Chapter 25

61 4 4
                                    

Sapphira's POV

"Are you sure na hindi ka nagugutom?" pag-uulit ni Theoden sa tanong niya.

"Hindi nga. I'm just tired. Papasok na ako sa kwarto." tanging nasabi ko at pumasok sa kwarto.

Habang nakahiga ay iniisip ko ang sinabi ni Tito kanina. Nagpakilala si Dad na walang anak. Kung sila kaya ni Katalene ay nagka-anak, tatawagin niya kaya itong anak?

Nagising ako ngunit madilim pa. At pagtingin ko sa orasan ay madaling araw pa lang.

Sobrang himbing ng pagkakatulog ni Theoden kaya naman dahan-dahan akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa veranda at doon pumikit habang nakasandal sa railings.

Dad's happiness is always Mom. Kung ako ba ang namatay at hindi si Mommy, iiyak kaya siya?

He's never been a good father to me. Ni hindi niya pinaramdam sa akin ang pagmamahal ng isang ama dahil nga sa sinusuka niya ako bilang anak niya.

Nasaktan nga ako nang marinig ang mga sinabi ni Dad nang kausapin siya ni Theoden. Talagang wala na akong puwang sa puso niya. Na mas pinipili niyang maging mag-isa nalang kaysa makasama ako. Ako na anak niya. Ako na kapamilya niya.

Naglakad ako papunta sa kwarto at kinuha ang cellphone at wallet ko. Nang gumalaw si Theoden ay dahan-dahan akong naglakad papalabas ng kwarto.

Paglabas ko sa condo ni Theoden ay naglakad-lakad lang ako sa madilim na kalsada. Nakakarelax ang simoy ng hangin lalo na't madaling araw pa.

Napahinto ako sa isang park at umupo sa isang duyan. Naalala ko pa noon sa park na malapit sa amin, palagi akong itinutulak ni Mommy. At pagkatapos naming maglaro, susunduin kami ni Dad at sabay-sabay kaming kakain sa paborito kong restaurant.

Mabuti pa dati, masaya ang lahat. Hindi tulad ngayon. Mukhang bumaliktad ang ikot ng mundo sa amin.

Kaya pala mas maganda na managinip na lamang kaysa mabuhay sa katotohanan. Mabuti pa sa panaginip, palagi kaming masaya nina Mommy at Dad. Mabuti pa sa panaginip ay buhay pa si Mommy. Mabuti pa sa panaginip ay mahal ako ni Dad. Panaginip, panaginip. Pero magigising ka pa rin na hindi katulad ng panaginip ang reyalidad.

Kaya pala maraming tao ang umaasa. Kasi doon sila sumasaya. Pero nasasaktan naman kapag hindi nakuha o nangyari ang gusto nila.

Some things are just never meant to be, no matter how we wish they were.

Nakakalungkot dahil hindi mo magawang gawin kung ano ang nasa isip mo dahil alam mong hindi pwede.

I want him to be proud of me. I want him to love me as his daughter. Mahirap ba 'yon?

Napatalon ako sa pagkakaupo nang marinig ang isang sipol.

"Hi miss. Madaling araw pa ah? Wala kang kasama? Gusto mo samahan ka muna namin?" biglang tanong nung lalaking nakacap at sobrang dami ng tattoo sa katawan.

I hate this feeling.. Ayokong maranasan ulit ang nangyari dati...

"Wag kang matakot Miss. Hindi ka naman namin sasaktan." nakangising anya at naramdaman kong may humila sa dalawang braso ko.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ko ngunit nagtawanan lang sila.

Sa puntong ito, naiyak na lamang ako at ipinagdarasal na sana ay may dumating na kahit sino para tulungan ako.

"Let me go! Isusumbong ko kayo sa mga pulis!" kinakabahang banta ko ngunit tumawa lang ulit sila.

"Bulok na 'yan Miss." nakangising saad niya at dahan-dahang lumapit sa akin. Hinablot niya ang panga ko at inamoy-amoy ang leeg ko.

"Tigilan niyo ako mga panget!" sigaw ko ngunit isang malakas na sampal lang ang nakuha ko.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak habang, nagpupumiglas sa mga lalaki na 'to.

"Huwag kang umiyak." parang nang-aasar na aniya ngunit inilayo ko ang mukha ko. "Huwag ka nang magpupumiglas pa." aniya at sinimulan nang hawakan ang hita ko.

Hindi ko magawang alisin iyon dahil sa mga kamay na nakapigil sa akin. Mas lalo akong nagsisisigaw nang bigla niyang alisin ang butones ng short ko.

"S-stop" nanghihinang pakiusap ko ngunit hindi nila ako pinapakinggan.

Sa sandaling iyon, ipinikit ko na lamang ang mata ko at umiyak ng umiyak.

Sa ikalawang pagkakataon, mapapahamak na naman ba ako?

Ngunit ganoon nalang ang pasasalamat ko nang may biglang dumating.

Nakita ko na lamang na humampas na ang mga lalaki sa kung saan at doon ay nakita ko siya.

Theoden...

Theoden's POV

Nagising ako dahil nauuhaw ako. Ngunit ganoon nalang ang gulat at kaba na naramdaman ko nang makita na wala akong katabi.

Saan na naman siya nagpunta?

Nilibot ko ang buong condo ngunit wala na siya kaya kaagad akong nagsuot ng jacket at lumabas sa unit ko.

"Miss, may babae bang lumabas kanina? Nakashort at t-shirt?" tanong ko.

"Yes sir. Kanina pa po nakaalis." sagot niya at wala na akong inaksayang oras at tumakbo papalabas sa condo.

Nagpalinga-linga naman ako at napagpasyahan na dumiretsyo sa kanan.

Habang tumatakbo ay may narinig akong sigaw ng isang babae mula sa park.

Kaagad akong dinunggol ng kaba nang parang pamilyar ang sigaw na narinig ko.

"S-stop.." rinig kong sambit ng isang babae at ganoon nalang ang gulat ko nang masilayan ang t-shirt ni Sapphira.

Wala na akong inaksayang minuto at mabilis na lumapit doon.

Malakas kong hinila ang lalaking nagtatanggal sa short niya at sinuntok siya ng malakas.

Ang iba naman ay sumugod sa akin kaya malakas ko silang sinipa isa-isa.

Nang tumakbo papaalis ang mga lalaki, dali-dali kong pinuntahan si Sapphira.

"T-theoden.." nanghihinang aniya kaya kaagad ko siyang niyakap.

"Nandito na ako.. Huwag ka nang matakot.." bulong ko at naramdaman kong humigpit ang yakap niya.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong bumagsak ang kamay niya at nang tignan ko ay wala na siyang malay.

"Sapphira? Sapphira!" pagtawag ko sa pangalan niya ngunit hindi siya sumagot kaya naman kaagad ko siyang binuhat at bumalik sa condo.









Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon