Sapphira's POV
Napagpasyahan namin ni Theoden na saka nalang ikasal kapag nanganak na ako.
9 months na ako ngayon. Kinakabahan na ako at maging si Theoden.
Hanggang ngayon ay nandito kami sa bahay namin. Kumakain ako sa sofa habang si Theoden ay nagluluto.
Nabitawan ko ang kinakain nang maramdaman na parang sumasakit ang tiyan ko.
"T-theoden!" sigaw ko at napahawak sa tiyan.
Narinig ko naman na tumakbo siya at nilapitan ako.
"A-ang sakit ng tiyan ko!" namimilipit kong sigaw kaya binuhat na niya ako papunta sa kotse at nagmaneho.
Theoden's POV
Nagpalakad-lakad nalang ako sa tapat ng delivery room. Kinakabahan ako.
Nabaling ang tingin ko nang marinig ang sigaw ni Dad.
"Nasaan si Sapphira?" nag-aalalang tanong niya at binitawan sa upuan ang mga gamit ng bata.
"Nasa loob----" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang marinig ang iyak ng isang bata. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung maghihintay ako dito o papasok na ako sa loob.
Ilang saglit pa ay pinapasok na kami ng nurse dahil nalinisan na ang bata. Doon ay nakita ko si Sapphira habang nasa dibdib niya ang anak namin.
Hindi ko na napigilan na maluha habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tatay na ako... Magulang na kami..
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila at pagod akong nginitian ni Sapphira.
"Thank you." bulong ko sa tainga niya at hinalikan siya.
Inalalayan naman ako ng nurse para mabuhat ang anak ko.
Sobrang gwapo niya kahit bata pa lang. Paniguradong masasapawan ako nito sa kagwapuhan paglaki.
Iniharap ko kay Sapphira ang anak namin at natuwa naman siya.
At sa unang pagkakataon, nakita kong ngumiti ang anak ko habang nakapikit.
Ang sarap sa pakiramdam na may sarili na akong pamilya. Yung may matatawag na akong asawa at anak.
Kinuha din ang anak namin dahil ilalagay pa siya sa isang kwarto na puro mga bata din.
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Sapphira. Mukhang nahirapan siya sa pagpapalabas sa anak namin kaya natutulog siya ngayon.
Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalik-halikan ito.
Paggising ni Sapphira, ako ang nagtutulak sa wheelchair niya. Papunta kami ngayon sa anak namin.
"Hey Cayden." nakangiting usal ni Sapphira habang nakatingin sa anak namin.
Sa pagkakataong ito, wala na akong mahihiling pa. Kumpleto na ako kung tutuusin.
Nang sabihin ng doktor na pwede na kaming umuwi, inayos ko na ang mga gamit at ako na rin ang nagdala. Buhat buhat ni Sapphira si Cayden habang ako naman ang nagtutulak sa wheelchair niya. Wala na si Dad ngayon dahil may urgent meeting siya.
Pagdating sa bahay, pinagpahinga ko muna si Sapphira. Buhat buhat ko si Cayden ngayon habang pinapatulog siya.
Namana niya talaga ang kagwapuhan sa akin. Ang mga mata ay nanggaling sa akin habang ang labi at ilong ay nagmana kay Sapphira. Kahit ang pisngi nito ay hindi nagpatalo at mas hinigitan ang taba ng pisngi ng ina.
Pagkatapos ayusin ng mga katulong ang crib ay inihiga ko na si Cayden doon at tahimik naman siyang natulog.
Lumapit ako kay Sapphira at inayos ang kumot niya. Paniguradong kailangan niyang bawiin ang tulog niya dahil sa pagod.
Nakapagpagawa na rin ako ng bahay at nakaplano na ang kasal namin ni Sapphira sa susunod na buwan. Pero kahit hindi pa kami kasal, itinuturing ko na siyang asawa dahil binigyan niya ako ng regalo na sobrang ikinatuwa ko.
Pero sabagay, may ambag din pala ang sperm ko doon. Kaya parang nagbigay ako ng pera para bilhan ako ng regalo.
Natawa nalang ako sa sariling naisip at ako na ang nagluto para kapag nagising si Sapphira ay may makain siya.
Pagkatapos kong magluto ay bigla namang may tumawag sa akin.
"Remember me?" rinig kong saad ng nasa kabilang linya. Hindi ako magkakamali.. Si Eloise ito.
"Ano na namang kailangan mo Eloise?" pinilit kong kumalma at lumabas sa garden.
"I heard nanganak na si Sapphira? Gwapo ba ang kinalabasan? Kasing gwapo mo ba? Gusto ko siyang makita." aniya at narinig ko itong tumawa. "Poor Theoden, hindi mo namalayan na sa simoleng paglingat mo, wala na ang anak mo." aniya at tumawa ng malakas.
Hindi ko na inalintana ang kinabagsakan ng cellphone ko at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto.
Ngunit ganoon nalang ang galit na naramdaman ko nang makita si Sapphira na naiiyak na kakahanap kay Cayden.
" Anong nangyari?!" kinakabahan kong tanong at nilapitan siya.
"S-si Cayden nawawala! Nagising ako para s-sana i breast feed siya pero w-wala na siya sa crib.." aniya at nagsimulang umiyak.
Hinila ko siya at pinatahan.
"Hahanapin ko si Cayden, okay?" pagpapagaan ko sa nararamdaman niya at nagpaalam muna na aalis.
Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Eloise.
"Walang hiya ka Eloise! Saan mo dinala ang anak ko?! Mapapatay kita kapag may nangyaring masama sa kaniya!" sigaw ko ngunit tawa lang ang narinig ko mula sa kaniya.
"Gusto mong makita ang anak mo? Simple lang. Puntahan mo ang address na isesend ko. Pero wag kang magdadala ng ibang tao. Pagkatapos ay pwede mo nang kuhanin ang anak mo." aniya at pinatay ang tawag.
Naibato ko nalang ang cellphone ko at napasigaw sa inis.
Pagkatapos niyang isend sa akin ang message ay kaagad kong ifinorward ito kay Sapphira at nagmaneho na ako papunta sa sinasabi niya.
Hintayin mong makarating ako Eloise, mawawalan ka nang hininga kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Fiksi RemajaMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED
