Chapter 42

59 3 0
                                    

Sapphira's POV

"Good morning everyone. Alam kong alam niyo na ang kinahaharap ng kumpanya ngayon. At ineexpect ko na lahat ay makikisama para sa mabilisang pagbawi sa nawala sa atin." anunsyo ko sa lahat ng nagtatrabaho sa kumpanya. "Alam kong lahat kayo ay may binubuhay na pamilya. At asahan nyo na pag dumating ang araw ng pagbabalik natin, giginhawa ang lahat." seryosong saad ko.

Pagkatapos ng pagpupulong na iyon ay kaagad akong pumunta sa Conference room. Naabutan ko na doon ang mga kasosyo sa kumpanya ni Dad. Si Dad ay nasa gilid habang sinusuri ang laman ng folder na siyang balak ko para sa kumpanya.

Dumaan ang ilang buwan, unti-unti kong nakita na bumabangon na ang kumpanya namin. At sa paglipas ng buwan ay siya ring paglaki ng tyan ko. Kaya todo alaga kami nina Theoden at Dad.

"Mag-leave ka muna kaya?" pang-limang beses na itong itinanong ni Theoden sa akin ngayong araw.

Nandito kami sa bahay dahil nirequest ni Dad na dito muna kami magstay para naman may kasama siya.

"Hon, ayos lang. Kaya ko pa namang magtrabaho." sagot ko at nakita ko namang bumuntong-hininga siya. "Don't worry, okay? Sobra-sobra ang pag-aalaga ko sa sarili ko at hindi naman ako nagpapakastress." paliwanag ko.

Bumaling ang tingin ko sa pinto nang may kumatok doon.

"Mam, sir, pinapatawag na po kayo ng Daddy niyo sa baba." anunsyo ng katulong namin kaya sabay na kaming bumaba ni Theoden.

Pagdating sa kusina ay nagtaka ako kung bakit maraming mga pagkain at plato.

"Anong meron? Fiesta?" kunot-noong tanong ko at narinig ko namang tumawa si Dad.

"Hindi. May bisita tayo." sabi ni Dad at tumingin naman siya kay Theoden at saka ngumiti.

Ilang saglit pa, narinig ko na tumunog ang door bell kaya kumilos ang mga katulong.

Nagulat ako nang biglang patakbong pumasok si Thezia, sumunod si Tita at si Tito.

" Hello Ate Sapphira! Hello baby boy!" masayang bati ni Thezia at humawak sa tiyan ko. "I will be a good tita to you."masayang saad ni Thezia kaya natawa ako.

She's 11 years old. Kakabirthday niya lang last month.

8 months na akong buntis. Kinakabahan ako sa panganganak pero gusto kong masilayan na agad ang anak ko.

" Sya nga pala, inimbitahan ko sila. "Nakangiting usal ni Papa kaya naman dumako ang tingin ko sa kanila.

Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung ano na ang desisyon sa kasal nina Theoden at Eloise. Pero nasisiguro kong hindi na tuloy ang kasal dahil buntis na ako at malapit nang manganak.

Ilang saglit pa, nagsimula na silang magkwentuhan. Puro tungkol sa business. Habang ako, si Thezia at Theoden ay nagkukulitan.

"Ate, samahan mo po ako. Naiihi na ako eh." saad ni Thezia kaya naman hinawakan ko sya sa kamay at nagpaalam na sasamahan ko muna sa banyo si Thezia.

Pagkatapos niyang umihi, napagpasyahan na naming bumalik sa kusina. Ngunit pagdating namin doon ay wala na sila.

"Saan sila nagpunta?" kunot-noong tanong ko at nagulat nalang ako nang hilain ako ni Thezia papunta sa garden. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Thezia ngunit hindi siya sumagot at may pinulot sa bench.

Inabot niya sa akin ang isang rosas na pula.

"Thank you Thez." nakangiting sabi ko ngunit tumakbo siya.

Naiwan akong mag-isa dito. Sobrang dilim pa naman.

Pero ganon nalang ang gulat ko nang biglang bumukas ang mga ilaw na nakapaligid sa garden at nakita ang mga lobo na nakalutang sa pool. Sobrang ganda. May mga pictures na nakatali sa puno kaya naman nilapitan ko iyon. Mga picture ko simula nang bata ako hanggang sa lumaki. Ang ibang mga pictures ay kasama ko na si Theoden.

Napalingon ako nang biglang may tumugtog ng violin. At talagang beautiful in white pa ang tinugtog.

Napangiti nalang ako nang mapag-alaman na si Theoden pala iyon. Naglalakad siya papalapit sa akin habang tumutugtog.

"Anong pauso 'to?" pabiro kong tanong ngunit nginitian niya lang ako at tinapos ang kanta.

Lumapit siya sa akin at nilagyan ako ng silya para makaupo.

"Who would've taught na makakaabot tayo sa ganito?" natatawang aniya at hinalikan ang kamay ko. "You're everything to me, you know that. You're my everything. You're my strength. You're my princess. You're my babaeng nagsusulat sa papel. You're my life." litanya niya at lumuhod. "Sapphira Alvestre, the brat, the party-goer and a lover of violin and a lover of mine, will you marry me?" nakangiti ngunit naluluhang tanong niya at natutop ko nalang ang sariling bibig dahil sa pinaghalong gulat at saya.

Dahan-dahan akong tumango. "Yes. Yes Theoden, yes!" paulit-ulit kong sigaw at masaya naman niyang isinuot sa akin ang singsing at niyakap ako ng mahigpit.

Nakita ko naman sina Tito at Tita. Maging si Dad at Thezia ay nanonood sa amin.

Nagpaalam muna silang papasok sa bahay at naiwan kaming dalawa ni Theoden sa garden. Nakaupo kami sa bench ngayon habang nakasandal ako sa kaniya.

"I love you." usal niya kaya napangiti ako.

"I love you too." sagot ko at hinalikan niya ang kamay ko. "Nasurprise talaga ako ah? Thank you."

"Thank you for what?"

"Dahil dumating ka sa buhay ko. Dahil nagtiis ka sa katulad ko. Dahil minahal mo ang tulad ko. Dahil hanggang ngayon, hindi mo ako sinusukuan."

"You're always welcome. At saka, sino ang hindi mahuhulog sa isang tulad mo? Sweet, maalaga at unique." sagot niya.

"What do you mean by unique?"

"Uhm, mas nauuna kang nagyayaya na makipag-ano. Tapos may pakanta-kanta ka pa ng Mommy finger mommy finger." sagot niya kaya natawa ako.

Unique ba 'yon? HAHAHAHA

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon