Chapter 33

53 4 1
                                    

Sapphira's POV

Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pang nadaragdagan ang mga trabaho na dumarating. Kaya hindi ko na rin magawang sumama kina Amberleigh sa mga lakad nila. Ni hindi na rin kami nakakapagdate ni Theoden dahil sa busy nga.

Napahilot nalang ako sa sentido ko at tumingin sa folder. Tatlong meeting ang dadaluhan ni Theoden ngayon. Ang isa ay mamayang 10:30. Ang isa ay 1:30. At ang isa ay mamayang 3:30. Tapos may pupuntahan pa kaming bahay ampunan na sakop din ng FLY TEAM.

Akmang maglalakad ako papunta kay Theoden nang may pumasok na babae. May dala dala siyang folder.

Kinuha iyon ni Theoden at nakita ko namang dahan-dahang nangunot ang noo niya.

"Saan nanggaling ito?" kunot-noong tanong niya sa babae na ngayon ay halatang takot na takot.

"K-kay Mr. Mercada, Sir." natutulirong sagot nung babae at sabay pa kaming nagulat nang biglang pabagsak na ibaba ni Theoden ang folder.

"You think I'll accept this shit?!" sigaw niya at nanginginig namang kinuha nung babae ang folder.

Yumuko pa muna siya bago lumabas.

I'm the secretary. I should be the one who read it first.

Lumapit ako kay Theoden at inilapag ang mga folders.

"What's wrong?" tanong ko.

"Nothing." umiiling na aniya at binuklat ang folder.

"May problema ba?"

"I said nothing." parang nauubusan ang pasensya na aniya.

"Baka makatulong ako." nakgbabakasakaling saad ko.

"It's nothing okay?!" mataas ang boses na aniya.

First time niyang gawin sa akin ito bilang secretary niya. Sa ilang buwan kong pamamasukan dito bilang secretary niya, ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito.

"Nagtatanong lang ako kung ano ang problema, bakit nagagalit ka?" kunot-noong tanong ko.

"Sapphira walang problema, okay?! I-ready mo na ang dadalhin para sa meeting." saad niya at sinuri pa ulit ang mga folder.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pero isinawalang bahala ko na muna iyon at inayos ang mga dadalhin sa meeting.

Habang nagmemeeting, napatingin ako kay Theoden. Masyado na naman siyang seryoso. Ano kaya ang laman ng folder na iyon? Bakit ganon nalang ang reaksyon niya?

Pagkatapos ng dalawang meeting, papunta naman kami ngayon sa isang kumpanya. Doon gaganapin ang meeting. Ang huling meeting ngayong araw na 'to. First time ko lang makarating sa kumpanya na ito kaya hindi ko maiwasang mamangha. Sobrang luxurious ng dating.

Habang nagmemeeting si Theoden at ang isang kasosyo niyang Japanese, nakikinig lang ako.

Pagkatapos ng meeting, tahimik kaming umuwi ni Theoden.

Masyado pa rin akong nagtataka sa ikinikilos niya. Kanina ay sinigawan niya ako. Tapos sa mga meetings na dinaluhan namin, seryoso at tahimik siya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan niya dahil masyado siyang magulo kumilos.

"Theoden, wala ka ba talagang problema?" tanong ko pagkarating sa kwarto.

Humarap naman siya sa akin. Wala na naman siyang reaksyon.

"Wala akong problema. Wala. Okay?" parang naboboring na sambit niya at tumalikod sa akin.

Kahapon lang ay maayos pa kami tapos ngayon, hindi ko na maintindihan ang ikinikilos niya. Ano bang nangyayari dito?

Nagbihis nalang muna ako at lumabas sa veranda habang dala-dala ang cellphone ko.

"Hey." bati ni Haisley.

"Hey."

"Oh. Bakit malungkot ka? May nangyari ba?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko maintindihan ang kilos ni Theoden. Kahapon ay sweet siya tapos ngayon ay cold siya. Sinigawan niya pa ako kanina." paliwanag ko.

"Tinanong mo na ba kung anong problema?"

"Oo--ilang beses ko nang tinanong. Puro siya wala, wala, wala." naiinis kong sambit.

"Baka ayaw niya lang sabihin dahil ayaw niyang pati ikaw ay mamroblema?"

"Pero Hais, sekretarya niya ako sa kumpanya at Girlfriend niya ako. Ang problema niya, problema ko na rin. Pero hindi nya sinasabi sa akin kung ano ba talagang nangyayari." napapapikit kong litanya.

"Huwag mo muna siyang tanungin. Kung gusto niyang malaman mo, siya mismo ang magsasabi kung ano ang problema. Kaya wag kang mag-isip ng kung ano ano ah? Hintayin mo munang mag-chill sya bago ka gumawa ng actions." payo niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay nakita kong nakatayo si Theoden sa likod ko.

" I'm sorry. "aniya at niyakap ako.

" Ano ba kasing nangyayari sayo? "naiiyak kong tanong. Naiiyak ako dahil sa inis. Dahil sa pakikitungo nya sa akin.

" May problema lang sa company. Sorry kung hindi mo naiintindihan ang mga actions ko kanina. "malambing na aniya at hinaplos ang buhok.

" Dapat sinasabi mo pa rin sa akin. Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang naiisip mo eh. Girlfriend mo ako kaya dapat sinasabi mo kung may problema. "paliwanag ko.

" Oo na. Sorry na sa actions ko kanina. Sorry din dahil nasigawan kita. "

Ilang minuto pa kaming nagyayakapan hanggang sa magutom ako.

" Nagugutom na ako. "nakangusong sabi ko sa kaniya.

" Pinagluto na kita. "aniya at hinalikan ang templo ng ilong ko.

Hinila nya ako sa kusina at hinapagan ng pagkain.

Hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang problema. Siguro ay mababaw lang iyon at paniguradong kaya naman nilang solusyunan 'yun. Pero okay na rin 'to. At least, hindi na siya katulad kanina. Masyado siyang seryoso at cold kanina to the point na nasigawan niya ako.

Ngayon ay bumalik siya sa dati. Yung palaging ngumingiti sa harapan ko at pinaparamdam na huwag akong mag-alala sa kaniya.

Sino ba naman kasing hindi mag-aalala? Kung ano ano yung mga ikinilos nya kanina. Ang weird kaya 'non. Kung patuloy niya akong sinigaw-sigawan kanina, magreresign talaga ako. I'm his secretary and his girlfriend at the same time kaya dapat alam ko kung ano ang nangyayari at ang problema niya.







Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon