Sapphira's POV
Kumuha na ako ng damit at naligo na.Bahala siya kung ayaw pa niyang tumayo. Pinagseselosan niya talaga si Claude hanggang ngayon. Akala mo naman ay maaagaw ako ni Claude sa kaniya.
Pagkatapos kong maligo ay nagtabing ako ng baththrobe at lumabas.
Naabutan kong nakashort na siya ngunit wala pa ring damit pang-itaas.
"Maligo ka na nga doon! Ang baho mo na." reklamo ko at dumiretsyo sa kama. "Hindi pa tayo kumakain. Nagugutom na ako." nakangusong sabi ko.
"Oo na. Sandali lang. Antayin mo akong matapos maligo. Palagi ka nalang gutom." pagrereklamo nito.
"Eh ano bang masama? Kaysa naman hindi ako kumain. Edi nagutom ako. Mas kawawa ka kapag ganun. Madami kang iluluto para sa akin kung nagkaganon."
Tinaasan naman niya ako ng kilay at.
"Ang sabihin mo, patay gutom kang talaga." pang-aasar niya.
Diyos ko po. Bakit ganito ang boyfriend ko?
"Tumigil ka na. Ipagluto mo nalang ako pagkatapos mong maligo." utos ko at lumabas.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa sala at nanood ng tv.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa likuran ko.
"Kahit ano nalang."
Narinig ko naman ang kalansing ng kawali. Kaya habang nagluluto si Theoden ay tinawagan ko pa muna sina Haisley.
"Hello." Bati niya.
"Hello. Kamusta? Nakauwi kayo ng maayos?" tanong ko.
"Yeah. Lasing na lasing kayong dalawa ni Amberleigh kaya ako pa tuloy ang napagsabihan ni Yaya Deya dahil hinayaan kong malasing si Ambs." natatawang aniya.
"Nagpakalasing pa kasi ang gaga. Alam naman niya na magagalit si Yaya Deya sa kaniya." napapailing kong sabi. "Oh ikaw? Kamusta?"
"Ayos lang naman. Buti nga at wala si Mommy pag-uwi ko sa bahay. Kung naabutan niya akong late na umuwi ay giyera na naman." biro niya.
Isang katangian pa ni Haisley na palaging inaayawan namin ni Amberleigh. Palagi siyang nagpapanggap na masaya pero napapansin kong sa tono ng pananalita niya ay malungkot siya. As usual, palaging dahil sa mama niya.
" Congratulations ulit doon sa boutique na ipapatayo mo. Pag naipatayo, kami agad ang una mong papuntahin doon ah." nakangiting saad ko.
"Syempre naman. Pero hindi libre ah." biro niya rin at tumawa.
"Aish! Oo na sige! Good luck sa business girl." nakangiting sambit ko.
"Thank you! Oh sige na ba-bye na. Mukhang tinatawag ako ni Mommy eh." paalam niya.
"Okay. Bye!" paalam ko rin at ibinaba na niya ang tawag.
Baliktad kami ng sitwasyon ni Haisley. Ang mama niya ang may galit sa kaniya samantalang ako, si Dad. Lumaki kasi si Haisley na walang kinikilalang Papa dahil simula pa lang daw noong bata siya ay hindi binabanggit sa kaniya 'yun ni Tita.
Naaawa ako sa babae na 'yun. Naalala ko pa dati noong high school, papasok siya sa University na may mga pasa sa braso. Oh di kaya naman ay may bandage na sa ulo.
Hindi ko alam pero nong mga oras na 'yun, kinukulit ko si Mommy na ampunin nalang si Haisley pero sinasabi niya na may Mommy si Haisley at dapat lang na siya ang mag-alaga kay Haisley.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Tita 'yun kay Haisley. Ni minsan nga ay hindi pa kami nakapunta kina Haisley. Kahit hakbang ng mga anino namin ay hindi pa nakakatungtong doon.
Masyadong mahigpit ang Mama ni Haisley. Siguro ay dahil nag-iisang anak niya lang si Haisley at babae pa ito. Pero sobra naman ang pagiging protective niya. Hindi ko nga alam kung paano napapayag ni Kade ang mama ni Haisley para lang maging sila. Paniguradong nahirapan si Kade noong mga panahon na 'yun.
"Hon let's eat!" pagtawag ni Theoden kaya pumunta na ako sa kusina. "Sino'ng kausap mo?" tanong niya habang naghahapag ng pagkain.
"Si Haisley lang." sagot ko at umupo na siya sa harapan ko.
"Alam mo? Yang Haisley na kaibigan mo, palagi kong nakikita na umiiyak sa tagong garden. Kung saan mo ako kinukulit dati." panimula niya kaya naman nabaling sa kaniya ang paningin ko.
"Ilang beses?"
"I think, 4 times? 4 or 6."sagot niya.
Ano namang iiyakan ni Haisley? Si Kade? Oh si Tita?
" May iba ba siyang kasama kapag umiiyak siya? "
" Bakit? Kailangan ba ay groupings? "kunot-noong tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay kasama ba niya si Amberleigh?"
"Bakit kailangan pa ng accompaniment ni Amberleigh? Required ba talaga na kapag umiyak ay may kasama?" tanong niya. Sinisimulan na naman niya akong asarin.
"Gusto mong matulog sa sofa?!" inis kong tanong.
"Nagbibiro lang." nakangusong aniya.

BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Fiksi RemajaMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED