Chapter 29

61 4 1
                                        

Sapphira's POV

Maaga kaming nakauwi ni Theoden dahil sa siguro na rin ay bago pa lang kami sa kumpanya.

"Tumawag sina Haisley kanina. Niyayaya akong magbar."

"Bar? Why?" kunot-noong tanong ni Theoden .

"Nag-quit na rin yata sila sa pagiging Musician."

"Ah. Saang bar?"

"I don't know. Itetext ko nalang sayo mamaya pagdating namin doon." sabi ko, at nagbihis.

"Seriously? You're wearing that 'bitin sa tela?" turo niya at itinulak ako papasok sa kwarto. "Change."

"Ano ka ba!? Balak mo bang pagsuotin ako ng mahabang palda?" inis kong tanong.

"Ayusin mo ang pagdadamit mo. Ayokong nakikita ng iba ang katawan mo. Ako lang dapat." seryosong aniya at naghalungkat ng pwede kong maisuot.

Nang makakita, isang black fitted longsleeve dress ang ipinasuot niya sa akin.

Akmang magbibihis din siya ngunit pinigilan ko.

" Sasama ka? "

" At bakit hindi?"

" Aish! Dito ka nalang sa condo."

"At bakit? Girlfriend kita kaya babantayan kita."

"Theoden, kaya ko ang sarili ko. Okay? At saka kasama ko sina Haisley at Amberleigh kaya don't worry, okay?" saad ko at ngumuso naman siya.

"Okay. Tawagan mo ako kapag magpapasundo ka na." aniya at hinalik-halikan ang pisngi ko.

Susunduin kasi ako nina Haisley ngayon.

Sabay kaming bumaba ni Theoden at naabutan na namin sina Haisley at Amberleigh na nakasandal sa kotse.

"Ano yan? Kindergarten? Kailangan ihatid muna?" biro ni Amberleigh at tumawa naman si Haisley.

"Girls, huwag kayong magpapalasing. Mag-iingat kayo doon." paalala ni Theoden.

"Oh sige na. Bye na." paalam ko at hinalikan siya sa pisngi bago sumakay sa kotse.

Pag-andar ng kotse ay nagsimula nang dumaldal si Amberleigh.

"Girl! Excited na akong magtrabaho!" masayang sigaw ni Amberleigh.

"Hay nako Amberleigh. Nasasabi mo lang yan ngayon dahil hindi ka pa nagsstart. Hintayin mong magsimula ka, at kakainin mo yang sinabi mo." natatawang sabi ko.

"But at least, itutuloy ni Haisley ang Boutique niya!" masayang wika ni Amberleigh at nagulat naman akong tumingin kay Haisley.

"Pumayag na ang Mommy mo?!" gulat kong tanong.

"No. Hindi niya alam. Pero sinunod ko ang sinabi niyo. Instead of listening to their judgments, bakit hindi ko nalang sundin ang pangarap ko, 'di ba? nakangiting aniya kaya napangiti ako.

"Okay! Good luck sa bagong boutique mo!" nakangiting sigaw ko.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa Bar na sinasabi nila.

Pagpasok namin ay bumungad ang ingay ng tugtugin at ang mga umpugan ng mga shotglass.

Umupo kami sa isang sofa at nag-order.

" Para sa boutique ko! "sigaw ni Haisley at itinaas naming tatlo ang glass.

" Para sa boutique ni Haisley! "sigaw din namin ni Amberleigh at sabay-sabay na tumawa.

" Masyadong mapait! "reklamo ni Amberleigh ngunit tinuloy-tuloy lang ang pag-inom.

Ilang oras pa ang lumipas, naghilaan na kaming tatlo sa dance floor. Kaniya-kaniyang trip ng sayaw na parang mga 20 years old lang kami.

Pagkatapos ng masayang sayawan, bumalik kaming tatlo sa sofa. Doon ay naabutan ko ang cellphone ko na umiilaw.

"Hey?" biglang usal ni Theoden sa kabilang linya.

"Hey!" lasing kong bati.

"Are you drunk?!"

"No I'm not!" natatawang usal ko.

"Susunduin na kita."

"1 hour." napapapikit kong saad.

"No."

At kaagad niyang ibinaba ang linya.

Ilang inuman pa ang ginawa namin hanggang sa nalasing na si Amberleigh.

Knock out agad ang gaga.

Ako naman ay nakakaramdam na ng hilo at lumalabo ang paningin sa bawat nadadapuan ng tingin ko.

Si Haisley nalang ang natitirang matibay sa amin. Hindi naman kasi masyadong marami ang ininom niya dahil magmamaneho pa siya at talagang hindi naman siya sanay uminom ng marami.

Theoden's POV

Pagtawag ko kay Sapphira ay kaagad na akong nagmaneho sa sinasabi nilang Bar.

That brat! Sinabi kong huwag siyang maglasing pero sa tono niya ay lasing na siya.

Pagdating ko sa bar ay inilibot ko ang paningin. At nakita ko si Haisley na nakaupo habang nakapikit sa sofa. Kaya kaagad akong lumapit at nakita kong tulog na si Amberleigh at Sapphira.

"Oh Theoden." pagpansin sa akin ni Haisley. "Kuhanin mo na 'yang girlfriend mo. Masyadong maraming ininom. Nakipagpaligsahan pa dito." paliwanag ni Haisley at itinuro si Amberleigh.

"I told her not to drink too much." napapailing kong sabi at lumapit kay Sapphira. "Hey." pagtawag ko ngunit tulog na tulog talaga siya.

Bumaling ako kay Haisley at binubuhat na rin niya si Amberleigh.

"Kaya mong magmaneho?" tanong ko kay Haisley.

"Yeah. Hindi naman masyadong marami ang ininom ko. Iuwi mo na si Sapp." aniya at inakay na si Amberleigh.

Kaagad ko namang binuhat si Sapphira at kinuha ang bag niya.

Nauna nang makaalis sina Haisley at sumunod kami. Inihiga ko nalang si Sapphira sa backseat dahil lasing na lasing siya.

Pagdating sa unit ay idineretsyo ko siya sa kwarto.

"D-dad..." usal niya kaya nabaling sa kaniya ang paningin ko. "Sorry.." mahinang bulong niya.

Napailing nalang ako. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili kung bakit ganon ang trato sa kaniya ng papa niya.

Kumuha ako ng tubig at face towel at sinimulan siyang hilamusan.

"Sinabi ko na huwag kang maglalasing."napapabuntong hininga kong sabi at pinunasan siya sa braso.

" Stop.. "pagpigil niya at inagaw ang braso." Don't... "parang nagmamakaawa niyang saad at lumayo.

Lasing na talaga siya.

" Wag matigas ang ulo mo. "saad ko at kinuha ang braso niya.

" Don't... Please... "aniya at nagsimulang umiyak.

I  knew it.. Bumabalik na naman ang trauma niya. Kaya itinabi ko nalang ang lalagyan ng tubig at umupo sa tabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya ngunit umiwas siya.

" M-my boyfriend... Will kill you.. "usal niya at niyakap ang sarili.

Napangiti nalang ako at kinumutan siya.

" Silly girl. I'm your boyfriend. At mapapatay ko talaga ang mga taong may gustong gawin na hindi maganda sayo. "sambit ko at hinalikan siya sa noo.




Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon