Sapphira's POV
"Alam mo ba, si Eloise, dikit na naman ng dikit sa bebe ko." mataray na sabi ni Amberleigh.
Nag-iikot kami ngayon sa Mall dahil nga sa sinabi kong magsho-shopping kami. Pambawi na rin. Baka batukan ako ng mga 'to.
"Eh bakit kasi hindi mo nalang gulpihin?" natatawang suhestyon ni Haisley.
"Gusto ko na nga. Eh kaso, ayaw ni Jodan 'yong ganon. Kaya kapag wala nalang si Jodan, doon ko nalang siya sasaktan. Mabait ako eh. Baka hindi pa ako, patulan ni Jodan pag nagkataon." biro niya at tumawa.
"Alam mo, ang tagal mo nang may gusto sa kaniya. Wala pa rin ba siyang gusto sayo? Kahit konti?" tanong ko dahil ang tagal na talaga niyang umaasa.
"Nakakaramdam naman ako. Pakiramdam ko nga ay hindi konti 'yon. Baka sa loob-loob niya ay gusto niya na akong pakasalan." biro niya at tumawa.
Napailing nalang si Haisley sa mga pinagsasasabi niya.
"Ang lakas mo mangarap 'no?" nakangiwing tanong ko at sumimangot nalang siya.
"Panira kayo sa imagination ko eh 'no? Tara na nga! May bagong mga bags na dumating ang balita ko." excited niyang aniya at hinila na kami papunta sa isag bag store na sinasabi niya.
"Oh, eh ano na ang balita sa inyo ni Kade?" panimula ulit ni Amberleigh. Talagang hindi na nauubusan ng topic.
"Okay naman." nakangiting sabi ni Haisley at parang kinikilig pa.
"Ano yang ngiting yan? Ngiting tanga." nakangiwing sabi ni Amberleigh at tinarayan naman siya ni Haisley.
"Palibhasa pinapaasa ka ng gusto mo." pambawi ni Haisley at nakita ko namang sumimangot si Amberleigh. Parang aso't pusa.
"Okay ka na 'non?" sarkastikong tanong ni Amberleigh habang naka-thumbs up pa.
Parang nang-aasar namang tumango si Haisley.
"Tama na nga yan. Nasan ba kasi yung mga bag na sinasabi mo?" pag-iiba ko nalang ng usapan.
"Ay oo nga pala. Wait." aniya at nagtanong sa isang babae na nakatayo sa gilid.
Ilang minuto pa at iniharap na niya sa amin ang mga bags.
Amberleigh is obsessed with bags. Kaya ganiyan nalang ang excitement na nararamdaman niya kapag may bagong darating na mga bags galing sa ibang bansa.
While Haisley is obsessed with clothes. Sa aming lahat, siya ang fashionista. Fashionista'ng marupok.
Pagkatapos naming bilhin ang mga bags na napili, sunod naman naming pinuntahan ang store ng mga damit.
Gustong gusto kasi ni Haisley na magtayo ng sarili niyang Boutique pero hindi siya pinapayagan ng Mommy niya. Masyadong strict kay Haisley at parang walang tiwala. Isang dahilan kaya kami nalang ni Amberleigh ang nagtitiwala sa kaniya at sinusuportahan siya sa kahit saan. Kahit pa sa pagiging marupok kay Kade.
"I'm planning to build a boutique. Kaso ayaw ni Mommy." malungkot na aniya.
"Bakit? Hindi ba pwedeng huwag mo munang sundin ang Mommy mo? Magtayo ka ng boutique dahil gusto mo at 'yon ang hilig mo. Tutulungan ka namin."wika ni Amberleigh.
" But, alam niyo namang never pa akong sumuway sa utos ni Mommy. "malungkot niya pa ring sabi." Gusto niya na mag-doctor ako. Pero ayoko'ng magdoctor. Gusto kong gawin kung anong gusto ko pero hindi pwede. Hindi dapat. "usal niya.
" Follow your dreams. Hindi ang gusto ng ibang tao. Kapag pinakinggan mo kasi sila, mawawalan ka talaga ng confidence na gawin yung gusto mo. Hayaan mo sila na magalit dahil ayaw nila yung ginagawa mo pero hayaan mong sumaya yung sarili mo sa mga gusto mong gawin na tama. "payo ko.
" Eh paano si Mommy? Magagalit siya sa akin. "
" Hais, paano ang pangarap mo? Kung patuloy kang mag-iisip na 'ay paano siya, ay paano sila' mahihirapan kang gawin kung ano ang gusto mo. Subukan mo ding tanungin sa sarili mo na 'ay paano naman ako?'" I stated.
Tumingin pa muna siya sa amin at bumuntong - hininga.
" Salamat sa mga sinabi niyo. Pero, pag-iisipan ko muna. "nakangiti ngunit malungkot na aniya.
" Basta kapag napag-isip isipan mo, kung ayaw ng Mommy mo, willing kaming tumulong ni Sapphira. "usal ni Amberleigh.
" Thank you sa inyo. "Nakangiting aniya.
Pagkatapos ng eksena na 'yon, sabay-sabay kaming kumain sa restaurant na palagi naming kinakainan.
" Kamusta na kayo ni Theoden? "tanong ni Amberleigh habang ngumunguya.
" Okay naman. Bumisita siya sa akin sa office kahapon. "
Nagulat ako nang biglang ibaba ni Amberleigh ng pabagsak ang kutsara niya.
" Anong nangyari?! "parang naiintriga niyang tanong.
" Anong 'anong nangyari?' "kunot noong tanong ko.
Nang marealize ko kung ano ang nasa isip niya ay pinitik ko naman ang noo niya.
" Ayan ka na naman. Nag-iisip ka na naman ng hindi maganda. Wala namang nangyari. Nagha---"kaagad kong naputol ang sinasabi ko at tumikhim." Nagdala lang siya ng kape. "palusot ko.
Muntik na ako doon ah.
" Yun lang ba talaga? "nakangising tanong ni Amberleigh.
" Oo nga! "I exclaimed." Ay may irereto ako sayo. "tumataas ang kilay kong sabi kay Amberleigh.
" Nevermind. May Jodan na ako. "sagot niya.
" Talaga? Sayang. Gwapo pa naman at saka mayaman. Matangkad, matangos ang ilong, ma--"
" It's a prank! Anong name? "bigla niyang tanong at itinulak naman ni Haisley ang noo niya na sobrang lapit na dahil sa pagiging curious.
" Akala ko ba may Jodan ka na? "natatawang tanong ni Haisley.
" Sayang naman kasi. Kung hindi ako gugustuhin nung isa, edi doon nalang sa isa. So easy. "nakangising aniya.
" Napaghahalataang ayaw talaga ni Jodan sa kaniya. "bulong sa akin ni Haisley at sabay kaming tumawa.
" Hoy! Naririnig kita Hais! "nakangusong sigaw niya.
" Wala naman akong sinabing hindi mo ako naririnig ah. "pambabara ni Haisley.
Ayan na naman. Magbabangayan na naman sila.
" Hep! Tama na! "pagtigil ko sa kanila." Kanina pa kayo nagbubunganga. Tapusin niyo nalang yang mga pagkain niyo para makauwi na tayo. "paliwanag ko.
" Eh ano nga kasing pangalan? "parang natutuwang tanong ni Amberleigh.
"Claude . Anak siya nung business partner ni Dad. Palaging nasa company namin kaya kung gusto mo siyang makita, pumunta ka palagi sa company." natatawang sabi ko.
"Siguraduhin mong gwapo yan ah!"
"Oo naman!"
Napatingin naman ako sa gawi ni Haisley at nakita kong natahimik siya at nilaro-laro ang ice cream na nasa harap niya.
Ang weird.

BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Novela JuvenilMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED