Chapter 14

62 6 4
                                    

Sapphira's POV

Dumating ang araw ng third monthsary namin ni Theoden. Nandito ako ngayon sa University habang nakaupo kaming dalawa sa bench.

"I missed you." usal niya at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti naman ako at hinalikan din siya sa pisngi.

'I missed you too. So much.' pagsulat ko sa papel na dala ko.

Pagkatapos ng klase nila sa Violin, pumunta kami sa isang Mall. Kumain sa isang restaurant at nag-ikot ikot sa Mall.

"Tumalikod ka." aniya kaya sinunod ko naman. Nandito kami sa isang burol na kitang-kita ang city lights. Mas magandang mag-sight seeing dito lalo na't gabi.

Nakaramdam ako ng isang malamig na bagay sa leeg ko at nang tignan ay isa iyong kwintas. Violin ang pendant.

Hinarap ko siya at masayang niyakap.

This is the best gift ever!

Pagkalas ng yakap namin, ipinakita niya sa akin ang kwintas niya na    

"You're the instrument. At ako na ang bahala na tugtugin ka. As long as you're mine." usal niya at hinalikan ako sa labi.

Sa gabi'ng ito, sa pagkakataong ito, ngayon ko lang ulit naramdaman ang tunay na saya at tunay na pagmamahal.

"I love you."

'I love you too.' I mouthed at niyakap ulit siya.

Pag-uwi ko sa bahay, ngingiti-ngiti lang ako habang pinagmamasdan sa salamin ang binigay ni Theoden.

Itinabi ko muna ito sa lalagyan ko ng mga alahas at humiga sa kama.

To:Theoden
Thank you :). Na-appreciate ko lahat! I love you!
Message Sent

From:Theoden
Basta para sa'yo:).

Oo na. Kinikilig na ako!

KINABUKASAN

"Oh, buti nandito ka?" tanong ko sa kakapasok lang na si Claude.

"May aasikasuhin kasi si Daddy dito kaya I decided to visit you." aniya at inilapag ang dalawang kape sa table ko. "Mukhang busy ah? Ilang buwan ka pa lang dito, ganiyan na karami ang trabaho mo?" turo niya sa mga papel na nasa lamesa ko.

"Huwag mong intindihin. Mga basura ang iba diyan." sabi ko at tumawa.

Umupo naman siya sa sofa at nagpandekwatro.

"Balak mo lang tumambay dito?" taas-kilay kong tanong.

"Wala naman akong ibang gagawin eh."

Habang nagtatrabaho ako, puro pag-iikot lang ang ginagawa niya sa office. Kung ano-ano ang napapansin kaya hindi ako masyadong makapagfocus sa trabaho ko.

"May mga kaibigan ka?" tanong niya at kinuha ang isang frame na nasa lamesa ko.

"Syempre naman 'no! Si Amberleigh ang nasa kanan at si Haisley naman ang nasa gitna." pagpapakilala ko at napansin ko namang parang natigilan sya habang nakatitig sa frame. Ngunit hindi niya pinahalata at tumikhim.

"Magaganda sila ah." usal niya. "Pero mas maganda ka." aniya at ibinalik ang frame.

"Syempre! Mas maganda talaga ako." papuri ko sa sarili.

Akmang magsasalita pa siya nang biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Excuse me."

Lumayo ako ng kaunti at sinagot ang tawag ni Haisley.

"What? Wala ba kayong ginagawa ngayon?" kaagad kong tanong.

"Sapp may kailangan kang malaman!" parang nagpapanic na hindi maintindihang aniya.

"Ano?"

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"Oh my goodness!" rinig kong sigaw ni Amberleigh sa kabilang linya.

"Ano ba!? Hais, ano bang nangyayari?!" hindi ko na napigilang sumigaw.

"Nakita namin si Theoden!" Haisley shouted.

"Malamang na makikita niyo siya dahil may mga mata kayo at nasa iisang University lang."

"Sapp, let me finish first!"

"Oh eh ano nga?! Sabihin niyo na kasi!"inis na sigaw ko.

" Hindi bingi si Theoden! "

W-what?! Nagbibiro lang ba siya?! Hindi!

" Haisley, tigilan mo nga yan."

"I'm serious Sapphira!"

"Eh paano mo naman nasabi na hindi siya bingi?!"

"May kausap siya sa phone kanina!"

No.. Hindi naman 'to totoo..

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Haisley, bumalik ako sa inuupuan ko at doon nahilot ang sentido ko.

"What's wrong? Kulang nalang ay marinig ng kabilang company ang sigaw mo." sambit ni Claude.

He's deaf.. Bingi si Theoden.. Hindi totoo ang sinasabi ni Haisley.

Dahil sa hindi ko malaman ang nararamdaman, dali-dali kong kinuha ang bag ko.

"Wait!" pigil ni Claude. "Saan ka pupunta?"

"B-basta!" tanging na isigaw ko nalang at tumakbo papunta sa parking lot.

Kailangan kong pumunta sa University. Kailangan kong malaman kung ano ang totoo.

Pagdating ko sa University, kaagad akong pumunta sa Violin Class. At nakita ko si Theoden doon. Tahimik na nagba-violin at parang walang pakialam.

Imposible ang sinasabi nina Haisley..

Tumalikod ako at agad na tinawagan sina Haisley.

"Where are you? Nandito ako sa University." pambungad ko.

"Okay okay. Hintayin mo kami sa Cafeteria." saad niya at ibinaba ang tawag.

I need to know what is going on.

"Sapp!" bigkas ni Haisley at sabay silang lumapit ni Amberleigh.

"Akala ko hindi ka na pupunta." kunot-noong sabi ni Amberleigh.

"Sapp, seryoso ako sa sinabi ko." biglang usal ni Haisley at nabaling naman ang tingin ko sa kaniya. "Nakita namin siya ni Amberleigh. Doon sa tagong garden sa likod." paliwanag niya.

"Hais, kung hindi bingi si Theoden, sasabihin niya sa akin 'yon. Nagcelebrate kami ng third monthsary namin at talagang bingi siya." paliwanag ko at nahilot ulit ang sentido.

"Sapp, look. Hindi sa sinisiraan namin si Theoden sa iyo. Ang gusto lang namin, malaman mo ang totoo. Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong sa kaniya?" inis na sabi ni Amberleigh.

"Haisley, Amberleigh, marami pa akong tatapusing trabaho. Hindi ko kailangan ng jokes ngayon. Kaya please, tumigil na kayo." kunot-noong sambit ko.

Nagkatinginan naman sila at sabay bumuntong-hininga.

Akmang aalis na ako nang bigla nila akong pigilan.

" You want the truth? "tanong ni Amberleigh at nagpipindot sa cellphone niya.

Doon na nagsimulang gumulo ang nasa isip ko.

Si Theoden ang nasa litrato habang hawak ang cellphone niya na nakatapat sa tainga at parang may kinakausap.





Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon