Chapter 40

52 4 0
                                    

Sapphira's POV

Pinayagan na kami ng doktor na makauwi. Basta konting ingat nalang daw ngayon lalo na't may bata sa sinapupunan ko.

Pagdating namin sa condo, palagi akong inaalalayan ni Theoden. Kahit saan ako magpunta o pumwesto ay nakabuntot siya. Hindi pa naman ganoon kalaki ang tiyan ko pero sobrang maalaga na siya.

"Ang cute mo." usal niya habang kumakain ako ng apple. Pinisil niya ang pisngi ko at hinalikan ako.

"Palagi naman akong cute. Walang pinagbago." sagot ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya. Ibinaba ko ang apple sa lamesa at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. "Inaantok na ako." inaantok kong saad at hinayaan ang sarili na makatulog.

Theoden's POV

If you're asking me where to find a perfect scene, then masasabi kong ito 'yon. Nakahilig siya sa akin habang tulog na tulog. Hinawi ko ang buhok niya na napupunta sa mukha at pinisil ng pinisil ang pisngi.

Hanggang ngayon, hindi matutumbasan ang saya na nararamdaman ko. Lalo pa' t sa tuwing naiisip ko na buntis di Sapphira ay hindi ko maiwasang mapangiti ng husto.

I want her beside me. With our baby. At ayokong may sumira sa pamilya ko. Kaya gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sila.

Dahan-dahan akong umupo at binuhat si Sapphira papunta sa kwarto. Sobrang himbing ng tulog niya. Mas ayos na 'yun para makapagpahinga sila ni baby ng maayos.

Lumabas muna ako sa kwarto dahil biglang tumawag si Mommy.

"Anak? Kamusta na kayo ni Sapphira?"

"Okay na kami Mommy. Si Papa? Hindi pa rin ba nagbabago ang desisyon?"

"Hindi ko ba alam dito sa Papa mo. Ang gulo magdesisyon. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong si Sapphira ang maging asawa mo." paliwanag niya kaya napangiti ako.

"Thank you Mommy. Huwag kang mag-alala, ikakasal rin kami ni Sapphira. She's pregnant."

"Oh my goodness!" rinig kong sigaw ni Mommy sa kabilang linya at nagtitili kaya hindi ko na maiwasang matawa. "Totoo ba?! Oh my goodness! Thanks God at natupad ang hinihiling ko!" masayang wika ni Mommy.

"Thank you Mommy. Don't worry, kapag nagkaroon ng time, pupunta kami diyaan sa bahay."

"Okay okay. I'll wait. Paniguradong matutuwa si Thezia! Ako na ang bahalang kumausap sa Papa mo. Alagaan mo ng maayos 'yan ah?" paalala niya.

"Yes. I will Mommy. Mag-iingat kayo diyaan."

"Okay! Kayo din!" masayang paalam niya at ibinaba na ang tawag.

Pumasok na ulit ako sa kwarto at tumabi kay Sapphira. Sa bawat pagtingin ko sa kaniya, mas lalong nadaragdagan ang kumpyansa ko na hindi matuloy ang kasal. At sa bawat pagtingin ko sa kaniya, sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko.

Hinalikan ko siya sa noo at kinumutan siya ng maayos. Tumabi na ako sa kaniya at natulog.

Maaga akong nagising ngayon. Gusto kong ipagluto si Sapphira.

Habang abala ako sa pagluluto, halos mapatalon ako sa pagkagulat nang yumakap si Sapphira mula sa likod ko.

"Good morning." bati niya kaya nakangiti ko siyang hinarap at hinalikan sa labi.

"Good morning. Ginulat mo ako." natatawang saad ko at pinisil ang pisngi niya. "Umupo ka muna sa sofa. Tatawagin nalang kita pag tapos na akong magluto." usal ko at kaagad naman siyang sumunod.

Pagkatapos ko sa ginagawa, lumapit ako sa kaniya at inalalayan siya papunta sa kusina.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa siya kumakain kaya naman lumipat ako sa tabi niya at akmang susubuan ngunit umiling siya.

"Why?" nagtatakang tanong ko ngunit ganon nalang ang gulat ko nang hilain niya ako sa sofa at pagkubabawan. "W-what the hell Sapphira..." hindi makapaniwalang usal ko ngunit itinapat niya lang ang daliri sa bibig ko.

"Nagugutom ako." naiiyak na aniya.

What's wrong with her?

"May niluto na ako."  saad ko.

"Gusto ko ng ice cream." nakangusong aniya.

"Pero, baka malamigan si Baby. May niluto naman ako sa kusina eh."

"Ganun ba?" bulalas nito at umalis sa itaas ko.

Dumiretsyo siya sa kusina at doon kumain ng niluto ko.

Naglakad ako papunta sa lamesa at nakita ko namang masama ang tingin niya sa akin.

"What?" nagtataka kong tanong ngunit inirapan niya lang ako at kumain ng kumain.

Napailing nalang ako dahil sa inasta niya at pinanood nalang siyang kumain.

Pagkatapos kumain, dire-diretsyo siyang naglakad papasok sa kwarto at pabagsak na isinara ang pintuan.

What’s wrong with that woman?

Tinapos ko na ang paghuhugas at pumasok sa kwarto. Nakita ko na nakahiga siya habang hinahaplos ang tiyan. Ngunit nang mapansin ako ay sumama ulit ang tingin niya sa akin.

Napapailing akong umupo sa kama at inalis ang kumot na nakacover sa buong katawan niya.

"Tell me, ano bang ikinakatopak mo babae?" tanong ko ngunit hindi sya sumagot. "Hoy." pagtawag ko ngunit hindi siya lumilingon.

Napabuntong-hininga nalang ako at humiga sa kama. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng babae na 'to.

Dahan-dahan akong yumakap sa kaniya at hindi naman niya ito inalis.

"So tell me, why are you ignoring me?" tanong ko at hinalik-halikan ang tainga niya.

"You don't want me to eat that." batid kong nakanguso siya at nang humarap ay nakanguso nga.

"Eat what?"

"That. Ice cream." nakanguso pa rin niyang saad.

"Baka nga kasi magkasakit ka pa."

"Eh gusto ko nga eh."

"Aish. Oo sige bukas."

Masaya naman itong yumakap sa akin at hinalikan pa ang pisngi ko.

Akala ko naman kung ano na.

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon