Chapter 19

64 4 1
                                    

Sapphira's POV

Pagdating namin sa Cafeteria, naabutan namin sina Amberleigh at Haisley na nakaupo na sa isang table.

"Girls!" masayang tawag ko at hinila ko ang dalawang lalaki na kasama ko.

Sabay naman silang napatingin.

"Meet Claude. Siya yung binabanggit ko sa inyo." nakangiting sabi ko at hinila si Claude papalapit sa kanila.

"Binanggit mo siya sa kanila?" bulong sa akin ni Theoden.

"Nagseselos ka na naman. Pinakilala ko lang sa kanila kasi baka magustuhan siya ni Amberleigh. Alam mo na, reto." sabi ko at tumawa.

Umupo kaming dalawa ni Theoden sa harapan nina Haisley. Anim kasi ang upuan sa bawat table ng cafeteria kaya sina Haisley at Amberleigh ay nasa kabila habang ako naman ay napapagitnaan nina Theoden at Claude.

" Palit kaya tayo? "bulong na naman sa akin ni Theoden.

" Behave ka nga. "utos ko at hinalikan siya sa pisngi." Nagseselos ka na naman. "nakangising sabi ko.

" Mag-uusap tayo mamaya. "nakangusong aniya at nagcrossed arm.

Tumingin naman ako kina Amberleigh ngunit nagtaka ako kung bakit parang hindi mapakali si Haisley.

" Hais okay ka lang? "nagtatakang tanong ko.

" H-ha? Oo. Okay lang "aniya at pinilit ang pagngiti.

"By the way, sila yung mga kaibigan ko. "Nakangiting sabi ko kay Claude.

" N-nice to meet you. "parang naiilang na aniya.

Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?

" Hello. I'm Amberleigh. Ang pinakamaganda sa aming tatlo. "masayang pakilala ni Amberleigh at nakipagkamay pa kay Claude." Ang gwapo nga. Kaso Jodan pa rin. "nakangising aniya.

"Nice to meet you Amberleigh." Nakangiting sabi ni Claude.

"Hais, aren't you gonna introduce yourself?" maarteng tanong ni Amberleigh at ngumiti ulit kay Claude. "Mahiyain yan eh. Pero mabait."

"N-nice to meet you." saad ni Claude at ngumiti kay Haisley.

Nakita ko namang ngumiti si Haisley at nagsalita. "I'm Haisley. Nice to meet you too." pakilala niya.

"Gusto mo i-tour kita dito sa University? Free lang." natatawang yaya ni Amberleigh.

"Scammer 'yan. Huwag kang maniwala." nakangising sabi ko at sinimangutan naman ako ni Amberleigh.

Ilang minuto pa ay biglang dumating si Kade.

"Good afternoon ladies." bati niya sa amin at tumabi kay Haisley.

Pagtingin niya kay Claude ay tila nagulat siya at maski si Claude ay nagulat.

"Kade, this is Claude." pakilala ko.

Nagkatitigan pa muna sila at nag-iwas din ng tingin.

Omg! Mali naman siguro ang naiisip ko? May past relationship ba sina Kade at Claude!?

Ilang saglit pa ay tumayo si Kade at si Haisley.

"Ah guys, kailangan na naming umalis. Bibisita pa kasi kami sa Mama ni Kade." paalam ni Haisley.

"Ah ganon ba. Eh paano 'to si Amberleigh?"

"Sasabay nalang ako sayo." sabi sa akin ni Amberleigh. "Ipakumusta mo nalang kami ni Sapphira sa mama mo Kade." nakangiting sabi ni Amberleigh.

"Sige. Pag gumaling si Mama, bumisita kayo sa bahay." nakangiting saad ni Kade at tinignan pa muna si Claude bago sila tumalikod sa amin.

Ang weird nila sa totoo lang.

"Oh paano ba yan? Kailangan na nating magsi-uwian." usal ni Amberleigh.

Nagkaniya-kaniya na kami. Si Claude ay may sariling sasakyan at si Theoden ay ganon din.

Habang naglalakad kami ni Amberleigh, naisipan kong magtanong.

"Ambs, wala ka bang napapansin kanina?" takang tanong ko.

"Napapansin? Ano? Si Claude? Ang gwapo pala niya." parang kinikilig na aniya.

"Hindi 'yun."

"Eh ano? Wala na akong napapansin kanina."

"Hindi mo napapansin kanina? Pagdating ni Kade, grabe yung titigan nila ni Claude." nagtatakang sabi ko.

Tumigil naman siya habang nakahawak sa braso ko.

"Oh my god!" sigaw niya at napatakip pa sa bibig. "Don't tell me..." gulat na aniya. "Don't tell me bakla si Claude at nagkaroon sila ng relationship ni Kade?!" sigaw niya at napasabunot sa buhok.

"Iyon nga din ang naisip ko. Pero 'di bale na nga."

Pagkahatid ko kay Amberleigh ay umuwi na din ako.

Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko na nagdidinner na si Dad at Katalene.

"Eat with us."yaya ni Katalene ngunit hindi ko nalang siya pinansin at naglakad paakyat sa kwarto. Wala akong panahong makipagbangayan dahil mas marami akong importanteng gagawin kaysa makipagsigawan sa kaniya.

From :Theoden
Ang sabi ko ay mag-uusap tayo. Umalis ka kaagad. Pupuntahan kita sa office mo bukas.

Eto na naman siya.

To:Theoden
Tungkol saan ba? Kay Claude?
Message Sent

From:Theoden
Stop saying his name.

To:Theoden
Hindi ko naman sinabi ah? Iti-nype ko.
Message Sent

From :Theoden
Basta. I'll visit you tomorrow.

Nagseselos na naman siya kay Claude. Eh hindi naman nga ako hinawakan ni Claude kahit saan.

Naalala ko ang nangyari at mga kilos nina Haisley, Kade at Claude kanina. Parang kilala na nila ang isa't isa.

Imposible namang magkakakilala silang tatlo dahil lahat ng mga nakakasalamuha ni Haisley ay pinapakilala niya sa amin.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako magtatrabaho ng maayos.

Napaka-busy ng araw na 'to para sa akin. Ni hindi man ako nakatawag kina Haisley o kay Theoden.

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas.

"Good morning! Wala ang boyfriend mo? Baka sapakin ako." biro ni Claude at pumasok.

"Wala pa naman siya sa ngayon. Baka mamaya." nakangising sabi ko.

"Siguro, maaga nalang akong aalis. Baka magulpi ako ng boyfriend mo." aniya at tumawa.

Bigla ko na namang naalala ang tinginan nila ni Kade kahapon. Gusto kong magtanong kaso hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

"Hey?" pagtawag niya at kumaway pa sa harap ko.

"Ah sorry. Ano 'yun?" masyadong lumalim ang iniisip ko.

"May problema ba? Bakit nakatulala ka?"

"Ah wala 'to."

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon