Sapphira's POV
Hapon na nang magising ako. Wala sa tabi ko si Theoden kaya naman kaagad akong tumayo at naligo muna.
Pagkatapos kong maligo, nadatnan ko ang cellphone ko na umiilaw kaya naman kaagad ko itong tinignan.
1 message
From:Haisley
Girl! Your dad needs you right now!Napakunot naman ako sa nabasa kaya dali-dali kong tinawagan si Haisley at lumabas sa kwarto. Nakita ko pa si Theoden na nasa kusina at may ipine-prepare na kung ano.
"Hello Hais? Good afternoon. Ano yung text mo?"
"Girl! Kailangan ka ni Tito right now!" sigaw niya.
"Ha? Kailangan? Bakit?"
"Hindi mo pa ba nakita? Kalat na kalat sa social media!"
"Just straight to the point Hais. Bakit nga? Ano bang nangyari?"
"Natangay ang 10 million sa company niyo!" anunsyo niya at natigilan ako.
10 m-million?!
"10 million?! Ano'ng nangyari?! Bakit ganoon karami?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses.
"Sapp, just relax. Baka mapano ang baby mo. Pero, tignan mo nalang ang isesend kong link sa'yo. Don't make yourself stress." aniya at binaba ang tawag.
Eh sa nangyayari ngayon sino ang hindi masstress?
Pinakalma ko ang sarili at pumunta sa sinasabing link ni Haisley.
Mr. Limuel Alvestre himself stated that Katalene Galencio (her soon to be wife) stole 10 million pesos in the company. Police declared man-hunt.
Hindi ako makapaniwala..
Sinasabi ko na nga ba! Walang iaambag na maayos si Katalene kay Dad!
"Hey? Ano'ng nangyayari? Narinig kong sumisigaw ka kanina." parang nag-aalalang usal ni Theoden habang hawak pa ang mangkok na may ice cream.
Wala pa akong pakialam sa ice cream ngayon dahil mas kailangan ako ni Dad. Siguro mamaya o bukas nalang ako kakain.
"Theoden, kailangan ako ni Dad ngayon." diretsyo kong saad.
"What? Why?"
Iniharap ko sa kaniya ang link at maging siya ay nagulat.
Pagdating sa bahay namin, nagtanong-tanong ako sa mga katulong kung nasaan si Dad. At nalaman kong nasa kwarto siya.
"Ako na ang kakausap kay Dad." baling ko kay Theoden. Batid kong ayaw niya akong payagan. "Please? Leave it to me."
Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto at naabutan si Dad na umiinom habang nakaupo sa paanan ng kama.
"Dad.." pagtawag ko at humarap siya sa akin ng namumugto ang mga mata.
"Wala na.. Wala na ang naipundar namin ng Mommy mo... Kasalanan ko 'to.." sunod-sunod niyang usal kaya naman mabilis ko siyang nilapitan at inilayo ang mga bote.
"Dad, it's not your fault, okay? Tutulungan kita. Tutulong ako. Iaangat natin ang kumpanya ulit."
"Pero paano? Wala na tayong pera. Natangay na lahat."
"Dad, akong bahala. Kahit ngayon lang ay pagkatiwalaan mo ako." seryoso kong usal.
"Matagal na akong nagtitiwala sa'yo. At alam kong hindi mo ako bibiguin.. Anak.." usal ni Dad at natigilan ako.
Anak
Anak
AnakMatagal-tagal ko na ring hindi narinig ang salita na 'yun..
Hindi ko na naiwasang umiyak at naramdaman ko nalang na niyakap niya na ako.
" I' m sorry. Sa mga panahon na kailangang-kailangan mo ng proteksiyon ng isang ama ay wala ako. I'm sorry Sapphira." umiiyak niyang usal.
"It's okay Dad. Pwede ka pa namang bumawi."
"Alam kong nagalit ka sa akin.. And I'm sorry.. Sorry kung hindi ko kinonsidera ang nararamdaman mo.. Masyado akong nagpakabulag sa mga salita na ako lang ang may gawa.."
"Shh.. Hindi mo kasalanan Dad. Huwag ka nang umiyak.. Babawiin natin ang kumpanya, okay?"
Paglabas ko sa kwarto ay ipinaasikaso ko muna si Dad sa mga katulong. Nakita kong nakaupo sa sofa si Theoden kaya lumapit ako.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya at hindi ko na maiwasan na maiyak lalo na nang maalala ang mga sinabi ni Dad. Niyakap niya ako at pinatahan.
Ilang taon ko ring hindi naramdaman ang pagkakaroon ng tatay.. Pero ngayon, heto at sabay naming ibabalik ang lahat.
Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob kay Dad. Kahit pa sabihin kong nagalit ako, may parte sa puso ko na iniintindi pa rin siya.
At dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa wakas, natauhan na siya. Sa wakas, may tatay na ulit ako..

BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Roman pour AdolescentsMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED