Sapphira's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto habang nagbibihis. Ngayon kami papasok ni Theoden sa kumpanya.
Napatingin ako sa sarili. Naramdaman ko ulit ang pakiramdam na 'to. Sobrang saya.
"Hey?" pagkatok ni Theoden sa pinto kaya pinagbuksan ko siya. "Are you done?" tanong niya at tumango ako.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas sa kwarto.
Paniguradong namumula na ang pisngi ko dahil sa uncomfortable feeling na nararamdaman ko.
"Ano'ng nasa isip mo? Bakit namumula ka?" kunot-noong tanong ni Theoden habang papunta kami sa kotse.
Kaagad ko namang hinawakan ang pisngi ko at umiling.
"Don't tell me..." tila nang-aasar na tugon ni Theoden kaya pinalo ko siya.
"Tumigil ka nga!" sigaw ko at tumawa naman siya.
Tumigil siya sa paglalakad at lumapit sa akin.
"Why?" tumatawa pa ring aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin at naunang maglakad.
Pagdating namin sa kumpanya nila, pinuntahan muna namin ang Papa nya.
"Good morning Papa." bati ni Theoden at yumakap sa Papa niya.
"Good morning po Tito." Nakangiting bati ko at nagmano.
"Oh, masyado kayong maaga ah? Sapphira, ready ka na ba sa trabaho mo?" nakangiting tanong sa akin ni Tito kaya naman tumango ako.
Akalain mo nga naman sekretarya ako ng mismong boyfriend ko?
Iyon kasi ang hiniling niya sa Papa nya para naman daw kahit papaano ay nakikita niya ako.
Pagdating naming dalawa sa opisina niya ay ngingisi-ngisi siyang umupo sa swivel chair niya.
"Ano na namang nginingisi-ngisi mo diyan ha?!" sigaw ko at tumingin naman siya sa akin.
"Bawal bang ngumisi?" nakangisi niyang pang-aasar sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at umupo sa sofa.
Ilang saglit pa ay napansin kong may mga taong pumapasok dito. Nagbubuhat pala sila ng lamesa at ipinuwesto iyon sa kabilang dula ng opisina kung saan katapat ito ni Theoden.
"Diyaan ang table mo." turo niya.
"Ano?! Akala ko ay sa labas ako? Ganon ang mga secretary hindi ba?" nagtatakang tanong ko.
"Well, sa akin hindi. Gusto ko nakikita kita. Malay ko bang tumakas ka at makipagkita kay Cod." nakangiwing aniya.
"Claude nga kasi Theoden." napapairap kong saad.
"I don't care." aniya at tumingin sa mga tao na nagbubuhat ng mga gamit.
Ilang saglit pa ay natapos na sila sa pag-aayos.
"Thank you." Nakangiting sabi ko sa mga lalaking nagbuhat sa lamesa.
"You're welcome Mam. Ang ganda niyo po." pagpuri sa akin nung pinakabata sa kanila.
"Nakaprint na ba ang resignation letter mo?" biglang singit ni Theoden at kita ko namang namutla ang lalaki.
"Theoden ano ka ba!" pagsaway ko at hinarap ang mga lalaki. "Nagbibiro lang siya. Pwede na kayong umalis." Nakangiting sabi ko at mabilis silang lumabas ng opisina.
Pagharap ko kay Theoden ay masama ang tingin niya sa akin.
"Sinasamaan mo na ako ng tingin ngayon?!" naghahamon kong tanong at ngumuso naman siya.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at hinawakan ang bewang ko.
"Naalala mo ba yung mga sinabi mo kagabi?" nakangising tanong niya kaya tinampal ko ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko.
"Tumigil ka nga! Ayan ka na naman! Trabaho ang ipinunta natin dito. Wag kang malandi." saway ko.
"Nagtatanong lang eh." nakangusong aniya kaya inilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya.
"Wag ka nang magtanong." inis kong sabi at umupo sa lamesa ko.
Siya naman ay sumunod sa akin.
"May table ka 'di ba?" inis kong saad ngunit umupo siya sa mismong table ko.
"What do you feel?" nakangising tanong niya sa akin.
"Tigilan mo ako Theoden." saad ko gamit ang nagbabantang tinig.
"Why? Ikaw ang nagsimula. May pa kanta - kanta ka pa na" Mommy finger Mommy finger where are you? '"panggagaya niya sa akin.
" Shut up! "sigaw ko ngunit tumawa lang siya." Titigilan mo ako o gusto mong sa sofa ka matulog mamaya? "banta ko at natigilan naman siya.
" Okay okay. Sabi ko nga pupunta na ako sa lamesa. "pagsuko niya at bumalik sa table niya." Hey! Do you hear me?! "pagsigaw niya.
" Theoden, tigilan mo nga ang kasisigaw mo. Hindi naman masyadong malaki 'to para hindi tayo magkaintindihan. "suway ko. Masyado siyang maingay.
Ilang minuto lang ay tumahimik na siya at nang tignan ko ay busy na siya sa mga papel na nasa lamesa nya.
" Ms. Secretary, kuha mo nga akong coffee." Nakangising utos niya.
" Magtimpla ka. "
" Secretary kita hindi ba? Macchiato ah!" nakangising utos niya.
Tinignan ko pa muna siya ng masama bago lumabas sa opisina.
Pagdating ko sa sariling coffee shop ng kumpanya ay um-order na ako ng dalawa. Macchiato para sa kanya at Latte sa akin.
Bago pa man ako makalabas ng coffee shop ay may nahagip na ng mata ko.
Eloise?! Anong ginagawa nya dito?
Nakita kong dumiretsyo siya sa elevator at sumakay doon.
Wala pala akong pake sa kaniya.
Dumiretsyo na ako sa opisina ni Theoden at inabot ang Macchiato.
"Ayan na. Okay ka na? May ipapagawa ka pa ba?" sunod-sunod kong tanong.
"Wala na. Thank you." Nakangiting aniya ngunit inirapan ko lang sya at bumalik sa lamesa ko.
Ano naman kaya ang ginagawa ni Eloise dito? Nakakapagtaka dahil alam kong may pasok ang mga Musician sa University ngayon.
Habang busy ako sa pagbabasa sa mga reports, biglang tumawag si Haisley.
"Yes?"
"Hey girl! Labas tayo tonight?" yaya niya.
"Oh. Akala ko ba ay hindi ka pinapayagan?"
"Ano ka ba? Sige na oh. Last hang out nating tatlo bago kami magpakastress ni Amberleigh sa trabaho." aniya at narinig kong tumawa si Amberleigh sa kabilang linya.
"Trabaho? Magtatrabaho na kayo?" nagtatakang tanong ko.
"Yep! So, see you later! Sa bar tayo!" rinig kong sigaw ni Amberleigh at pinatay na nila ang tawag.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED