Theoden's POV
"Okay na ba siya Doc?" nag-aalalang tanong ko.
Kaagad kong dinala dito si Sapphira at ilang oras na ang lumilipas ay hindi pa rin siya nagigising.
"As we can see, masyado siyang nawalan ng energy sa nangyari. Stable na din ang lagay niya at may mga galos kaming nakita sa braso niya. Pero, hihintayin nalang natin siyang magising at may kailangan pa siyang inumin na gamot." paliwanag niya.
"Okay Doc. Thank you." tanging nasabi ko nalang at nagpaalam na siya.
Pumasok ako sa kwarto na kinuha ko at umupo sa gilid ng kama ni Sapphira.
Dumako ang tingin ko sa braso niya at nakita ang mga gauze pad na nakatapal na sa kaniya.
Hinaplos ko ang buhok niya at tinitigan siya.
Halos sumubsob ako sa kama ni Sapphira nang biglang pumasok at nagpanic si Amberleigh at Haisley.
"Oh my goodness!" sigaw ni Amberleigh at tinabig pa ako para puntahan si Sapphira. Sumunod naman sa kaniya si Haisley.
"Anong nangyari Theoden?" nag-aalalang tanong ni Haisley at hinaplos ang mga sugat ni Sapphira.
"Nagising ako kaninang madaling araw na wala siya sa tabi ko. And then I saw her at the park. Maraming lalaki ang nakapalibot sa kaniya. Mabuti nalang at wala silang ginawa kay Sapphira." paliwanag ko at narinig ko namang suminghot singhot si Amberleigh.
" So you're saying na muntik siyang ma-rape?! "nagugulat na naiiyak na tanong niya at tumango ako." Oh my goodness. "hindi makapaniwalang aniya.
" Hindi pa rin ba siya nagigising? "nag-aalalang tanong ni Haisley.
" Hindi pa. Pero stable na ang lagay niya. "napapabuntong-hininga na sabi ko.
Ilang saglit pa ay napansin kong nagmulat na si Sapphira. Kaya kaagad ko siyang nilapitan.
" Hey? Do you hear me? "nag-aalalang tanong ko at nalipat ang tingin niya sa akin.
Pero ganoon nalang ang gulat ko nang bigla siyang magwala at sumiksik sa kung saan ay parang ayaw niyang may lumapit sa kaniya.
" Sapphira, it's me. Theoden. "pagpapakilala ko at dahan-dahang lumapit ngunit niyakap niya ang sarili.
" Wag kayong lalapit! Wag kang lalapit! "sigaw niya at umiyak.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.
" Sapphira, si Haisley 'to. "naiiyak na tugon ni Haisley at lumapit kay Sapphira.
" H-haisley? Theoden? "naiiyak na aniya at niyakap ako.
Doon ay umiyak siya ng umiyak.
" Shhh. Don't cry. You're safe now. " bulong ko at hinalikan ang buhok niya.
" Natatakot ako.. "umiiyak na aniya at nararamdaman ko ang panginginig niya.
" Wag kang matakot. Nandito ako. Nandito ako. "pagpapagaan ko sa nararamdaman niya at naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya.
Nagkatinginan naman kaming tatlo nina Haisley at Amberleigh.
Ilang saglit ay may biglang dumating na mga nurse at inalalayan si Sapphira na makaupo sa kama. Ngunit nang makaupo siya ay bigla siyang natulala ngunit hindi na umiiyak.
Lumabas kaming tatlo nina Haisley at Amberleigh kasama ang doktor.
"Doc bakit nagkaganon si Sapphira? Bakit nagwala siya kanina?" nag-aalalang tanong ni Haisley.
"Siguro ay na-trauma siya sa nangyari. Hintayin natin na maka-recover siya." paliwanag ng doktor. "Sa ngayon ay samahan niyo muna siya at huwag kayong gagawa ng actions na makakapagpaalala sa kaniya sa nangyari." paliwanag niya pa at iniwan na kami doon.
"Kayo muna ang kumausap sa kaniya. Bibili lang ako ng pagkain." paalam ko at iniwan na sila doon.
Sapphira's POV
"Okay ka na?" nag-aalalang tanong ni Haisley at lumapit sa akin.
"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at lumabas ka sa condo?! Mabuti nalang at dumating si Theoden." sermon sa akin ni Amberleigh at sinaway naman siya ni Haisley.
"Wag ka nga munang ano! Ang sabi ng doktor ay tulungan nating makarecover. Hindi sermonan." suway ni Haisley sa kaniya at bumaling sa akin. "Dapat nagpaalam ka kay Theoden na aalis ka. Hindi yung kung kailan siya natutulog ay aalis ka. Mabuti at hindi nila itinuloy ang binabalak nila." nag-aalalang litanya ni Haisley.
"Sorry.." napapatungong sabi ko at nilaro-laro ang daliri ko.
"Basta sa susunod, huwag na huwag kang aalis mag-isa. Babae ka pa naman. Kung hindi kami tinawagan ni Theoden kanina ay hindi namin malalaman ang nangyari." saad ni Amberleigh.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito.
Naglakad si Theoden papalapit at inilapag ang mga pagkain sa lamesa.
Umupo muna sina Haisley at Amberleigh sa sofa habang si Theoden ay umupo sa gilid ng kama ko.
" Are you okay now?" biglang tanong niya at tumango ako. "Bakit umalis ka nang hindi nagpapaalam?" kalmadong tanong niya.
"S-sorry.. Balak ko lang magpahangin."
"Magpahangin? May aircon tayo doon. At talagang sa park ka pa napadpad? Paano kung hindi ako nauhaw nong oras na 'yon?" sunod-sunod na sermon niya at napayuko nalang ako.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil alam kong mali talaga ang nagawa ko. At muntik pa akong mapahamak.
" Sa susunod, kung aalis ka ay magpaalam ka. Paano kung may ginawa silang hindi maganda sa'yo? Sana man lang inisip mo na babae ka."Batid kong naiinis sya ngunit hindi ko iyon inintindi.
" Sorry.. "
Bumuntong-hininga pa muna siya at sinuklay ang buhok gamit ang daliri.
Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil dumating siya. Dahil kung hindi, malamang ay naulit na naman ang nangyari dati. At ayoko nang maulit pa 'yun.
"Sapp, kumain ka muna oh." alok ni Haisley at inabot ang kanin na may ulam.
"Ako na." presenta ni Theoden at ibinigay naman iyon ni Haisley at saka bumalik sa kinauupuan.
Sumandok si Theoden ng kanin na may ulam at itinapat sa akin.
Seryoso nga talagang susubuan niya ako.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Novela JuvenilMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED
