Chapter 8

61 7 1
                                    

Sapphira's POV

Dumating ang araw ng Musical Ball. Naka silk pink spaguetti straps lang ako at black stilettos.

"Where are you going? On a date?" bungad ni Katalene. Hays. Kelan pa ba nag-isip ng tama 'to.

"At bakit mo gustong malaman?"

"Gabing-gabi na."

"So what? May pinipili bang oras ang Musical Ball?" nakangisi kong sabi at nilagpasan siya.

Sa labas ay naghihintay na sina Amberleigh at Haisley.

Hindi pa rin makalimutan ni Haisley ang break-up nila ni Kade pero ang sabi niya ay kakalimutan niya muna daw yon ngayong gabi. Para naman hindi masira ang performance niya.

Tsk. Sa pagiging marupok ni Haisley, paniguradong bukas o sa makalawa, sila na naman ulit.

Pagdating namin sa University, madami nang tao. Ang iba ay mga nakahalter dress at ang iba ay simple lang.

Nagpaalam na ako kina Amberleigh at dumako na sa backstage.

Doon ay naabutan ko si Ms. Castaño, si Theoden at ang isa naming makakasama.

"Good evening." bati ko at dumako naman ang tingin nila sa akin.

Nailang pa ako nang tignan ako ni Theoden mula ulo hanggang paa at biglang umiwas.

Ano'ng problema nito?

"Good evening. Bagay sa iyo ang suot mo." papuri ni Ms. Castaño.

"Kayo din Ms. Uhm, tayo ba yung mauuna?" tanong ko at inabot naman niya sa akin ang isang papel.

Mauuna sina Haisley, pangalawa sina Amberleigh at panghuli kami.

Kumbaga pang-entertain lang ang gagawin namin pero darating ang mga namamahala sa University kaya kailangan ng ganito. Para naman daw maipakita na masyado kaming mahilig sa music.

Hindi ko alam kung ano ang pauso nila. Baka nagpapabida lang ganon.

Habang nakaupo sa backstage, pinapakinggan ko lang si Haisley na mag-piano.

Talagang kinalimutan niya ang break-up nila ni Kade para lang mai-perform niya ng maayos ito.

Sumunod naman ay sina Amberleigh. Kasama niya si Jodan at may isa pang babae.

Si Amberleigh ay nasa tabi ni Jodan habang tumutugtog sila. Alam kong pakana na naman ni Amberleigh ito.

Masyado ko nang kabisado ang dalawa kong kaibigan. Ang isa ay marupok habang ang isa ay para-paraan sa taong gusto niya.

Hindi ko nga alam kung papatol pa ba si Jodan kay Amberleigh. Ang pagkakakuwento kasi ni Amberleigh, mailap sa babae si Jodan at talagang ayaw niya sa mga katulad ni Amberleigh na makulit.

Pagkatapos nilang magperform, nagpatugtog pa muna ang dj ng isang masayang kanta at nagparty-party naman ang mga tao.

May dj naman, bakit kailangan pa kami dito?

"Magprepare na kayo, Kyle mauuna ka. Pangalawa si Theoden at pang huli ka Sapphira." anunsyo ni Ms. Castaño at narinig ko na ang announcement kaya lumabas na si Kyle.

Magaling din si Kyle. Halatang sanay na ring gumamit ng Violin. Kaya hindi nagsisisi si Ms. Castaño na siya ang kinuha niya.

Habang tumutugtog si Kyle, lumapit sa akin si Theoden.

"Hindi ka nilalamig?" tanong niya kaya umiling ako.

Napaatras ako nang hawakan niya ang braso ko.

"I'm sorry. I was just checking your body temperature. Mukhang nilalamig ka dahil sa suot mo." concern niyang sabi.

Akmang ibibigay na niya ang dala niyang longsleeve nang tawagin na siya.

"I'll be back." aniya at iniwan ako sa backstage.

Habang tumutugtog si Theoden, pinapakinggan ko lang siya. Tinignan ko pa ang nasa labas at nakita kong nagsasayawan na ang iba.

Pagbalik niya sa backstage ay dumiretsyo siya sa akin.

"Wag kang kabahan. Kapag may masamang nangyari, kaagad kong mapapansin yon." aniya sa akin at inabot ang palad niya. Kinuha ko nalang iyon at inalalayan ako papunta sa stage.

Paglabas ko, narinig ko pa ang bulungan ng iba.

Hindi ko alam kung magsisimula na ba ako o papakinggan ko ang judgments nila.

Ngunit napatingin ako sa likuran nang marinig na magsalita si Theoden.

"You can do it." aniya na ako lang ang gusto niyang makarinig.

Naglakad ako ng kaunti at ipinuwesto na ang violin.

Nang magsimula ako, natahimik ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila.

Ngunit natuwa nalang ako nang marinig na magsalita sila.

'She' s good. '

' Yeah. You're right. '

' I envy her. Maganda na talented pa'

'Huhu. Sapphira, let's be friends!'

Ngunit kahit natutuwa ako ay hindi ko ipinakita. Dahil alam kong eeksena na naman si Eloise.

Nang matapos na, maglalakad na sana ako paalis sa stage nang may maramdaman na bumato sa ulo ko.

Bumaba ang tingin ko sa sahig at nakita ang isang basag na itlog. At doon na nagsunod-sunod.

Hindi ko alam kung paano ko icocover ang sarili ko ngunit ganoon nalang ang gulat at pasasalamat ko nang icover ni Theoden ang longsleeve niya sa likod ko. Hinila niya ako paalis sa stage at niyakap.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumuhos na ang luha ko.

Akala ko okay na. Akala ko, tanggap na ako ng mga tao. Akala ko lang pala.

"Shh." pagpapatahan niya at naramdaman ko na lang na tinapik-tapik niya ang likuran ko.

Panay lang ang pag-iyak ko hanggang sa dumating si Haisley at si Amberleigh.

Bumitaw ako kay Theoden at pinunasan ang luha ko.

Sabay pa silang tumingin kay Theoden kaya nagpaalam muna siya na pupunta kay Ms. Castaño.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Haisley sa akin at niyakap ako.

Alam nilang pareho ang pinagdadaanan ko kaya naiintindihan nila ako.

"Kagagawan na naman ni Eloise yun!" inis na sabi ni Amberleigh.

"Amb, hindi tayo nakakasigurado." sabi ni Hais.

"I saw it! Kaya nga kaagad ko siyang pinuntahan at sinampal." inis niyang sabi at lumapit sa akin. "Don't worry. Nakatanggap sya ng mag-asawang sampal with kabit pa yon." biro niya kaya natawa ako ng konti.

Sa ganitong sitwasyon, sila ang nakakapagpagaan ng loob ko. At nadagdagan pa dahil kay Theoden.


Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon