh okay. Take care." yun lang ang sabi niya at naglakad na paalis.

Ha? Take care? Waaahh!

Pagdating ko sa Cafeteria, nag-order lang ako ng iced tea at umupo malapit sa entrance.

To:Hais
I'm at the cafeteria.
Message Sent

To:Amberleigh
I'm at the cafeteria.
Message Sent

Habang nakaupo ako at naghihintay, naalala ko na naman ang mga actions ni Theoden kanina.

Nagsisimula na ba siyang magkagusto sa akin?

I don't know why am I doing this. Basta ang gusto ko ay maging kaibigan siya.

-------------------------
Ipaalala ko lang. Hindi nagsasalita si Sapphira kapag nasa harap ni Theoden. Ang mga sinusulat ko na sinasabi niya ay parang ina-act niya or isinusulat sa paper. Okay?







Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon