Sapphira's POV
"Get your hands off my fiancé!" sigaw ni Eloise at hinila si Theoden.
Lumapit ako at malakas siyang sinampal.
"Sa tingin mo ay panalo ka na?! Oh sige! Sabihin na nating nanalo ka na! Nanalo ka dahil ginamit mo yang kalandian mo! Makati ka! Malandi ka!" sigaw ko at sinampal ulit siya. "H-hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo.."
"Alam kong masasaktan ka kaya nga ginawa ko eh." nakangising aniya at akmang tatalikuran ako ngunit hinila ko ang buhok niya.
"Huwag na huwag mo akong tatalikuran!" sigaw ko at sinabunutan siya. "Hintayin mong makalbo ka hanggang sa mawala ang galit ko!" sigaw ko at naramdaman ko namang inaalis ni Theoden ang kamay ko sa pagkakahawak kay Eloise.
Nang humiwalay ay masama akong tinignan ni Eloise.
Napalunok nalang ako dahil sa sakit ng lalamunan dala na rin ng pagpipigil ng iyak.
" Hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.." naiiyak ko at itinuro ang dibdib ko. "Sa mga salitang binitawan mo kanina, lahat 'yon tumagos dito!" sigaw ko at itinuro ang puso ko.
Bumaling ang tingin ko kay Theoden at nakita kong nakayuko siya.
"Thank you sa pananakit mo ha?!" sigaw ko at kunwaring natawa. "Sobrang sakit talaga.. Sobra.."usal ko at hindi na napigilang umiyak. Napatingin ako sa bracelet at hinablot ang kwintas na nasa leeg niya at sinusian ang bracelet.
" What are you doing? "nagugulat niyang tanong at akmang hahablutin pa ang kwintas para itigil ko ang ginagawa nang mabuksan ang bracelet.
Malakas kong itinapon ang bracelet at ang kwintas.
" Nag-expect ako na ikaw ang magbubukas sa akin. Pero hindi ko inaasahang ikaw rin ang magsasara sa puso ko.." usal ko at dumaloy ang mainit na likido sa pisngi ko. "Palayain na natin ang isa't isa.."
Dahil sa bigat ng pakiramdam ay naglakad ako papalayo at pumara ng taxi.
Pagsakay ko ay nakita kong humahabol si Theoden ngunit inutusan ko na si Manong na magmaneho.
Habang nasa taxi, punas lang ako ng punas ng luha ko.
Sobrang sakit.. Nagawa niya sa akin ang bagay na hindi ko inaasahang magagawa niya..
"Mam okay lang po kayo?" tanong ng driver kaya tumango ako.
"Okay lang ako." pagsisinungaling at pinunasan ang luha. Ngunit sa bawat pagpunas ay patuloy lang ang pag-agos kaya hinayaan ko nalang.
Nakita kong inabutan ako ng tissue ni Kuyang Driver kaya tinanggap ko ito.
"Siguro ay sinaktan kayo nung lalaking humahabol kanina." biglang wika niya. "Alam niyo Mam? Ganiyan din ang nangyari sa akin dati. Dahil sa maling akala, lahat nawala." paliwanag niya.
"Paniguradong masakit ang pakiramdam niyo ngayon. Pero balang araw, alam kong magiging maayos din kayo." pagpapagaan niya sa loob ko.
"Salamat kuya ha? Kahit hindi mo ako kilala, binibigyan mo ako ng advice."
Nagpababa ako sa isang bar at inabutan siya ng isang libo.
"Masyadong malaki yan Mam. Hindi ko matatanggap."
"Sige na kuya. Tanggapin mo na. Isipin mo nalang na okay ako ngayon dahil sa advice mo." saad ko at tinanggap nalang niya ito.
Pagpasok ko sa isang bar, nag-VIP ako.
Bakit kung sino pa ang taong pinagkakatiwalaan natin, sila pa yung gagawa ng paraan para masaktan tayo?
Pinagkatiwalaan ko si Theoden dahil nakita ko sa kaniya na hindi niya ako sasaktan pero eto ako ngayon,umiiyak at naghihinagpis dahil sa kaniya.
Hindi ko na napigilan at napaiyak nalang. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sobrang sakit. Sobrang hirap. Punong-puno ng galit ang puso ko pero hindi ko magawang magalit kay Theoden.
Paano niya nagawa sa akin ang bagay na 'yun? Anong panlalandi ba ang ginawa ni Eloise sa kaniya at bumigay siya? Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba siya masaya sa akin? Kasi sobrang sakit isipin na kaya niya nagawa 'yun ay dahil may pagkukulang ako.
Ilang saglit pa ay biglang may tumawag. Uminom muna ako ng alak bago sagutin iyon.
"Hoy babae nasaan ka?!" tinig iyon ni Amberleigh.
"Comfort zone." sagot ko at ibinaba ang tawag.
Saan ako kukuha ng lakas? Saan ako kukuha ng gamot para sa sakit na dumadaloy sa puso ko?
Fuck this love! I don't get you! Hindi ba pwedeng hayaan mo nalang kami na maging masaya? Bakit kailangang umabot pa sa ganito?
Ilang minuto oa ay narinig kong bumukas ang pinto.
"Oh my goodness! Nandito ka lang pala!" sigaw ni Amberleigh at sabay silang lumapit ni Haisley. "Ano? Nagbreak na kayo? Sabi na eh!" dire-diretsong aniya kaya hindi ko na naiwasang umiyak.
"Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Haisley at pinunasan ang luha ko.
"Life is so unfair.. Bakit ganon?" emosyonal kong tanong at diretsyong ininom ang isang bote ng alak. "Life is not easy! I don't know how to live! Carrying this pain inside me is so damn sobrang hirap! Paano ako mabubuhay na dala-dala ang sakit na 'to?!" sigaw ko at naramdaman ko nalang na tumatapik na ang kamay ni Amberleigh at Haisley sa akin.
"Sapp, just tell us kung ano ang nangyari."
"My whole life is a shit!" bulalas ko. "Umaasa ako na sana ay magtagal kami pero malalaman ko nalang na ikakasal na siya?!"
"What?! Kanino?!" sigaw nilang dalawa.
"You wouldn't believe me."
"Fuck! Just tell us!"
"Eloise! Okay?! Si Eloise! Si Eloise na hindi ko inaasahang magiging dahilan ng hiwalayan namin!" naiiyak kong sigaw at uminom ng uminom.
"What the hell..." parang hindi makapaniwalang bulalas ni Haisley.
"Oh ny goodness. Sabihin mo sa aking nagbibiro ka lang.." hindi rin makapaniwalang saad ni Amberleigh ngunit napailing na lamang ako at inubos ang alak na nasa bote.
Kung alam ko lang na masasaktan ako, sana pala ay hindi na ako nagtiwala.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Novela JuvenilMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED
