Sapphira's POV
Paggising ko ay wala na si Theoden sa tabi ko at nakaamoy nalang ako ng mabango.
Naghilamos muna ako at lumabas ng kwarto.
"Good morning." nakangiting bati ni Theoden at inilapag ang niluto sa lamesa. "Kumain ka na." yaya niya at pinaghila pa ako ng upuan.
"Sigurado kang masarap 'to ah?" biro ko at umiling naman siya.
"Mas masarap pa yan sa inaakala mo." nakangising aniya at kumindat pa.
Umupo siya sa tabi ko at nilagyan ako ng kanin at ulam sa plato.
"Say ahh." utos niya habang nakaharap sa akin ang kutsara.
"Seriously? Ano ako? Bata?" natatawa kong tanong at isinubo ang pagkain.
Masarap nga.
"Palagi kong gagawin sa 'yo' to. Okay?" taas kilay na aniya at tumango naman ako.
Pagkatapos naming kumain, umupo lang kami sa sofa at nanood ng tv.
"Hindi ko inaakalang tototohanin mo ang sinabi mo na hihingin mo ako." saad ko at tumawa.
"Kapag sinabi ko, gagawin ko. Kahit pa ayaw ng iba." aniya at pinisil ang pisngi ko. "Ang taba ng pisngi mo." aniya at pinanggigilan ang pisngi ko.
"Aray naman dahan-dahan!" nakasimangot kong pigil.
Pagdating ng hapon, minabuti kong makipag-video call kina Haisley at Amberleigh.
"Hey what's up?" bati ni Haisley.
"Hello again mga girls!" malakas na bati ni Amberleigh.
"Ano'ng balak?" tanong ko.
"Pass. Hindi ako pwedeng lumabas ngayon eh." saad ni Haisley.
"Bakit?
" Ayaw akong palabasin ni Mommy. "malungkot na aniya.
" Girl. Masyado ka nang matanda para sa mga ganiyan! "nanlalaki ang mata'ng saad ni Amberleigh.
" Kilala niyo naman si Mommy. "
" Ah sige. Baka next time nalang. "tanging nasabi ko at biglang dumaan sa likod ko si Theoden. Nang makita niya na ka-video call ko ang dalawa ay kumaway siya at umalis na.
" Omg!" Sigaw ni Haisley at Amberleigh.
" B-bakit siya nandiyaan sa inyo?! "sigaw ni Amberleigh na nanlalaki ang mga mata.
Si Haisley ay gulat na gulat din ngunit walang masabi.
" Easy. Wala ako sa bahay. "
" Ano?! /What?! "sigaw nilang dalawa.
" Sapphira Alvestre are you out of your mind?! Eh nasaan ka?! "kunot-noong tanong ni Amberleigh.
" Sa condo ni Theoden. "sagot ko at mas nanlaki ang mga mata nila.
" Eh bakit nandiyaan ka?! "malakas na tanong ni Haisley.
" Lumayas ako sa amin. Don't worry, kasama ko naman si Theoden. "
" Eh bakit hindi ka nalang dito sa amin?! "kunot-noong tanong ni Amberleigh.
" Dito na niya ako dinala. At saka, umalis na ako sa kumpanya. "nakangiti ngunit malungkot kong sabi.
" May nangyari ba? "nag-aalalang tanong ni Haisley.
" Oh my goodness girl! Si Katalene na naman?! "
" No no. Hindi. Napatunayan ko lang na hindi pa rin ako tanggap ni Dad kaya umalis ako. "sagot ko.
" May sinabi na naman ba ang Dad mo? "batid kong seryoso na si Amberleigh.
" Alam niyo na 'yun. "sagot ko at tumawa ng peke.
" Hay nako Sapphira. Dapat sinabi mo sa amin kaagad para naman natulungan ka namin. "nag-aalalang sabi ni Haisley.
" I'm okay girls. Huwag na kayong mag-alala. "sabi ko at naramdaman ko namang tumabi si Theoden sa akin.
" Don't worry. She's safe with me. "nakangiting sabi ni Theoden.
" Basta aalagaan mo yan 'ah! Kung hindi, hindi mo na talaga siya makikita! "banta ni Amberleigh at natawa naman ako.
" And, ikaw na ang bahala sa brat naming kaibigan. Wag mong paiiyakin yan diyaan. "saad ni Haisley.
" Noted. Trust me. Hindi ko siya paiiyakin. "aniya at tumingin." Kung hindi ko lang sila nakilala bilang kaibigan mo, iisipin ko na nanay mo sila. "bulong niya sa akin kaya natawa ako.
" They're just over-protective. Mas okay na 'yun kaysa pinapabayaan nila ako. "bulong ko. .
" Okay. Pupunta lang ako sa kusina. What do you want to eat? "tanong niya.
" Kahit ano nalang. Thank you. "nakangiting saad ko at bago pa man ito umalis ay hinalikan niya ang pisngi ko.
" Uh guys, siguro kailangan na naming magpaalam ni Haisley. Mukhang nakakaabala kami sa alam niyo na.. "nang-aasar na sabi ni Amberleigh at tumawa.
" Baliw! Sige na. Mag-iingat kayo diyaan. "nakangiting paalam ko.
" Okay! Ingat din kayo diyaan! "bati nilang dalawa at nawala na sa camera.
Pagkatapos naming mag-usap usap ay sumunod na ako kay Theoden.
" Ano'ng ginagawa mo? "
" Slicing an apple? I guess? "patanong nitong sagot kaya tinaasan ko siya ng kilay. "What? "parang naiinis na aniya.
" So naiinis ka na?! "sigaw ko at dahan-dahan namang nawala ang pagkunot ng noo nya.
" No. "parang maamong pusa na aniya.
" Good. Akala ko naiinis ka eh. "nakangising sabi ko at tinalikuran siya.
Dumampot naman ako ng tuwalya at pumasok sa banyo.
Paglabas ko ay napatili ako nang makita si Theoden na nakahiga sa kama.
" What!? Ang ingay mo! "sigaw niya sa akin at tumalikod.
" Hoy lalake lumabas ka nga muna! Magbibihis ako! "sigaw ko ngunit hindi niya ako pinakinggan kaya naman mabilis akong lumapit at hinila siya paalis sa kama.
" What's wrong with you?! "inis niyang aniya at tumigil naman ako sa paghila.
" Umalis ka o palalabasin kita sa condo mo?! "banta ko at napapantastikuhan naman siyang tumingin sa akin.
" Wow! Ako pa talaga ang lalabas?! "
" Oh eh sino?! Ako?! Palalabasin mo ako?! "nanlalaki ang matang sigaw ko.
" N-no. Sabi ko nga lalabas na ako. "nakangusong aniya at lumabas ng kwarto.
Nakakastress ang lalaki na 'to!
Hays! Paano pa kaya kung naging asawa ko siya? Edi mas lalong hindi natahimik ang bahay.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakaupo habang nanonood ng tv.
" Anong gusto mong ulam?" tanong niya at humarap sa akin. "W-what the fuck! Magpalit ka nga ng damit!" sigaw niya at patakbong lumapit sa akin.
"Bakit?"
"Masyadong revealing ang suot mo!"
"Eh nandito lang naman ako sa condo mo ah?!"
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Roman pour AdolescentsMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED
