Sapphira's POV
Nanlalamig ang mga kamay ko nang mabasa ang text ni Theoden. Si Eloise nga talaga ang kumuha kay Cayden.
Naku! Talagang mapapatay ko siya ng wala sa oras!
Tinawagan ko sina Haisley at Amberleigh at pinasunod sila sa sinend na address sa akin ni Theoden. Ang sabi niya ay magpadala ako ng back-up kaya sina Haisley at Amberleigh nalang ang pinapunta ko. Pinigilan kasi ako nina Tita dahil hindi pa ako fully recovered sa panganganak ko. Pero hindi ako pwedeng maghintay lang dito habang nasa panganib ang anak ko.
Nagpupumilit ako hanggang sa si Tita na mismo ang naghatid sa akin sa sinabing address ni Theoden.
Doon ay naabutan ko sina Haisley at Amberleigh na nasa labas at halatang tumitingin sa loob.
"Hoy." mahinang tawag ko at nagulat naman silang tumingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?! Hindi ka pa magaling!" mahinang sigaw ni Amberleigh.
"Shh! Hayaan mo na! Anak ko ang nasa peligro at ano ang inaasahan mong gawin ko? Magchill?!" inis kong sabi at bumaling sa abandonadong building. "Tara na nga!" yaya ko sa kanila at nauna akong naglakad papasok.
Theoden's POV
Pagpasok ko sa building ay biglang bumungad sa akin si Eloise.
"Well, well, well. Dumating ka nga." nakangising aniya at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.
"Nasaan ang anak ko Eloise?" kalmado kong tanong ngunit tinawanan lang niya ako.
"Not so fast." aniya at hinila ako.
Napakunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki sa harapan ng isang table.
"Ikasal mo na kami." utos ni Eloise sa lalaki at kaagad ko namang binawi ang kamay ko.
"Are you fucking out of your fucking mind?!" sigaw ko. "Stop this nonsense at ibalik mo na sa akin ang anak ko!" sigaw ko ngunit umiling-iling siya.
Nagulat ako nang may tumutok na baril sa ulo ng judge.
"Ikakasal mo kami o hindi?" seryosong tanong ni Eloise at balisa namang humawak ng libro ang judge.
Akmang magsasalita na ito nang biglang may pumalo na kahoy sa ulo ng lalaking may baril. Nagulat ako nang makita si Haisley.
Ngunit nabaling ang paningin ko nang makita si Amberleigh na pinalo ng kahoy si Eloise at tumumba naman ito sa sahig.
"A-anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ko.
"Sabi mo kailangan mo ng back-up?" natatawang saad ni Haisley at nagsuot ng gloves saka kinuha ang baril ng lalaki. "First time kong humawak nito ah. Pano ba 'to?" tanong niya sa sarili at itinapat ang baril sa paa ng lalaki at walang ano-ano ay pinutok ito.
Nagulat naman ako sa ginawa niya at halatang nasisiyahan na apra bang achievement sa kaniya ang makagamit ng baril.
" Wow! Kaya mo na Hais! "natutuwang sigaw ni Amberleigh at nag-apir pa sila.
What the fuck?! Ano ang naiisip ng mga babae na 'to?!
Nilingon ko ang pinaglalagyan ni Cayden kanina ngunit wala na siya. Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang hawak na siya ni Sapphira.
" Anong ginagawa ko dito? Niligtas ko ang anak ko." aniya bago pa man ako magtanong. "Tara na nga." yaya niya at akmang maglalakad nang biglang bumangon si Eloise at may hinugot na baril sa bulsa.
Tinutok niya iyon kay Sapphira kaya naman mabilis akong tumakbo at iniharang ang sarili sa mag-ina ko. Napatitig nalang ako kay Sapphira kasabay ng pagputok ng baril.
"T-theoden.." napapaos na tawag ni Sapphira. Tumingin ako sa sarili pero ni isang sugat ay wala akong natamo.
Napatingin nalang ako sa likod nang makita na nakaluhod na si Eloise habang hawak ang balikat.
"Hala sayang hindi pa nag-head shot." parang malungkot pa na saad ni Haisley at hindi ako makapaniwala. Talagang iyon pa ang sasabihin niya?!
Nagulat ako nang itutok niya pa ulit ang baril kay Eloise.
"Lalabas ba ang utak niya kapag binaril ko sya sa ulo?" tumatabingi pa ang ulo na tanong ni Haisley.
"Gaga! Walang lalabas diyaan. Wala namang utak yan!" reklamo ni Amberleigh. "Tama na nga yan. Andiyan na pala yung mga pulis. Bitawan mo na yan. Baka sabihin ikaw ang kriminal. Makita pa yang fingerprint mo diyaan."mahabang litanya ni Amberleigh at tinapik ang baril.
" May gloves ako! "nakangiting saad ni Haisley habang iwinawagayway ang kamay.
This is fucking insane! Hindi ako makapaniwala na sinasabi nila ito sa harapan ko mismo.
Ibinalik ko ang tingin kay Sapphira at sinuri kung may tama siya ng bala.
" Are you okay? "tanong ko at niyakap siya.
" T-theoden, si Cayden baka maipit. "anya kaya agad akong napabitaw at napatingin sa anak ko. Napahinga ako ng maluwag at hinalikan siya sa noo na ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog sa gitna ng nangyari.
" Nagmana siya sayo. Tulog ng tulog. "biro ko at sabay kaming natawa.
Nakaakbay lang ako kay Sapphira habang tinitignan na hulihin sina Eloise at ang mga kasabwat niya dito. Maraming kaso ang pwedeng isampa sa kaniya dahil pati ang walang kamuwang-muwang na sanggol ay pinagdiskitahan niya.
"Good job girls!" sigaw ni Sapphira at nag-apir silang tatlo.
Mga baliw ang mga babae na 'to. Ang isa ay kahoy lang, sapat na. Ang isa, inosente sa paggamit ng baril habang ang isa, chill lang habang kinukuha ang anak ko.
Hindi talaga ako makapaniwala. Nagulat na lang talaga ako nang makita na buhat niya na si Cayden na parang walang nangyari.
Mabuti nalang din at hindi sinugod ni Amberleigh si Eloise dahil kung sinugod siya ni Amberleigh, hindi sa kulungan ang bagsak niya kundi sa ospital.
![](https://img.wattpad.com/cover/226460859-288-k630107.jpg)
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED