Chapter 34

52 4 6
                                    

Sapphira's POV

"Theoden's 29th birthday is on August 27. May balak na ba kayo?" tanong ng papa niya. Nandito ako sa opisina ni Tito ngayon dahil kakausapin niya lang ako tungkol sa birthday ni Theoden.

"Actually Tito, hindi ko alam kung gusto niya ng magarbo o ng simple lang." nahihiyang saad ko.

"Kami na ang bahala sa party. Basta dapat ay naroon ka sa birthday niya. Huwag kang mawawal doon dahil importanteng parte ka sa kaniya." nakangiting aniya.

"Syempre naman Tito."nakangiting sagot ko.

August 20 na pala ngayon. May isang linggo pa ako para pag-isipan kung ano ang ireregalo kay Theoden. Mayaman na rin naman sila. Ano pa kayang pwede kong iregalo na hindi pa niya nabibili?

Pagbalik ko sa opisina, nadatnan kong walang tao. Saan na naman kaya nagpunta si Theoden?

Nagkibit-balikat nalang ako at nagpakabusy sa mga ginagawa.

Theoden's POV

"What are you doing here?"seryosong tanong ko kay Eloise at inagaw naman niya ang braso.

" Kailangan kong kausapin ang Papa mo. "matapang na aniya.

" Eloise stop this shit! Ano bang nasa isip mo at pumayag ka sa inaalok ni Papa!? "pasigaw kong tanong.

" Sinabi ko na sayo Theoden, makukuha kita. Whether your girlfriend like it or not. "She stated.

" Tigilan mo ako Eloise. Ayokong magpakasal sa'yo. At ayokong matali sayo dahil hindi kita mahal. Si Sapphira ang mahal ko. Naiintindihan mo?! "sigaw ko at tumalikod.

Pagdating sa opisina, naabutan ko si Sapphira na nakayuko sa lamesa. Paniguradong napagod na naman siya kakaharap sa screen dahil sa sobrang dami ng ginagawa.

Humila ako ng isang upuan at tumabi sa kaniya.

Kapag nalaman mo ang totoo, sana huwag mo akong bibitawan. Dahil kaya kong ipaglaban ka kahit mawalan pa ako ng lahat ng yaman na meron ako.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa lamesa.

Hindi isang chart ang ipinadala ni Papa kahapon kung hindi ang folder na naglalaman ng isang sulat. Sulat na galing sa Monterra Corporation. Nalulugi na ang kumpanyan nila at sa kamalas-malasan ay ako pa ang pinuntirya ni Eloise.

Ilang beses kong sinabi kay Papa na hayaan na lang na bumagsak ang kumpanya nina Eloise pero ilang beses niyang sinabi na kailangang kailangan ng kumpanya namin ang tulong ng Monterra Corporation.

Lumabas muna ako saglit at pumunta da Café sa loob ng kumpanya.

Umupo muna ako doon at nag-isip isip.

Ano ang gagawin ko? Ayaw na akong tigilan ni Eloise at hindi malabong sabihin niya kay Sapphira ang nangyayari. Ayokong masaktan ko na naman si Sapphira dail sa pagtatago ko ng sikreto pero ito lang ang tanging magagawa ko para hindi siya masaktan.

Gagawa ako ng paraan para hindi ituloy ni Papa ang binabalak niya.

Bumili muna ako ng iced coffee para kay Sapphira at umakyat na pabalik sa opisina ko.

Pagdating doon ay gising na si Sapphira at busy sa pagta-type sa laptop. Kaya inilapag ko sa gilid niya ang iced coffee at dumako naman ang tingin niya sa akin.

"Saan ka galing?"

"Sa Café." sagot ko at umupo.

"Malapit na ang birthday mo ah." saad nya habang umiinom ng iced coffee.

"Yeah. Nawala na sa isip ko dahil sa sobrang dami ng nangyayari." sagot ko.

Sapphira's POV

Bukas na ang birthday ni Theoden at hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam na iregalo. Ano kaya ang pwede?

Dahil wala naman kaming trabaho ngayon ay nagpaalam muna ako na pupunta sa Mall. Gusto pa niya akong samahan pero sinabihan ko siya na dumito nalang sa condo.

Pagdating sa Mall, inikot ko lahat ng store. Wala pa rin talaga akong maisip na iregalo. Pumasok ako sa pinakahuling store na hindi ko pa napupuntahan. Ang Wrist Store.

Nag-ikot ikot ako at pumukaw ng pansin ko ang isang bracelet at isang kwintas.

Ang kwintas ay isang susi na silver at amg bracelet naman ay may sign na parang doon sinusuksok ang susi.

"Miss, pwede ko bang tignan 'to?" tanong ko doon sa babae at inabot naman nya sa akin.

"Ang susi po ay nasa kwintas. Kung wala po iyang susi, hindi mo mabubuksan ang bracelet na ito." aniya at iniangat ang kapareha nitong bracelet.

"So, kailangan, palaging malapit lang ang susi sa kaniya para mahubad ko ang bracelet na 'to?" tanong ko.

"Yes Mam." nakangiting aniya.

Mukhang maganda ito. At least, hindi ko matatanggal ang bracelet na ito kung wala si Theoden. Sa kaniya ko ibibigay ang kwintas na may susi.

"Kukunin ko na."

Naglakad naman siya sa cashier at inilagay sa lalagyan ang napili ko.

Pagkatapos kong bayaran ay nakangiti akong lumabas sa store. Masyadong unique ang bagay na ito. Ngayon, excited na ako sa birthday niya.

Umupo muna ako sa isang bench at sinubukan kung totoo nga ba ang sinasabi ng babae sa akin.

Nakalock ang bracelet kaya kinuha ko ang susi at sinusian ito. Natuwa naman ako nang bigla itong bumukas.

Gusto kong siya lang ang magbubukas ng bracelet ko. At ibibigay ko sa kaniya ang susi dahil gusto kong palagi lang siyang nasa tabi ko.

Pag-uwi ko ay nadatnan kong natutulog si Theoden kaya itinago ko muna ang binili sa isang kahon at naligo.

Mamayang gabi ay pupunta na kami sa bahay nina Theoden at hanggang bukas kami doon. Doon na kami magpapalipas ng gabi para naman mapaghandaan ng maayos.

Napatingin ako sa kaniya. Halatang pagod na pagod siya. Siguro ay gigisingin ko nalang siya mamayang gabi para naman mabawi niya ang tulog niya.


Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon