Chapter 4

94 8 2
                                    

Sapphira's POV

"What's with that 'kunot-noo'?" maarteng tanong ni Amberleigh habang papunta kami sa University.

"Katalene is getting into my nerves! Nakakainis siya!" reklamo ko.

"Girl, bakit ba kasi hindi ka gumawa ng paraan para maghiwalay sila ng Dad mo? Look. Masyado siyang nagpapapansin sa inyo." Kahit si Amberleigh ay inis na kay Katalene.

Isang araw kasi, pumunta si Amberleigh sa amin. Hindi niya kilala si Katalene noon at napagkamalan niyang katulong. Eto namang si Katalene, kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi kay Amberleigh kaya simula non,hindi na siya pumunta sa bahay. Kung magkikita kita man kaming tatlo ay sa labas nalang.

"I did Amb. Ang dami ko nang sinubukan but Dad is so annoying. Ni ayaw niya akong paniwalaan! Mas pinaniniwalaan pa nga niya ang babae na yun kaysa sa akin." napapairap na sabi ko.

"Ang hirap naman kasi tyempuhan ng babaeng malikot at ayaw magpahuli sa kalandian." Haisley said kaya natawa kaming tatlo.

Amberleigh and Haisley are my childhood best friends. Mahilig din kami sa iba't ibang instruments kaya isa yun sa dahilan kaya nagkasundo kaming tatlo.

Haisley is a lover of piano while Amber is a lover of Harp.

Nang makarating kami sa University, nagkaniya-kaniya na kami dahil magkakaiba kami ng papasukan na classroom.

Pagdating ko sa Violin Class ay sari-saring bulungan na ang naririnig ko. I don't care. Mas kilala ko ang sarili ko.

Isa lang naman ang nakakasundo ko dito. Ang mismong nagtuturo sa amin. Si Ms. Castaño.

"Good morning everyone!" bati ni Ms. Castaño at bumati naman kaming lahat. "May bago kayong makakasama dito sa klase." anunsyo niya at niyaya ang isang lalaki.

Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Sa pagkakatingin ko sa kaniya, parang siya yung tipo ng tao na ayaw ng madaldal. Parang seryoso siya at tahimik lang.

"Good day. I'm Theoden Mercada." cold na pagpapakilala niya.

Tama nga. Seryoso at tahimik. At mukhang snobber pa.

Habang tinuturuan ni Ms. Castaño ang iba naming kasama, nanonood lang ako habang nakaupo sa pinakasulok. Hawak-hawak ko sa kaliwang kamay ang Violin ko.

Masyado na akong marunong dito.

Pagkatapos ng ilang oras na practice, nag-anunsyo muna si Ms. Castaño ng short break kaya wala na akong pinalipas na oras at lumapit na sa kaniya.

"Oh, Sapphira. Hindi ka ba lalabas?" tanong niya nang makita niya ako.

"Ah. Hindi po. Baka kung ano lang ang sabihin sa akin nang mga yun." nakangiting sabi ko.

"Hayaan mo sila. Mas kilala mo ang sarili mo." nakangiti niyang aniya.

Isa pang dahilan kung bakit kasundo ko si Ms. Castaño ay dahil naibibigay niya ang vibes ni Mommy sa akin.

"Oh, bakit ka nandito?"

"Ah. May itatanong lang po ako. Sino po yung lalaki na bagong member dito?" tanong ko kahit pa narinig ko na ang pangalan niya kanina.

"Siya si Theoden Mercada. Nanggaling siya sa ibang bansa. Gwapo hindi ba?" nakangiting ani Ms. Castaño. "Pero, he's deaf. Kaya hindi siya masyadong nakikisalamuha sa ibang members dito."

Ahh. Kaya pala tahimik siya.

"Eh, if he's deaf, bakit dito siya sa Violin class pumasok?" takang tanong ko.

"Hindi naman siya bingi dati. Look." aniya at tinuro si Theoden. Nandoon siya sa gitna habang hawak ang violin at mukhang tutugtog. Tatlo lang kaming naririto sa loob kaya siguro hindi siya nahihiyang tumugtog.

Nang simulan niya ang piyesa, nagulat ako dahil bingi sya pero natugtog niya iyon.

"Wow.." hindi makapaniwalang sambit ko. "Paano niya nagawa yun?"

"Ang sabi sa akin ng mga magulang nya, matagal nang tinutugtog ni Theoden yan. Kahit ako nga nung una, nagulat. Pero, alam na pala tugtugin ni Theoden yan bago pa siya mabingi. At yan ang huling natutunan niya bago siya maaksidente."paliwanag ni Ms. Castaño.

Tatangu-tango naman ako.

" So, dahil sa aksidente kaya siya bingi? Hindi dahil sa violin? "tanong ko at tumango naman siya." Ano naman ang tinutugtog niya? Ngayon ko lang narinig iyan. "

" Chaconne In G Minor. It is one of the sad piece in Violin. "aniya kaya tumango ako.

Hindi ko maialis ang mga mata sa ginagawa niya. Nakakabilib dahil magaling siya.

Pagkatapos niyang tumugtog ay lumabas siya kaya nagpaalam muna ako kay Ms. Castaño na lalabas at dali-dali ko siyang sinundan.

Nakita kong umupo siya sa isang bench at nagpandekwatro. Kaya nakiupo na din ako.

Nakalimutan kong hindi nga pala ako marunong ng sign language!

Nagwave naman ako sa kaniya at dahan-dahan siyang humarap sa akin.

Itinuro ko ang sarili at inilahad ang kamay ko. Gusto kong makipagkaibigan. Gwapo kasi eh.

"Are you stupid?" biglang tanong niya kaya dahan-dahan kong naibaba ang kamay ko.

Mukha nga sigurong tanga!

Umiling naman ako at hinalungkat ang bag ko kung may pen at paper ako.

'Hi? I' m Sapphira. 'pagsulat ko sa papel at iniharap sa kaniya.

"Okay."

Okay? Okay lang!?

' Pwede namang makipagkaibigan sa iyo hindi ba? '

"I don't accept friends."

Ang tipid naman magsalita nito.

"I saw you. Ang galing mo pala sa violin.'

" You didn't saw me. Tinitigan mo ako. "

A-ano?! Ang yabang nito!

' No. Nakikipag-usap ako kay Ms. Castaño kanina.'

Ngunit tinignan niya lamang ako at tumayo.

Hindi pa man siya nakakahakbang ay pinigilan ko na ang braso niya.

"What?"

' Sabay na tayo.'

Tumango nalang siya at nauna nang maglakad.

Habang naglalakad kami pabalik, may ilang naririnig akong bulungan na bakit daw kasama ako ng gwapo na tulad niya. Na malandi daw ako at may iba na namang kasamang lalaki.

Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa kaniya. Feeling ko kasi hindi niya ako huhusgahan dahil bingi siya at hindi naririnig ang sinasabi ng ibang tao.

Hindi pa man ako nakakalapit kay Theoden ay may pumatid na sa akin.

Narinig ko ang tawanan ng ibang naroon. Si Theoden ay dire-diretso lang ang lakad.

Hindi nga pala niya naririnig.

Dahil sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko ay tinignan ko ang pumatid sa akin.

"Ibang lalaki na naman?" nakangising sabi ni Eloise sa akin.

"Ano ba ang pake mo? Ikaw ba ang nai-issue?" inis kong sabi at tinalikuran sila.









Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon