Sapphira's POV
Dumating ang araw ng birthday ni Theoden. Maraming tao sa party at ang iba ay ang mga nakikita ko sa kumpanya.
Nakasuot ako ng one-shoulder red dress at tinernuhan ko ng high-heels.
"Happy birthday Hon." nakangiting bati ko kay Theoden at lumapit.
"Thank you Hon. You look so gorgeous." bulong niya kaya natawa ako.
"As always." Nakangiting sagot ko at ibinigay ang regalo.
Tinignan pa muna niya ito bago buksan. Pagbukas niya ay kinuha ko ang bracelet at ang kwintas.
"Gusto ko, ikaw lang ang magbubukas sa bracelet na 'to. Dahil gusto ko, ikaw ang susi para maging masaya ako." nakangiting paliwanag ko at ini-lock ang bracelet saka ibinigay sa kaniya ang kwintas.
"Let me try." natatawang aniya at binuksan ang bracelet at nagugulat naman siyang tumingin sa akin. "Wow! Where did you get this?" napapantastikuhang tanong niya.
"Naalala mo kahapon nong nagpaalam ako?"
Dahil sa tuwa ay bigla nalang niya akong niyakap kaya napangiti nalang ako at yumakap pabalik.
"Thank you and I love you!" saad niya at hinalikan ako.
"You're always welcome and I love you too." sagot ko.
Tinawag na kami ni Tito kaya sabay na kaming naglakad papunta sa lamesa na para sa amin.
Nagsalita lang si Tito at nagpasalamat sa lahat ng dumalo. Umakyat si Theoden sa stage at pumalakpak naman kami.
Dumating ang oras na kailangang magbigay ng speech para kay Theoden at ako na ang susunod.
"Happy birthday Hon. Thank you for staying and accepting me. At first, ang sungit mo sa akin pero ngayon, heto, tayo na." natatawa kong saad. "But, always remember na hinding-hindi kita iiwan. I'll always be your girlfriend and your secretary." nakangiting sabi ko. "Happy birthday ulit Hon. I love you." emosyonal kong saad at binigyan naman niya ako ng mahigpit na yakap.
"Thank you. I love you too." pagsagot niya.
Hindi ko alam kung sino ang susunod kaya bumaba na ako at umupo sa lamesa.
Ngunit nang dumako ang tingin ko sa stage ay hindi na ako nag-abalang makaupo pa.
Bakit nandito si Eloise? Ano ang ginagawa niya dito? Invited ba siya?
Inilibot ko naman ang tingin at nakita si Tito at Tita na nakangiti lang habang nakatingin kay Eloise. Si Thezia ay nakatingin lang sa akin at biglang patakbong lumapit.
"Oh Thez, bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko ngunit kumandong lang siya sa akin.
"I hate her. I want you to be my kuya's wife." pagsusumbong niya at yumakap sa akin.
Ano ang sinasabi ng bata na ito? Masyadong advance.
"Happy birthday Theodenn!" malakas na sigaw ni Eloise kaya naman bumaling ako sa kaniya. "I guess, nagulat ang girlfriend mo kung bakit ako nandito?" nakangising tanong niya at tumingin sa gawi ko. "Hey Sapphira! Are you having fun?!"
Kumunot naman ang noo ko nang makitang lumapit si Theoden sa kaniya at pilit na inilalayo ang microphone.
"Bakit pinapatigil mo ako? I'm just greeting you." usal ni Eloise at lumayo ng kaunti kay Theoden. "Happy happy birthday to my dearest soon-to-be husband!" sigaw niya na nakapagpatigil sa buong sistema ko.
Ano?
Biglang lumakas ang kalabog sa dibdib ko at pinilit na huwag kabahan sa narinig.
"Dahil birthday ni Theoden ngayon, I have an announcement. Theoden and I are engaged!" masayang wika niya habang nakatingin sa akin. "Isn't amazing Sapphira?!" nakangising puna niya sa akin.
Is this a nightmare? Gisingin niyo ako..
"What are you saying?" kunot-noong tanong ko.
"Oh, hindi mo pa ba alam? Ikakasal na kami ni Theoden. Right?" mapang-asar ang ngiti sa labi niya habang dahan-dahang naglakad papalapit kay Theoden. "Hi tita and Tito ! Hi Thezia!" bati niya sa kamag-anak ni Theoden.
"Hi your face! I don't want you! Ate Sapphira is my kuya's girlfriend and soon to be wife!" sigaw ni Thezia.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari..
Napailing nalang ako at patakbong lumabas sa gate nina Theoden.
I can't do this anymore. Sobrang sakit.
" Sapphira! "rinig kong tawag ni Theoden kaya humarap ako." Hon.. "napapaos na tawag niya ngunit sinampal ko siya.
" Ito ba yung dahilan kung bakit iba ang pakikitungo mo? "tanong ko ngunit hindi siya nagsalita." Ito ba Theoden?! "hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko.
Doon na nagsimulang umagos ang mga luha ko nang makitang tumango siya.
" Bakit hindi mo sinabi? "naiiyak kong tanong at pinunasan ang mga luha ko." Ikakasal ka na sa iba nang hindi ko alam! Theoden, girlfriend mo ako! Bakit magpapakasal ka sa iba?! "sigaw ko ngunit lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.
" I'm sorry.. Hindi ko ginusto 'to.. "
" Hindi mo ginusto?! Eh bakit pumayag ka?! Theoden, a-akala ko ba ako lang?! "
Hindi ko alam ang mararamdaman. Gusto kong magalit pero ayaw ng sistema ko. Gusto kong mainis ngunit hindi ko magawa.
"Nag-promise ka 'di ba? Nasaan na 'yun?" napapabuntong hininga kong tanong at suminghap para sa hangin. "Theoden, alam mo namang ayaw kong nagsisikreto tayo sa isa' t isa.. Pero bakit ginawa mo?" naiiyak kong tanong ngunit yumakap lang siya sa binti ko.
"I'm sorry.." batid kong umiiyak na siya ngunit sobrang nasasaktan ako ngayon.
Ngayon ko napatunayang walang relasyon na nagtatagal ng walang ganitong mangyayari. Gusto ko pang lumaban pero paano? Hindi ko pa nga nalaman ng maaga, talo na ako kaagad..
Narinig kong sumigaw si Eloise kaya bumaling ang tingin ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED