Chapter 11

59 7 2
                                    

Sapphira's POV

Pagbalik ko sa classroom, dire-diretsyo lang akong pumunta sa upuan ko. Gusto kong kausapin sina Amberleigh at Haisley mamaya kaya naman nagchat ako sa groupchat namin.

"Hey guys! Sa Café tayo sa tapat ng University. May sasabihin lang ako." chat ko.

Ilang minuto pa at nag-seen si Amberleigh.

"Alright!"

"You okay now?" biglang tanong ni Theoden kaya naman halos mapaatras ako sa gulat.

Ilang beses na niyang itinanong sa akin iyan. Pero tumango nalang ako.

Nangunot nalang ang noo ko nang tumalikod siya at maglakad papalayo.

Lumapit lang siya para itanong sa akin 'yon?

Pagdating ng hapon, naghihintay na ako sa Café na sinabi ko kina Amberleigh.

"Ano'ng mahalagang sasabihin mo?" pambungad sa akin ni Amberleigh pagdating nila.

"Nilalandi pala ni Eloise ang mga boys niyo." sabi ko at kita ko naman ang gulat sa kanila.

"W-what?!" malakas na sigaw ni Amberleigh at naipalo pa ang mga kamay sa table. "That bitch?!" pasigaw niyang tanong.

"Umayos ka nga, Ambs! Pinagtitinginan tayo ng mga tao oh!" inis na bulong ni Haisley sa kaniya.

Parang napapahiya namang umupo si Amberleigh at tumingin ulit sa akin.

"Kanino mo naman nalaman 'yan?" tanong sa akin ni Haisley.

"Nasa restroom ako kanina. Then may naririnig akong nag-uusap na dalawang babae. Sinabi nga nung isa na nakita niya daw si Eloise na lapit ng lapit kay Jodan." kwento ko sa kanila. Kita ko namang pumula ang pisngi ni Amberleigh.

"Eh yung kay Kade?"

"Nakita daw nila sa garden. Lumalayo si Kade, lapit naman ng lapit si Eloise."

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng dalawa na 'to. Hindi ko mabasa dahil paniguradong halo-halo ang naiisip nila.

"Balak niya pang kunin sa akin si Jodan? Hindi pwede yun 'no!" sigaw ni Amberleigh.

"Eh ano na bang balita sa inyo ni Kade?" tanong ko kay Haisley.

"Nagsorry siya sa akin kanina . Deserve naman niya ng another chance 'di ba?" aniya at napailing nalang ako. "At saka, may tiwala ako kay Kade na hinding-hindi siya papatol kay Eloise. Malaki ang tiwala ko sa kaniya. Pero nasa sakaniya nalang kung sisirain niya yun." aniya at nagkibit-balikat.

Kaya nasasaktan eh.

"Eh ang problema ngayon, paano natin patitigilin ang isang 'to?" turo ko kay Amberleigh na ngayon ay talagang namumula na sa galit habang mahigpit ang hawak sa tinidor.

"Tingin ko magda-drop out na si Eloise bukas." nakangiwing sabi ni Haisley.

Pag-uwi ko, iniisip ko pa rin ang kanina.

Napakatindi naman ni Eloise. Huwag niyang sabihin na pati si Theoden ay lalandiin niya?

KINABUKASAN

Nagtaka ako kung bakit wala pa rin sina Haisley. Male-late na ako nito!

Napatingin ako sa isang kotse na humaharurot papalapit sa akin kaya umatras ako ng kaunti. Baka mabangga pa ako.

Nang tumigil ang kotse, bumaba ang bintana sa backseat.

"Sumakay ka na." yaya ni Theoden.

Ano'ng ginagawa niya dito?

"Pinapunta ako ng mga kaibigan mo dito. Nauna na sila sa University." paliwanag niya at binuksan ang pinto.

Okay?

Umupo ako sa backseat. Sa tabi niya. May sarili siyang driver dahil nga siguro dahil sa bingi siya.

Habang papunta sa University, tahimik lang kaming dalawa. Wala talagang imikan. Hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko.

Hanggang sa makarating, tahimik lang din kami. Na kahit sa paglalakad sa hallway, walang nagsasalita.

Buti nalang hindi kami late dumating. May mga tao pa sa hallway. As usual, nakatingin sa amin.

Ngayon,magkatabi kaming naglalakad ni Theoden. Ewan ko pero sumusunod naman ako sa likod niya kanina tapos bigla niya akong hinila papunta sa tabi niya.

Hindi pa man kami nakakarating sa class, may biglang humila sa akin.

"Ano ba!" sigaw ko dahil sobrang sakit ng braso ko sa paghila niya.

"Easy! Free ka tonight?" tanong ng lalaki at akmang hahaplusin ang buhok ko nang may pumigil dito.

"Don't you touch a single hair on my girl's head." seryosong sabi ni Theoden at itinulak ng malakas ang lalaki kaya napaupo ito sa sahig.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalayo doon.

M-my girl?!

Pagkalayo doon, tumigil kami sa isang gilid at hinarap niya ako. Ni hindi ko magawang tumingin.

"From now on, huwag kang ka nang lalapit sa ibang lalaki maliban sa akin. I don't like when they touch you. I can't stand how they're looking at you." seryoso niyang sabi at nanlaki naman ang mga mata ko. "You're mine, understand?" aniya at hinila na ako.

Ano daw?! Ano'ng ibig sabihin nito? May boyfriend na ako?! Oh my goodness! Hindi ako makapaniwala!

Tumigil ako at hinila siya kaya pati siya ay tumigil.

Kumunot naman ang noo ko at itinuro ang sarili. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Hindi ako makapaniwala na ako ang pinili niyang maging girlfriend.

"I'm serious Sapphira. Whether you like it or not." seryosong sambit niya.

At sino namang nagsabi na ayoko?

Tumango naman ako kaya naglakad na kami pareho.

Ganon lang yon? Hindi nanligaw? Sabagay. Relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw. Pero sana man lang kahit konti nanligaw siya hindi ba?

Pagdating sa class, natigil ang lahat sa ginagawa at lahat sila ay bumagsak ang tingin sa kamay namin ni Theoden.

Aalisin ko na sana ang kamay niya nang mas higpitan pa nya ang hawak. Hinila niya ako sa loob at hindi inintindi ang mga bulungan ng mga kasama namin. Sabagay, talagang hindi niya iniintindi dahil hindi naman niya naririnig.

Pero paano kung narinig niya ang mga pinagsasasabi ng mga kasama namin? Ganito pa rin ba yung magiging reaksyon niya? Gugustuhin pa rin ba niya akong maging girlfriend niya? Sa tingin ko ay hindi. Wala ngang tumanggap sa akin eh. Hindi ko alam kung tanggap niya ba ako o gusto niya lang talaga na maging girlfriend ako.









Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon