Epilogue

108 8 2
                                    

Sapphira's POV

"Congratulations girl!" sabay na sigaw ni Amberleigh at Haisley.

"Thank you!" masayang sigaw ko rin at niyakap nila akong dalawa.

"Grabe! Kasal ka na talaga?! Eh ni hindi pa nga umaamin si Jodan sa akin hanggang ngayon! Ano 'to, forever single ako?!" nagmamaktol na wika ni Amberleigh.

"Hintay-hintay ka lang. Malay mo baka naghahanda na ng surprise si Jodan." nakangising saad ni Haisley.

"Surprise?! You mean marriage proposal?! Oh my goodness!"

"Hindi surprise proposal. Surprise death." biro ni Haisley at sabay kaming natawa.

Sumimangot naman si Amberleigh.

"Nye nye nye! Wag niyo akong kakausapin!" napapairap na aniya.

"Okay! Sayang ang reception. Ang daming handa pa naman." usal ko at kaagad naman syang lumapit.

"Eto naman joke lang! Tara na! Naghihintay na ang mga foodsss!" mahabang sigaw niya at natawa nalang kami.

Pagdating sa reception, nilalaro-laro lang namin si Cayden.

"Congratulations and best wishes!" bati ni Claude at akmang makikipagbeso ngunit kaagad siyang hinarangan ni Theoden.

"Ayos na ang greet." supladong aniya.

"Grabe ang asawa mo Sapphira. Kasal na kayo't lahat-lahat at may anak na, seloso pa rin." natatawang biro ni Claude ngunit sinamaan siya ng tingin ni Theoden kaya nag seryoso siya at tumikhim. "Just kidding. Congratulations." pormal na bati niya at bumalik na sa upuan.

"Ikaw talaga kahit kelan 'no?!" inis kong baling kay Theoden.

"Ayaw kong hinahawakan o binebesuhan ka nila basta-basta!" asik niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

"Tigilan mo na nga yan! Hindi mo ba nakikita' to?!" turo ko kay Cayden. "Ayan yung proof na hindi na ako maaagaw ng iba." paliwanag niya at hinalikan sa pisngi si Cayden.

"Sapphira, you know, tatanda na rin si Cayden. Sundan na natin siya." bulong niya at malakas ko siyang hinampas.

"Alam mo kung hindi lang nakakapaos umire, talagang pasusundan ko itong si Cayden. Kaso masyadong mahirap, kaya pass muna." natatawa kong saad at nakita kong sumimangot siya. "Bakit ka sumisimangot? Sinisimangutan mo na ako niyan?!" nakacrossed arm kong tanong at nawala naman ang pagkasimangot niya.

"Hindi naman ah." nakangusong aniya at nilaro-laro si Cayden.

"Congratulations anak!" bati ni Dad at yumakap sa akin.

"Thank you Dad." nakangiting saad ko at binuhat naman niya si Cayden.

"Lumalaking gwapo ang apo ko!" papuri ni Dad at sumingit naman si Theoden.

"Mana-mana lang yan Dad." mayabang na aniya at sabay silang tumawa ni Dad. Ewan ko ba. Kapag sa kayabangan ay magkasundong-magkasundo sila.

Sunod namang dumating ay si Tito at Tita kasama si Thezia.

"Congratulations mga anak!" masayang bati ni Mama.

"Thank you Mama." nakangiting saad ko. "Hi Thezia!" bati ko at kumandong naman sya sa akin. "Lumalaki ka na ah!"

"I'm still a baby, Ate." nakangusong aniya kaya natawa ako. Nakita ko namang nilaro-laro niya si Cayden kaya hinayaan ko na muna siya.

"So, doon na kayo sa bahay na ipinagawa mo titira?" rinig kong tanong ni Papa.

"Yes Papa. Tapos na rin naman ang paglilipat ng gamit doon." paliwanag ni Theoden.

"Good good." nakangiting saad ng papa niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at saluhan na ny bouquet.

Ang mga hindi pa ikinakasal ay pumunta doon kasama na si Haisley at si Amberleigh. Matagal nang naghiwalay sina Haisley at Kade. At gusto ko mang sisihin si Kade, alam kong ayaw iyon ni Haisley. At ito namang isa kong kaibigan na si Amberleigh, hanggang ngayon ay pumaparaan pa rin sa gustong-gusto niya na si Jodan. Hindi ko nga alam kung may mangyayari ba sa pagpapansin niya o iyak nalang siya sa huli.

Paghagis ko ng bulaklak ay kaagad kong tinignan kung sino ang nakasalo at nakita na si Haisley ang nakasalo nito.

Ha? Pano 'yun? Wala pa siyang boyfriend! HAHAHAHA!

"Ang daya naman! Dapat sa akin yan eh! Jodan naman kasi bakit hindi mo pa ako pakasalan?!" nagmamaktol na sigaw ni Amberleigh kay Jodan na ngayon ay hindi man lang nagbigay ng kahit isang reaksyon.

"Ibig lang sabihin niyan, wala siyang balak na pakasalan ka!" natatawang sigaw ni Theoden kaya natawa ako. Napansin ko namang sumimangot si Amberleigh at tumingin ng masama kay Theoden.

Napailing nalang ako sa kanila.

Pag-uwi ay dito na kami sa bahay na pinagawa ni Theoden. Hindi masyadong malaki at hindi rin naman masyadong maliit. Kumbaga sakto lang.

Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko na nilalaro niya si Cayden sa kama.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila. Hindi ko inaakala na ganito ang kwento namin.

Ang dating ako na akala ko ay walang tatanggap, ngayon ay nakakita ng lalaking magmamahal ng buo, ng puro, ng walang kulang at ang pagmamahal na iyon ang nakapagpatibay sa akin. Sa amin.

Kahit saang banda mo tignan, pagpapatawad at pagtatanggap ang kailangan para tumibay ang isang relasyon. Hindi mo kailangang bumili ng mamahaling bagay para sumaya dahil ang totoong saya, nadarama ng puso at hindi binibili ng tao.

Music is the heart beat. And the strings are the feelings. Music may stop now and then but the strings will remain forever.

/WAKAS/

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon